Chapter 9

15.5K 421 52
                                    

ZELLE'S POV

Pinatawag ako ngayon ni Yves dito sa bahay nila. This is the first time that I was so scared of him. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang galit siya sa akin. Kanina pa niya ako hindi iniimik at parang malalim ang iniisip niya. Did I do something wrong again? Bakit lately ay parang nag-iiba na siya? Hindi naman siya ganito e. He always looks so happy and positive pero ngayon ay ramdam ko ang pagkagalit niya sa akin. He's quiet mad and I'm so worried about him.

I'm in his room right now. Nakaupo lang ako sa kama niya habang siya naman ay nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana ng kwarto niya. It's been 30 minutes pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nililingon at iniimik.

Bumuntong-hininga ako. I think I need to talk to him right now.

"Hon, may nagawa ba akong mali? Are you mad at me?" Panimula ko.

Sa wakas ay humarap na siya sa akin at nagulat ako nang nakatitig na siya sa akin ng masama. This is the first time na tignan niya ako ng ganito. Ngayon lang rin siya nagalit sa akin ng ganito.

"Wala ka bang ikukwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa'yo kahapon?" Tanong niya at nagpamulsa.

"Ano ba ang dapat kong ikwento? It's a normal day for me yesterday. Hindi kita inistorbo dahil sabi mo ay hindi maganda ang pakiramdam mo. Gusto kitang puntahan dito pero ang sinabi mo naman ay 'wag na. I was so worried about you yesterday." Malungkot kong sabi.

Tumawa naman siya at napailing. "Kung hindi pa pala sinabi nila Van na nakita ka nila kasama si Mike ay hindi mo pa sasabihin sa akin na magkasama kayo? Why are you with him yesterday?" Sabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.

Napahinto ako. Nakita pala nila Van na kausap ko sila Mike at Wendy nung hinatid nila kami ni Elijah sa labas ng bahay.

"Oo. Nakasama ko si Mike pero kasama ko rin nun sina Elijah at Wendy. Naggrocery ako kasama si Elijah at saktong nandoon rin sina Mike at Wendy. They only help us para maiuwi 'yung mga napamili namin ni Elijah. That's all." Paliwanag ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Why didn't you tell me? Edi sana ako na ang tumulong sa inyo ni Elijah. I was not that really sick." Naiinis niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala. He looks very irritated and mad. Napapikit nalang ako saka nagmulat ulit. "It's not even a bigdeal. Hinatid lang niya kami pauwi at 'yon lang 'yon!" Naiinis ko rin na sabi.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinampas ng malakas ang bedside table niya. Bigla ay natakot na talaga ako ng tuluyan kay Yves. His eyes are burning into madness and hate. What's happening to him? Pati ba naman ganito kaliit na bagay ay papalakihin pa niya?

"Wala na ba akong karapatang magselos, Zelle? Knowing Mike is your first love? Ano ba ang dapat kong maramdaman? Maging masaya? We've been together for 6 years pero simula nang dumating si Mike pakiramdam ko ay unti-unti nang lumalayo ang loob mo sa akin. Masisisi mo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? I let other guys to see you and touch you katulad ni Clarence because I really trust you pero pagdating kay Mike, alam kong kahit papaano ay minahal mo siya. Can you blame me, Zelle? Can you blame me?" Halos pasigaw niyang sabi.

Sa sinabi niya ay naiintindihan ko na siya. He's jealous and he's right, hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya sa tuwing kasama ko si Mike pero kahapon naman kasi ay nagkataon lang iyon at hindi ko naman alam na nandoon siya. Maybe I need to avoid Mike right now para hindi na ulit magselos pa si Yves.

Pero bakit ganito? Bakit sa naiisip kong lalayuan at hindi ko kakausapin pa ulit si Mike ay parang.. nasasaktan ako at nalulungkot? Bakit nararamdaman ko ito? Ano bang mali sa akin?

Kahit may bumabagabag sa isipan ko ay hinawakan ko ang dalawang kamay ni Yves at tinitigan siya sa mga mata niya. Siya ang mahal ko. Siya 'yung nandyan para sa akin simula noong iwan ako ni Mike. Siya rin ang nag-alaga at nagtatanggol sa akin sa tuwing may masamang nangyayari sa akin. He respects me so much at pati na rin ang pamilya ko. I owned him a lot and I can't hurt him.

"I'm really sorry. Ni hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo. Hindi na mauulit 'yon. I will stay away from him. Ikaw ang mahal ko kaya 'wag ka nang magselos, okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Napangiti na rin siya sa sinabi ko at niyakap ako.

"Thanks hon, I love you so much." Sabi niya. I hugged him back.

"I love you too, hon." Sabi ko naman at malungkot na ngumiti nalang.

Sinapo niya ang buong mukha ko then he kissed me. I kissed him back at napapikit nalang. Mahal ko si Yves pero bakit sa tuwing hinahalikan ko siya ay wala akong maramdaman na kahit na ano? For the past 6 years ay ganito nalang ba palagi? Mali ba ang mga nababasa ko mga sa libro o comics na kapag hinahalikan ka ng taong mahal mo ay may kung ano ang umiikot sa sistema mo at pakiramdam mo ay safe at masaya ka sa tuwing ginagawa niyo iyon?

Mahal ko naman si Yves pero bakit ganito?

Pagkatapos ng halikan namin ay bumaba ang halik niya mula sa mga leeg ko hanggang sa hindi ko namalayan na hiniga niya na pala ako sa kama niya at nasa itaas ko na siya. He kissed me again on my lips at nararamdaman ko nang unti-unti na niyang tinatanggal ang suot kong pang-itaas. Napamulat naman ako at itinulak siya saka napabangon dahilan para itigil niya ang ginagawa niya. Nagulat siya sa ginawa ko at tinitigan ako ng mariin.

"Why did you stop me?" Halos pabulong niyang sabi.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "I c-cant do this. I'm sorry," Sabi ko.

Napahawi naman ito sa buhok niya. "Why? Ang tagal na natin, Zelle pero bakit ayaw mo pa rin? Are you still doubting me? For pete sake! 6 years na tayo and I want to marry you and have a kids with you." Umalis na siya mula sa pagkakapatong sa akin at umupo nalang sa tabi ko. He looks very frustrated.

Yes, 6 years na kami ni Yves pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nagagawa ang bagay na iyon. He still respects me from that pero ngayon ay mukhang nagalit ko na naman siya dahil hindi ko maibigay iyon sa kanya. I don't know why Yves acts so strangely these days. This is not him.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta hindi pa ako ready gawin ang bagay na iyon. I'm still young.

He nodded habang hindi pa rin ako sumasagot. "Forget that. Kung ayaw mo pa rin ay hindi na kita pipilitin. Ito lang ang tatandaan mo, sa oras na makita ko na magkasama ulit kayo ni Mike ay malilintikan na talaga siya sa akin. You know that I always treat you as my princess and I always take care of you but now I'm also doubting you. Hindi ako papayag na masayang lang ang pinagsamahan natin nang dahil lang sa kanaya. Ginawa ko ang lahat para sa'yo and you should be grateful for that. Lalabas muna ako, I need some air." May diin niyang sabi at pagkatapos ay iniwan na ako.

Naiwan nalang akong tulala at hindi ko na napigilan pang maiyak. Nagbago na si Yves. He became more possessive to me at nang dahil iyon kay Mike. Is this the normal jealousy of him?

Bakit kinakabahan ako at pakiramdam ko ay may mga hindi magandang mangyayari?

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon