Chapter 18

12.9K 357 83
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pinag-isipan ni Mike ang mga sinabi sa kanya ni Elijah. Tama ito, sa nakikita niya ngayon kay Yves ay ibang tao na ito at hindi na ito ang dating bestfriend niya. Ilang taon siyang nawala kaya hindi niya alam kung ano ba ang mga nangyari dito at kay Zelle habang nandoon pa siya sa amerika. He will do everything to protect Zelle, maaaring nanghihimasok na siya sa relasyon ng dalawa pero may nag-uudyok rin sa sarili niya na kailangan niyang maprotektahan si Zelle mula sa dati niyang kaibigan.

"Hi Mike!" Napalingon naman si Mike mula sa tumawag ng pangalan niya at nakita niya si Eunice na papalapit sa kanya.

"Eunice, ikaw pala."

Ngumiti naman ng matamis si Eunice sa kanya. Ilang taon rin niyang hindi nakita si Eunice at masasabi niya na gumanda pa itong lalo. Kamukhang-kamukha talaga nito ang kakambal niyang si Eusev.

"Ano palang ginagawa mo dito sa bukid? Ngayon lang kasi kita naabutan. I really missed you, Mike!" Masayang sabi ng dalaga at bigla siya nitong niyakap na ikinagulat niya.

Alam niyang may gusto si Eunice sa kanya noon pa naman pero hindi niya ito mabigyan ng pansin dahil may mahal na siyang iba at iyon ay si Zelle.

Kaagad tinanggal ni Mike ang pagkakayakap sa kanya ni Eunice at tumikhim ito. "Hinahanap ko kasi si Zelle dito. Nakita mo ba siya?"

Sa tinanong ni Mike ay kaagad namang sumama ang timpla ng mukha ni Eunice at humalukipkip nalang.

"Tanungan ba ako ng nawawalang babae? Pero nakita ko siya, magkasama nga sila ni Eusev sa mansyon, e. Hindi ko na sila inistorbo pa since mukhang may magandang pagkakaunawaan na sila." Nakangising sabi nito sa kanya.

Hindi maintindihan ni Mike ang sarili niya pero bigla nalang napayukom ang mga kamao niya dahil dun at may kung anong nasa loob niya ang gusto magwala. He always controlled his temper dahil masama talaga siyang magalit. Nakakapanakit siya ng sobra kapag nalimitahan na ang pasensya niya. He knows that he's worse kaya hangga't maaari ay nilalawakan at hinahabaan lang niya ang pang-unawa niya.

He's jealous and he knew it. Naiinis siya sa tuwing kasama ni Zelle ang mga lalaking kilalang-kilala niya katulad nila Miguel at Eusev.

Huminga nalang siya ng malalim at nginitian si Eunice. "Pwede mo ba akong samahan sa inyo? May importante lang talaga akong sasabihin kay Zelle. Gusto ko rin na makausap ka pang lalo dahil matagal na tayong hindi nagkita." Sabi niya nalang.

Natigilan at namula naman si Eunice dahil sa sinabi ng matagal na niyang gusto na si Mike.

"S-Sure, Mike. Basta ikaw!" Bigla naman siyang niyakap ni Eunice sa braso niya pero hindi na siya pumalag pa don para madala na siya nito sa mansyon nila. Kailangan talaga niayng makausap si Zelle.

Pagkarating nila sa mansyon nila Eunice ay hindi nga siya nagkakamali at nandoon si Zelle na nakikipagtawanan kay Eusev.

He greeted his teeth.

"Hello Eusev at Zelle!" Bati ni Eunice habang nakakapit pa rin ito sa braso ni Mike.

Nanlaki naman ang mga mata ni Zelle at nagulat nang makita niya si Mike sabay napatingin siya kay Eunice na nakakapit sa braso nito. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero hindi niya kayang makita iyon.

"Hey, sis. Kasama mo pala si Mike. Come on and join us." Nakangiti namang paanyaya ni Eusev sa kanila at bigla siya nitong hinapit sa bewang at mas lalo pa itong lumapit sa pwesto niya.

Umupo naman sila Eunice at Mike sa couch na kaharap lang sila Zelle at Eusev. Tinititigan ngayon ni Mike si Zelle na halos hindi makatingin sa kanya. Napakuyom naman siya nang kamao nang makita na nakakapit si Eusev sa bewang ng dalaga.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon