Chapter 12

13.8K 370 116
                                    

KYLE'S POV

Napailing nalang kami ni Van nang maihatid namin si Yves sa bahay nila na lasing na lasing. Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin siya kay Mike nang dahil kay Zelle. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan namin dahil lahat nalang ng meron siya noon ay kinuha na ni Mike kahit pa ang damdamin ni Zelle. We know how much he really loves Zelle na kahit pa gumawa siya ng masasamang bagay masigurado lang niya na sa kanya lang ang atensyon nito. Kahit nga ang pinsan niyang si Eunice ay nagawa niyang saktan nang dahil kay Zelle.

He's really obsessed and desperate right now.

Kinabukasan ay kasama ko si Van at maglalaro ulit kami ng basketball sa court kasama ang iba pa naming kateammates. Napansin ko naman na may pinagkakaguluhan ang iba pa naming mga kateammates sa cellphone na hawak ni Glenn, isa rin sa mga kateammates namin. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at tinignan ang screen ng cellphone ni Glenn. Nagulat naman ako nang makita ko na picture ni Zelle ang pinagkakaguluhan nila. Kuha iyon nung maglaro kami sa liga nila Yves kalaban ang bayan ng San Andres.

Napanganga nalang ako nang makita na ang sexy ng kuha ni Zelle sa picture. Ang sexy at hot talaga niya. Kitang-kita ang kurba ng katawan niya sa suot niyang black dress at para siyang nagliwanag dahil sobrang puti ng balat niya at napakakinis pa. Hindi na nakakapagtaka kung bakit gutong-gusto rin siya ni Yves. Na kay Zelle na ang lahat ng pangangailangan naming mga lalake.

"Takte! Ang swerte nga naman ni Yves, oh. Nakuha niya ang pinakamaganda at sexy na babae dito sa San Vicente." Komento ng isa naming kateammates.

"Sinabi mo pa. Nagalaw na kaya ni Yves 'yan? Shit. Nagseselos ako," Sabi pa ng isa naming kasama.

Nagulat nalang kami nang biglang hinablot ni Van ang cellphone na hawak ni Glenn at kaagad nitong binura ang picture ni Zelle na palihim nilang kinuha.

Napahiyaw naman sa inis ang mga kateammates namin. "Ang Kj mo naman! Bakit mo binura?" Naiinis na sabi ni Glenn at kaagad kinuha ang cellphone niya na hawak ni Van.

Humalukipkip si Van at tinaasan siya ng kilay. "Mga siraulo ba kayo? Bakit pinagpapantasyahan niyo 'yung girlfriend ni Yves? Mga kateammates ba talaga namin kayo?" Tanong niya sa kanila.

"Masisisi mo ba kami, Van? Eh sa pantasya namin si Zelle, e. Ano bang magagawa mo? Hanggang tingin na nga lang kami sa kanya." Sabi naman ni Glenn.

Umiling lang si Van. "Tama na 'yan dahil taken na siya ni Yves. Magsimula na tayo sa practice!" Sabi niya kaya wala na kaming nagawa at naghanda nalang para sa laro. Si Van ang Captain namin.

Pagkatapos ng ilang oras naming practice ay unti-unti nang nagsialisan ang mga kateammates namin hanggang sa kaming dalawa nalang ni Van ang natira sa basketball court.

"Yung mga 'yon talaga. Kahit sila ay naaakit rin kay Zelle." Nakangiting umiling si Van at ininom ang hawak niyang mineral water.

Tumawa naman ako. "Hindi naman natin sila masisisi. You know how beautiful and sexy Zelle is." Sabi ko.

Tumango siya. "I know that's why Mike also fell in love with her. Zelle is also nice, not that only she's beautiful and sexy." Sabi niya habang nakangiti.

Tinignan ko naman si Van at may naobserba ako sa kanya. He seems so happy kapag palagi naming pinag-uusapan si Zelle.

"Do you like Zelle?" Tanong ko na ikinagulat niya pero ilang saglit pa ay tumawa siya.

"What kind of question is that? Zelle is Yves girlfriend-"

"So what? I'm asking if you like her? Tayong dalawa lang naman ang nandito, Van. Wala naman si Yves kaya pwede kang umamin sa akin." Nakangising sabi ko at tinapik ang balikat niya.

Ngumisi rin siya bago tumango. "Fine. I like Zelle a little bit. Are you happy now?"

Tumawa naman ako at pumalakpak. "I see." Umiling lang siya sa sinabi ko.

Sandali naman kaming natahimik. "What if Yves will find out na gusto mo si Zelle? Anong gagawin mo?" Tanong ko at inayos ang sintas ng sapatos ko.

Nagpunas muna siya ng pawis sa noo bago niya ako sinagot. "It's a secret for now. May pupuntahan pa pala ako, una na ako Kyle." Sabi niya saka ito tumayo at isinukbit ang bag niya at umalis na pagkatapos.

Napatingin nalang ako sa kanya habang naglalakad siya papaalis.

Talaga ba, Van?

Napangisi nalang ako. Nang ako nalang ang mag-isa sa basketball court ay nasurpresa naman ako nang makita ko si Winona na papalapit sa akin. Kilala ko siya dahil isa siya sa mga kaibigan ni Zelle.

Nang makalapit na siya sa akin ay nginitian niya ako. I look at her. She's pretty and cute.

"H-hi Kyle." Nauutal pa niyang bati.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hi rin, Winona. It's nice to see you." Bati ko at nilapitan pa siyang lalo.

Para namang namula siya sa ginawa ko at napayuko pa. "Ah eh, it's nice to see you rin. Kakatapos niyo lang bang magpractice ng basketball?" Nahihiya niyang tanong sa akin.

Tumango naman ako. "Yup. Do you want to eat? Pwede mo ba akong samahan? Nagugutom na rin kasi ako, e." Tanong ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at ngumiti pagkatapos. "S-Sure." Sagot niya at napayuko ulit.

"Let's go?" Pag-anyaya ko at hinawakan ang kamay niya.

Namula siya sa sinabi ko at tumango nalang. Napangisi naman ako. It seems that she really likes me so much.

IAN'S POV

Ginulo ko nalang ang buhok ko at hindi ko na halos maituloy ang pagbabasa ko ng libro dahil sa ingay nila Zelle at Jade sa kabilang kwarto niya. Tili sila ng tili at parang may sinasabi tungkol sa bidang lalaki sa pinapanood nila. Hindi na ako nakatiis pa at pinuntahan 'yung dalawa sa loob ng kwarto.

Naabutan ko naman silang nanonood ng isang Chinese drama sa laptop ni Zelle.

"Grabe girl! Ang gwapo talaga ni Zhao Cuo!" Tiling sabi ni Jade habang nanonood pa rin. Tinignan ko 'yung lalaking sinasabi niya sa pinapanood nila. Tsk. Mas gwapo naman ako dun.

"Mas gwapo kaya si Bai Yi Fei!" Pagtutol naman ni Zelle at bigla nalang tumili nang lumitaw sa screen 'yung sinasabi niyang isa pang gwapong lalaki.

Napailing nalang ako at napasapo sa noo ko. "Kung manonood kayo, pwede bang hinaan niyo 'yang mga boses niyo? Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko e." Reklamo ko.

Nilingon naman nila ako at nagulat si Jade nang makita ako. Napatitig nalang ako sa kanya pero nang matauhan ako ay tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Lumapit sa akin si Jade at hinawakan ang balikat ko na ikinagulat ko naman.

"Nandito ka pala, Ian my loves. Sorry kung ang ingay namin, ha?" Mahinhin niyang pagkakasabi at hinaplos ang pisngi ko. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at pilit siyang inilayo sa akin.

This girl.

"D-don't be so clingy. Lumayo ka nga sa akin." Nauutal ko pang sabi at lumayo sa kanya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Zelle kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinatahimik niya.

"Hmp! Ang sungit mo pa rin sa akin hanggang ngayon, Ian. Ikaw na nga ang nilalapitan ng isang magandang katulad ko tapos ikaw pa ang choosy!" Pagmamaktol ni Jade at umupo nalang sa kama ni Zelle.

Napangiti ako ng palihim pero hindi ko iyon ipinahalata. "Manahimik kayo, ha? Kapag nag-ingay pa kayong dalawa ay palalabasin ko na talaga kayo dito sa bahay." Pagbabanta ko bago isinara ang pintuan ng kwarto ni Zelle.

"Heh! Sana mabaog ka at hindi ka na magkaasawa pa dahil sa pagiging masungit mo, my loves!" Narinig ko pang huling sinabi ni Jade bago ako umalis.

Bumalik na ako sa kwarto ko at hindi ko na napigilan pa ang pagngiti ko. Hindi talaga nahihiya si Jade aminin sa akin na gusto niya ako simula pa noong mga bata palang kami but for sake, she's only 19 while I'm already 24.

And I don't think I can love again because of her. It's been 5 years since she was died and I hope that I can move on so easily.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon