Chapter 30

16K 286 17
                                    

GRAY'S POV

Kasama ang mga pulis at ambulansya na nakasunod sa sasakyan namin ay kaagad kaming nagpunta sa San Joaquin kasama sina Yves at Ian. Habang nagmamaneho si Yves ay tinitigan ko siya, it seems that she really cares for my sister so much at nakikita ko na rin ang mga pagbabago niya simula nang maging girlfriend niya ito. Our first impression to him was really bad pero maybe this time ay kailangan na naming mag-move on sa nakaraan at magkapatawaran nalang.

Hindi ko aakalain na aabot sa ganitong punto si Mike. Talaga ngang nagbago na siya at sobra na ang nararamdaman niyang obsesyon para kay Zelle kaya niya tinangay ang kapatid namin.

"I will kill that fucking bastard face kapag may nangyaring masama kay Zelle!" Yves angrily said habang patuloy pa rin ito sa nagmamaneho.

Napailing nalang si Ian na may mukhang tinetext sa hawak niyang cellphone.

Hindi naman gaano malayo ang San Joaquin sa San Vicente kaya kaagad kaming nakarating doon. Bumaba kami sa isang malaking bahay na alam kong pag-aari iyon ni Eusev. Pagkababa namin ay nakita kaagad namin si Eunice na umiiyak habang hawak-hawak ang kapatid niyang walang malay at duguan.

"Thank you for helping us. S-si Mike, sinagasaan niya si Eusev dahil haharangan sana ni Eusev ang kotse ni Mike para hindi niya matangay si Zelle. Habulin niyo sila please..." Humahagulgol na sabi ni Eunice.

Kaagad namang pinababa ni Ian ang mga tao sa loob ng ambulance car na nakasunod sa amin at kaagad nilang kinuha si Eusev na nakahandusay habang naliligo ito sa sarili niyang dugo. Sinakay siya sa stretcher at ipinasok sa loob ng ambulance car.

Kaagad namang lumapit si Yves kay Eunice na may seryosong mukha.

"Marami ka pang dapat i-explain sa akin kung bakit pati sina Zelle at Mike ay nandito rin. Hinding-hindi ko talaga kayo mapapatawad ni Eusev kapag nalaman kong may kinalaman kayo sa ginawa ni Mike sa girlfriend ko. Pasalamat ka at kailangan ko silang habulin ngayon."

Tinitigan muna ni Yves si Eunice ng matalim bago ito muling pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman kami ni Ian at pumasok na rin sa loob. Nagsimula na siyang patakbuhin ang kotse habang nakasunod pa rin sa amin ang police car.

Hinawakan ko naman ang balikat ni Yves dahil kitang-kita sa mga mata niya ang takot at galit pero mukhang pinipigilan niya lang iyon.

"Don't worry, hindi malalayo ni Mike si Zelle sa'yo. Gusto ko rin mabugbog ang siraulong 'yon dahil sa ginawa niya sa kapatid ko." Natatawang sabi ko na ikinatawa rin niya.

"Alam ko 'yon, Kuya Gray. Alam ko rin na naging masama ang ugali ko at aaminin kong selfish akong lalake pero pagdating kay Zelle, nagiging iba ang katauhan ko. Malaki ang tulong niya para mabago ko ang sarili ko." Sabi niya habang nakangiti ng malungkot.

Napatango naman ako at napangiti pero kaagad rin nawala ang ngiti ko nang may makita kaming isang kotseng nakahinto sa harapan ng liblib na daan na tinatahak namin at mas lalo pa kaming nagulat nang lumabas doon sina Mike at Zelle.

Kaagad kaming bumaba mula sa kotse at nilapitan sila. Napahinto rin ang police car at lumabas ang mga nakasakay na pulis doon.

ZELLE'S POV

"Bwisit lang talaga!" Pagmumura ni Mike habang mabilis itong nagmamaneho.

Ako naman ay walang tigil sa pag-iyak at takot na takot sa kanya. Kanina lang ay nakita ko kung paano niya sinagasaan si Eusev at ang paghandusay nito sa sahig. Hindi ko aakalain na magagawa ni Mike iyon. Wala na siya sa katinuan at hindi na rin niya makontrol ang sarili niya.

"Mike, itigil mo na 'to, please. S-Si Eusev balikan natin at dalhin sa ospital." Pakiusap ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako ng masama at nagulat ako nang bigla niyang inihinto ang kotse sa gilid ng daan at pagkatapos ay hinawakan niya ng sobrang higpit ang mga braso ko. Napangiwi ako sa sakit.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon