Chapter 22

13.2K 337 53
                                    

WENDY'S POV

Napatakbo nalang ako papunta sa kwarto ni Kuya Mike nang makarinig ako ng sigaw at may nabasag na kung ano sa kwarto niya. Pagkarating ko sa kwarto niya ay naabutan ko siyang nakaupo sa isang sulok habang may hawak na bote ng alak at umiiyak ito. Nagulo at nasira na rin ang lahat ng gamit niya maging pati na rin ang lampshade nito ay nabasag na.

Nagulat at naiiyak naman akong lumapit sa kuya ko.

"Kuya? Ano bang nangyayari sa'yo?" Malungkot kong sabi habang umiiyak.

"Mababaliw ako! Mababaliw ako kapag nawala ulit sa akin si Zelle. Hindi ko kakayaning mabuhay kung hindi kami magiging sa huli..." Naiiyak niyang sabi kasabay nang malakas na paghagulgol niya.

Ngayon ko lang nakitang magkaganito si Kuya Mike at nang dahil iyon kay Ate Zelle. Talaga ngang mahal niya pa rin ito hanggang ngayon at naaawa ako kay kuya dahil isa rin sa dahilan kung bakit kami bumalik dito sa Pilipinas ay dahil gusto na rin niyang makita si Ate Zelle.

Niyakap ko nalang si Kuya Mike at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para kumalma na siya. 

"Si Yves, siya ang may kasalanan nito kung bakit hindi na ako mahal ni Zelle. Magbabayad siya sa ginawa niya sa amin!" Sigaw niya na ikinagulat ko at saka ako napaatras papalayo sa kanya.

Nang tinignan ko si Kuya Mike ay bigla nalang nag-iba ang mood nito mula sa pag-iyak. Mas naging nakakatakot na siya at sobrang nagdidilim na rin ang mga mata niya.

Bigla siyang ngumisi na mas lalo pang nagpatakot at nagpakaba sa akin. "Well, I don't have any choice but to use my last piece." Tumingin siya sa akin at nginisian ako.

Napailing nalang ako. Maging ako ay hindi ko nakilala kung si Kuya Mike ba talaga itong kaharap ko ngayon. Something's wrong with him right now and he's not acting normally. Sa tanang buhay ko ay ibang Kuya Mike ang nakikita ko ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang magalit, umiyak at magwala ng ganito.

Unti-unti na akong tumayo at lumabas mula sa kwarto niya. Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya pero hindi ko nalang inisip pa iyon. Ngayon naman ay sinisisi niya si Kuya Yves kung bakit hindi na siya ang mahal ni Ate Zelle at sobrang naguguluhan ako doon.

ZELLE'S POV

"Talaga? Ginawa ni Kuya Mike 'yon sa'yo, ate? Dapat pala ay hindi ko na siya pinagkatiwalaan pa. Ang akala ko ay mabait siya 'yon pala ay hindi." May galit na sabi ni Elijah.

I sighed. Ikwinento kasi ni Kuya Gray kay Elijah ang ginawa sa akin ni Mike kagabi at hindi siya makapaniwalang magagawa ni Mike iyon. Maski sa sarili ko ay hindi ko aakalain na sa ganong punto ay gagawin ni Mike iyon sa akin. My brothers really trust him so much at kasundo nilang lahat si Mike.

"All we need to do is protect Zelle from that guy. Baka may kung ano pang gawin ulit ang Mike na 'yon kapag nawala sa paningin natin si Zelle. It looks like na nababaliw na ang isang 'yon. Tumira lang sa amerika pati ang utak ay naalog na." Sabi naman ni Kuya Gray at napailing nalang.

Hinarap naman ni Kuya Ian si Yves na nasa tabi ko lang at hawak-hawak nito ang isang kamay ko.

"Yves, we apologize from everything. Kung hindi ka namin natanggap kaagad bilang boyfriend ni Zelle. Alam kong may mga hindi tayo pagkakaunawaan noong mga bata pa tayo but let's just forget about that. Thanks for protecting our sister." Nakangiting sabi ni Kuya Ian at nakipagkamay kay Yves.

Ngumiti naman si Yves at tinanggap ang pakikipagkamay kay Kuya Ian. "I understand. I know na naging masama ang ugali ko noon pero nagbago na ako ngayon. I will protect Zelle no matter what because I really love her." Sabi niya at biglang tumingin sa akin.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon