Chapter 1

38.8K 774 92
                                    

ZELLE'S POV

Summer na yata ang pinakamagandang panahon para sa akin dahil makakapagpahinga na ako sa mga nakakapagod at nakakasabog ng utak na school stuffs sa paaralan namin. At the age of 19 ay nai-istress na ako nang dahil lang dun at baka malosyang pa ako sa edad ko. Kawawa naman si Yves dahil ayokong magka girlfriend siya ng bata pa pero mukha nang matanda.

Ako nga pala si Ryzelle Karimova Alvarez, 19 years old at isang 3rd year college student. I'm taking up Business Administration in St. Louis University. I'm half Filipina/Russian at nakatira ako sa bayan at probinsya ng San Vicente. Si Yves Altamirano ay kababata ko at boyfriend ko na ng 6 years. Masasabi kong siya na ang gusto kong mapangasawa. Mabait siyang boyfriend sa akin dahil ni minsan ay hindi pa niya ako pinagbuhatan ng kamay o nagalit man lang sa akin nang dahil lang sa maliit na bagay. Natalo pa nga niya ang isang anghel dahil sa sobrang kabaitan niya sa lahat. Gentleman, gwapo at higit sa lahat ay magalang pa siya kaya wala na akong ibang mahihiling pa.

May mga kapatid ako na puro lalaki. Ang pangalan nila ay sila Kuya Gray, Kuya Ian at Elijah. pangatlo ako sa magkakapatid at masasabi kong sila ang mga kapatid kong overprotective sa akin. Hindi sila aprubado na makipagrelasyon ako kay Yves dahil hindi palagay ang loob nila dito noon pa man pero wala naman silang magagawa dahil mahal na mahal ko si Yves at ipaglalaban ko siya sa kahit na sino pa man.

"Yung boyfriend mo pinagyabang na naman na girlfriend ka niya sa mga tropa niyang mayayabang sa kabilang bayan. Tsk!" Biglang pag-imik ni Kuya Ian habang nakahiga ito sa sofa at naglalaro ng moblie games sa cellphone niya.

"Ano bang masama dun, kuya? Ibig sabihin lang nun ay proud siyang girlfriend niya ako!" Sabi ko naman at inirapan siya.

"Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan mo sa Yves na 'yon, ate eh inagaw ka lang naman niya kay Kuya Mi-" Sabi naman ni Elijah habang nagbabasa ng libro pero naputol rin 'yong sasabihin pa niya nang biglang magsalita si Kuya Gray.

"Itigil niyo na 'yan. Siya ang mahal ni Zelle kaya anong magagawa natin?" Sabi naman ni Kuya Gray at nginitian ako.

Napailing lang ang dalawa kong kapatid dahil sa sinabi ni Kuya Gray. Mabuti pa itong kuya kong panganay, alam kong tutol rin siya sa pakikipagrelasyon ko kay Yves pero nirerespeto niya pa rin ang desisyon at gusto ko. Kaya siya ang pinakapaborito kong kapatid, e.

"Saan niyo gustong magbakasyon? Mom and Dad are very busy right now sa business natin sa Russia kaya tayong apat lang ang makakapag unwine ngayon." Suhestiyon ni Kuya Gray sa amin.

Nag-isip naman ako. Magbakasyon? So pwedeng isama ko si Yves?

"No boyfriend allowed, Zelle. It's only a vacation trip for Alvarez siblings." Kaagad namang nabasa ni Kuya Ian ang nasa isip ko kaya napatahimik nalang ako at napasimangot. Tinawanan naman nila ako kaya inirapan ko nalang sila.

"How about Barcelona, kuya?" Naeexcite na tanong ni Elijah.

Umiling naman si Kuya Gray. "Masyadong malayo na 'yon, ja. Dito lang muna tayo sa pinas since may pakalat-kalat pang virus." Sabi naman niya.

Bagsak sa balikat naman na tumango si Elijah.

Habang nagdidicuss naman sila sa pupuntahan namin ay biglang tumawag sa phone ko si Yves kaya lumayo muna ako sa kanila saka sinagot ang tawag.

"Hello, hon?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

[Nasaan ka ngayon, hon?] Masiglang tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa bahay lang. Bakit?" Sabi ko.

[Pupuntahan kita diyan ngayon. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.] Sabi niya.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon