Chapter 19

12.4K 324 14
                                    

YVES' POV

Nakaka ilang bote na ako ng alak at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maawat nila Van at Kyle sa pag-iinom ko. Ito ang unang beses na tinanggihan ako ni Zelle nang dahil sa matinding pagseselos ko. Hindi ko naman sinasadya 'yung nagawa ko sa kanya at nadala lang ako ng selos kaya ko siya nasisigawan at nasasaktan na rin. Masisisi niya ba ako kung natatakot akong mawala siya sa akin at ang pinagseselosan ko ay si Mike na una niyang minahal?

"Sabihin niyo nga sa akin, naging masama ba ako kay Zelle para tratuhin niya ako ng ganito? She needs some space at binigay ko 'yon sa kanya pero tatlong araw na ang nakakalipas at hindi ko na kakayanin na hindi ko siya makita o makausap man lang!" Miserable ko nang sabi.

Hinagod-hagod naman ni Van ang likod ko para kumalma ako. "No, bro. You're always been a good boyfriend to her. Nasaktan lang siguro si Zelle sa ginawa mo. You need to limit your jealousness because it may lead to break-ups. You need to trust Zelle and you know how much she loves you, right?" Sabi niya.

Tumango naman ako. Tama si Van. I need to trust Zelle and I know she loves me now more than Mike. Natatakot lang talaga ako na baka bumalik ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon but I need to trust her at gusto ko nang maibalik ang maganda at masaya naming relasyon katulad noon.

"Bakit hindi mo muna bigyan si Mike ng leksyon? Para hindi na niya ulit malapitan pa si Zelle? Knowing him na sobrang haba ng pasensya at pang-unawa ay sigurado akong tatanggapin niya ang lahat ng sakit sa katawan na ibibigay mo sa kanya. I told you about my plan and now this is the right time to do that." Nakangisi namang sabi ni Kyle.

Napatingin ako sa kanya at tumayo kahit medyo lasing pa ako. Yes, Mike needs to learn his lesson and that is Zelle only belongs to me.

Kaagad kaming nagpunta sa bahay ng lola ni Mike at nandoon nga siya. Pinapasok naman kami ng katulong nila dahil kilala naman nila ako bilang bestfriend noon ni Mike. Pagkapasok namin sa loob ay naabutan ko siya na nasa garden area nila na nakatayo at parang malalim ang iniisip. Nang makita niya ako kasama sila Van at Kyle ay unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakakunot ang noo nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong.

I glared at him. Nakikita ko palang siya ay kaagad nang kumukulo ang dugo ko sa kanya. "Alam mo ba nang dahil sa'yo ay hindi na ako kinakausap at pinapansin ni Zelle? Pwede bang bumalik kana lang ulit sa lungga mo at 'wag mo na kaming guluhin pa?" May galit kong pagkakasabi.

Tinaasan naman niya ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "It looks like you're drunk. Are you sure na okay ka lang?" Tanong niya.

Kaagad ko siyang kwinelyuhan. "Narinig mo ba 'yung sinabi ko? Stay away from my girlfriend!" Sigaw ko sa kanya.

Ang akala ko ay matatakot siya sa akin dahil sa sinabi ko pero nagulat nalang ako nang ngumisi siya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon, Yves? Zelle is my friend. Sa una palang naman ay sa akin na siya 'di ba? Pero inagaw mo lang siya sa akin. Ngayon na nagbalik na ako, alam kong kailangan niya ako at gusto ko siyang protektahan sa isang katulad mong baliw!" Nang-iinsulto niyang sabi.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at kaagad siyang sinuntok sa mukha. Hindi siya lumaban sa akin pero nginisian lang niya ako.

"Hindi ko inagaw si Zelle sa'yo at kahit kailan ay hindi naman siya naging sa'yo! Kung baliw ako ay mas baliw ka kaysa sa akin!" Sabi ko at sinuntok muli siya sa mukha dahilan para magdugo na ang ilong niya. Hindi pa rin siya lumalaban sa akin pero hindi maialis sa kanya ang nakangisi niyang mukha.

"Yves, hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin aamin sa akin?" Sabi niya habang hawak pa rin ang nagdudugo niyang ilong.

"Anong aaminin ko sa'yo?"

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon