Chapter 2

28K 655 22
                                    

ZELLE'S POV

"Zelle!" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Yves na papalapit sa amin habang nakatitig ng masama kay Miguel.

"Hey lil bro! I didn't know na nandito ka pala." Nakangiti namang sabi ni Miguel kay Yves nang makalapit na ito sa amin.

Lil bro? Magkapatid sila?

Hindi sinagot ni Yves ang sinabi ni Miguel at hinila niya lang ako at itinago sa likod niya. Mukha namang natutuwa pa si Miguel dahil parang galit pa itong si Yves sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" Tanong ni Yves na may nakakamatay pa rin na tingin kay Miguel.

Tumawa naman si Miguel. "Nakasalubong at nagkabungguan lang naman kami and I didn't know na girlfriend mo pala si Zelle. Hindi ka man lang nagkukwento sa akin na may girlfriend ka na pala. I'm your kuya, right? kaya dapat hindi ka nagtatago ng sikreto sa akin." Sabi pa niya.

Nagulat naman ako. Kapatid pala talaga ni Yves si Miguel? Pero ang akala ko ay nag-iisa lang siyang anak?

"Half brother lang kita, Miguel at hindi na kita kailangan pang ikwento sa lahat o sa girlfriend ko. Tara na Zelle umalis na tayo dito." Sabi lang ni Yves at kaagad niya na akong hinila papalabas ng bar leaving Miguel na nakangisi lang sa amin.

Pagkalabas namin sa bar ay kaagad kaming sumakay sa kotse niya at pinaandar kaagad ito. Habang nagmamaneho ay tinititigan ko si Yves. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito at mukha ngang may issue siya sa kapatid niya.

"He's my half brother. Anak siya ni Dad sa unang naging asawa niya. Nakatira siya sa amerika at hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa Pilipinas." Biglang pag-imik ni Yves habang nagmamaneho pa rin.

Dahil sa sinabi niya ay naliwanagan na ako.

"You should stay away from him. Lahat gagawin niya para lang makuha ang lahat ng meron sa akin. He's very jealous and insecure of me since then dahil palagi akong pinapaburan ni Dad. I can't blame Dad dahil lumaking rebelde at pasaway 'yang si Miguel." Seryosong sabi niya.

Tumango naman ako. "Okay. I understand. I'm sorry hon kung kinausap ko pa siya. Hindi ko naman kasi alam na kapatid mo pala siya at ganon pala ang trato niya sa'yo." Malungkot kong sabi at napayuko.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "It's not your fault, hon. Sa susunod ay hindi ka na niya malalapitan pa." I nodded again and smiled at him.

Napakabait talaga nitong si Yves. Kahit na ganon sa kanya si Miguel ay mukhang hindi naman siya nagtatanim ng sobrang galit para dito. That his brother after all at magkadugo pa rin sila.

Pagkatapos akong maihatid ni Yves sa bahay namin ay pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko si Kuya Ian na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Nang makita niya ako ay napailing lang siya saka niya muling itinuon ang atensyon niya sa tv. Hindi ko nalang siya pinansin at kaagad na nagtungo sa kwarto ko.

Naghilamos ako at nagpalit na ng pantulog. Napangiti naman ako nang magtext kaagad sa akin si Yves.

From: Hon

You should need to rest. Medyo ginabi na tayo at sana hindi ka napagalitan ng mga kapatid mo. Goodnight hon and I love you. :)

Kaagad akong nagreply.

To: Hon

Ikaw rin dahil mukhang marami kang nainom kanina. Hindi naman nila ako napagalitan kaya you don't need to worry. Goodnight and I love you too, hon. :)

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon