Chapter 6

18.2K 523 60
                                    

7 years ago

ZELLE'S POV

Nakapahalumbaba na nakangiti ako habang pinagmamasdan si Mike mula sa malayo na naglalaro ng basketball sa field kasama ang bestfriend niyang si Yves. Kahit saang anggulo talaga ay ang gwapo pa rin tignan ni Mike. Moreno siya na mas lalo pang nagpapa-attract sa itsura niya at siya ay matangkad rin. Alam ko naman na hindi lang rin ako ang nagkakagusto sa kanya maging pati na rin ang iba pang kababaihan dito sa lugar namin.

"Kung kandila lang si Mike, kanina pa siya natunaw dahil sa mga titig mo." Nakangising sabi ni Jade habang kumakain ito ng saging na hawak niya.

"Jade, crush na crush ko talaga si Mike lalo na't sobrang bait pa niya sa akin!" Kinikilig ko namang sabi.

Tumawa naman siya. "Alam ko na 'yan, Zelle dahil obvious ka naman na crush mo siya, pero hindi mo ba napapansin? Gwapo rin naman si Yves, oh!" Sabi nito at itinuro niya si Yves na nakikipaglaro pa rin kay Mike.

Tinignan ko si Yves. Gwapo rin ito at matangkad pa. Maputi siya kumpara kay Mike at mukha rin itong artista kaya sure akong marami rin'g nagkakagusto sa kanya pero kay Mike lang talaga natuon ang atensyon ko simula noong mga bata palang kami dahil siya na talaga ang gusto ko noon pa.

 "Yes. He's handsome too but I still love his bestfriend." Nakangiting sabi ko naman.

Tumango nalang si Jade at hindi na tumutol pa. Ilang sandali lang ay halos mahimatay naman ako sa kilig nang makita kong papalapit sila Mike sa pwesto namin. Sinundot naman ako sa tagiliran ni Jade at tila nang-aasar pa pero inirapan ko nalang siya ng pabiro.

"Hi, Zelle. Kanina pa ba kayo nandito?" Tanong ni Mike sa akin habang nasa likuran niya si Yves na tahimik lang at halos hindi makatingin sa amin.

"Ah, oo Mike. Kanina pa kami nandito." Nahihiyang sabi ko.

Nang ngumiti siya sa akin ay halos bumilis ang tibok ng puso ko at alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya.

"Ganon ba? If you don't mind pwede bang pumunta ka sa birthday party ni Wendy mamaya sa bahay namin? Ini-invite ka ng kapatid ko at gusto ko rin na nandoon ka." Parang nahihiya rin niyang sabi at napahawak nalang ito sa batok niya.

Kahit namumula na ako sa kilig at hiya ay tumango ako at ngumiti rin ng matamis. "Sure. Pakisabi kay Wendy na happy birthday." Napatitig siya sa akin ng ilang segundo pagkatapos ay tumango siya.

"No problem." He said.

"Una na ako, Mike. Baka hinahanap na ako nila Mom at Dad." Biglang pag-imik ni Yves at kaagad na itong umalis, ni hindi man lang niya hinintay magsalita si Mike.

"So see you later, Zelle." Sabi pa ni Mike bago rin ito tuluyang umalis.

Napangiti nalang ako at niyakap si Jade na mukha rin'g masaya para sa akin.

"Mike? Kailan ka pa nakauwi ng Pilipinas?" Gulat na tanong ni Yves.

Lumipat ang tingin sa akin ni Mike na walang ekspresyon ang mukha saka siya muling bumaling kay Yves.

He's back. Mike is back.

"Kakarating ko lang rin kanina. How are you guys?" Nakangiting sabi niya.

Gulat na gulat pa rin ang lahat dahil pagkatapos ng ilang taon ay ngayon lang ulit nila nakita si Mike. He looks more manlier and serious. He had a strong features kumpara kay Yves at nakakaintimidate rin ang mga tingin niya. He really looks good.

"Wow! Ikaw na ba 'yan, Mike? Mas gumwapo ka pa yatang lalo, ah?" Nakangiting sabi ni Van saka ito lumapit kay Mike at inakbayan pa ito.

"Nakakagwapo pala talaga 'pag tumira ka sa amerika. Makatira nga dyan minsan at baka makatira rin ng-" Hindi na natapos pa ni Kyle ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ng isa pang teammates nila Yves na si Louie ang bibig ni Kyle.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon