Chapter 21

13.5K 331 77
                                    

ZELLE'S POV

Kaagad kong niyakap si Yves ng napakahigpit nang makita ko siya. Hindi ko maitatangging namiss ko siya sa loob ng isang linggong hindi pagpansin sa kanya. Niyakap naman niya ako pabalik at hindi ko na napigilan pang mapaluha. Hanggang ngayon ay sobra pa rin akong nakokonsensya sa ginawa ko sa kanya. Muntik nang may mangyari sa amin ni Mike nung gabing iyon. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na niya ako tinigilan sa kakatext at kakatawag sa akin kaya nagpalit na ako ng number kung saan ay si Yves lang ang contact ko at pati na rin ang mga kaibigan at pamilya ko.

Ang akala ko ay katulad pa rin ng dati si Mike pero nakita ko na rin ang mga pagbabago niya. Hindi na siya ang dating Mike na kababata ko. I thought that I love him but I'm wrong, I'm only confused dahil siya ang unang minahal ko noon pero napagtanto ko na mahal ko talaga si Yves at hindi ko siya ipagpapalit sa iba.

"I miss you, hon!" Naiiyak kong sabi.

"I miss you, too hon. Alam mo bang para akong pinapatay kapag hindi mo ako kinakausap o pinapansin? Mabuti nalang at ngayon ay kinausap mo na ako." Sabi naman niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Humarap naman ako sa kanya at sinapo ang buong mukha niya. I can't believe that Yves can love me this much. Hindi man lang siya nagalit sa ginawa ko sa kanya at naiintindihan niya ako. I'm such a dumb girl para hindi siya pansinin ng isang linggo. He's only jealous and that's a normal thing to a boyfriend pero hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niya.

Ngumiti ako nang malungkot habang siya naman ay pinupunasan ang mga luha ko. "I-Im sorry If I act this way. Hindi lang kasi ako sanay na nakakapanakit ka ng ibang tao o nagagalit kana sa akin dahil sa pagseselos mo pero naiintindihan na kita. I'm sorry, hon." I said.

He smiled at me and that's the brightest thing that I ever saw today.

"I'm so sorry for that, hon. Hindi na mauulit 'yon. Hindi ko lang talaga makontrol ang sarili ko dahil sa selos pero sinisigurado ko sa'yong ayon na ang huli." He hugged me again at napanatag naman ang loob ko dahil dun.

Pagkatapos ay umupo kaming dalawa sa couch at inilagay niya ang ulo ko sa braso niya. Sa unang pagkakataon sa loob ng anim na taon ay naramdaman ko ang kakaibang saya at hindi maipaliwanag kong nararamdaman sa sistema ko habang nasa ganon kaming posisyon ni Yves. Nakumpirma kong mahal ko na siya at hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinumang lalaki. Kung anuman ang pagkukulang at imperfections niya ay tatanggapin ko iyon ng buong puso.

"Zelle?"

"Hmm?" Tugon ko at ipinikit ang mga mata ko. Hinaplos-haplos naman niya ang buhok ko.

"Nakita ko 'yung video na naghahalikan kayo ni Mike sa parke." Seryoso niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya at humarap sa kanya.

Sino naman kaya ang kumuha ng video na iyon at bakit niya kami nakitang naghahalikan ni Mike? Mas lalo pang nadagdagan ang guilt ko dahil sa ginawa kong iyon.

"Yves..." Malungkot kong sabi.

Ginulo naman niya ang buhok ko. "There's a reason behind that kiss, right? You still have a feelings for him and I understand that." Mahina niyang sabi. Umiling naman ako.

"No, hon. Ikaw lang ang mahal ko. Aaminin kong nalito talaga ako sa nararamdam ko simula nang dumating si Mike. I thought that I still love him dahil alam mong siya ang first love ko but I realize na ikaw talaga ang mahal ko. From now on, sa'yo lang ako magfofocus at hindi ko na hahayaang lumapit o makipag-usap pa sa akin si Mike." Buong puso kong sabi.

Nakita ko naman sa mga mata niya ang tuwa dahil sa sinabi ko. Kaagad niya akong hinalikan ng mabilis sa labi.

"Thanks for being honest to me, hon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo nagawa 'yon. I'm not mad, okay? Ang importante ay magkasama na tayo ngayon." Sinandal niya ulit ako sa balikat niya kaya napangiti nalang ako.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon