Chapter 8

17K 471 122
                                    

VAN'S POV

Habang papunta kami nila Kyle at Louie sa court para sana magbasketball ay napadaan kami sa bahay nila Zelle at laking gulat namin nang makita namin si Zelle na nakangiti habang kausap si Mike at ang kapatid nitong babae na si Wendy.

Alam kaya ni Yves 'to?

"Mukhang close na close na silang dalawa, ah?" Nakangising sabi ni Louie habang tinitignan rin sina Zelle at Mike na masayang nag-uusap.

Magbestfriend noon sina Mike at Yves at alam ko rin na si Mike ang unang minahal ni Zelle pero ang kaibigan namin ay ginawa ang lahat para lang mapalapit sa taong mahal niya simula noong umalis si Mike papuntang amerika para magpagamot. Si Yves ang nandyan noon pa man kay Zelle at hindi ako papayag na dahil lang sa pagdating ni Mike ay masira ang relasyon nila.

"Yves need to know this," Sabi ko sa kanila.

"Tama ka dyan. Baka sa isang iglap lang ay makuha na ni Mike ang babaeng pinakamamahal ni Yves. Let's go to his house." Sabi naman ni Kyle.

Tumango ako at saka kami nagpunta sa bahay nila Yves. Pinapasok naman kami sa loob ng mga katulong nila dahil kilala na nila kami. Yves is our childhood friend since then. Sinabi ng katulong nila na nasa loob ng kwarto si Yves at nagpapahinga daw dahil masama ang pakiramdam niya kaya kaagad kaming dumiretso sa kwarto niya. Nakapasok naman kami sa loob dahil hindi nakalock ang pintuan.

Napailing nalang kami nang maabutan namin siyang umiinom ng mag-isa at parang malalim ang iniisip. Nagulat naman siya nang makita kami.

"You're drinking in the middle of afternoon, huh?" Nakangising sabi ni Louie saka ito humiga sa kama ni Yves.

"What's the problem, bro? Is it because of Mike?" Tanong naman ni Kyle at umupo ito sa tabi ni Yves at inakbayan ito.

Tumango naman si Yves at itinuloy ang pag-inom niya. "Alam kong hindi ko na dapat maramdaman na magselos dahil girlfriend ko na si Zelle but I can't help it. I know that Mike is her first love pero kahit sinabi niya sa aking ako na ang mahal niya ay hindi pa rin ako mapanatag. What if bumalik 'yung feelings ni Zelle sa kanya? What if bigla niya akong iwan at marealized niya na si Mike pa rin ang mahal niya? I can't afford to lose Zelle. She's my girl and she's mine!" Desperado na niyang sabi saka ito napahawi sa buhok niya.

He's madly deeply in love with Zelle and we all know that since we we're young.

Lumapit naman ako kay Yves. "We understand you, bro. Kanina nga lang ay nakita namin sila ni Mike na nag-uusap. It looks like she's very happy when Mike is in front of her." Nakangising sabi ko na ikinatigil niya.

Nakita ko naman ang biglang pagkuyom ng kamao niya. "Van, alam niyo na ginawa ko ang lahat para lang mawala sa landas ko si Mike. Pinabugbog ko siya sa mga tauhan ni Dad kaya siya nagkaroon ng matinding injuries at walang magagawa ang mga doktor at espesyalista dito sa Pilipinas para gamutin siya kaya naisipan ng pamilya niya na sa amerika na siya ipagamot at tumira. Now that he's back after 7 years, can't you see how fine he is? Kahit hindi niya alam na ako ang may pakana sa nangyari sa kanya noon ay baka malaman pa niya at kapag nalaman ni Zelle 'yon baka hiwalayan niya ako. Hindi ko matatanggap 'yon!" He shouted at itinapon sa sahig ang hawak niyang baso na may lamang alak kaya nabasag ito.

Our friends looks at him awfully. Alam namin kung gaano kabaliw si Yves kay Zelle. He can do stupid and dangerous things para lang makuha niya ang atensyon ni Zelle kahit pa may madamay na iba. Malaki ang inggit niya kay Mike dahil simula noong mga bata palang kami ay paborito na si Mike ng lahat at palagi pa itong nangunguna sa academics, sports, popularity and even fangirls habang si Yves naman ay pumapangalawa lang sa kanya. Mike gets everything instantly habang si Yves naman ay pinaghihirapan ang lahat ng nakukuha niya. I can't blame Yves for that because Mike even gets the attention of Zelle.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon