Chapter 28

12.9K 279 40
                                    

THIRD PERSON'S POV

1pm ang usapan nila Zelle at Mike na magkikita sila ngayon. Zelle wants a peace of mind kaya makikipag-ayos na siya kay Mike. Alam niyang malaki ang atraso sa kanya ng binata pero handa niya itong patawarin para lang hindi na ulit magkagulo pa. Gusto niya ng tahimik at normal na buhay kaya kailangan niyang makausap si Mike at makipagbati na dito. Alam niyang tututol ang mga kapatid niya pati na rin si Yves sa gagawin niya pero wala siyang magagawa kundi tapusin na ang kung anumang gulo na nangyari sa kanila ni Mike.

Napag-usapan nila ni Mike na magkita nalang sa bukid dahil kung doon sila magkikita sa tapat ng bahay nila ay makikita sila ng mga kapatid niya at baka hindi pa sila magkaayos agad. Zelle knows that her brothers really hates Mike right now dahil sa nakita nilang ginawa nito sa kanya. Kailangan rin niyang makauwi bago mag 4pm dahil uuwi na galing business trip sa Russia ang mga magulang niya at may dinner pa sila kasama si Yves mamayang gabi.

Nang makarating na siya sa bukid ay nakita niya kaagad si Mike na nakasandal sa isang puno habang nakapamulsa. He's wearing a beanie, blue navy shirt and pants. Hindi maipagkakaila na gwapo at maporma si Mike kumpara kay Yves na simple lang pumorma pero makikita pa rin ang angking kagwapuhan nito sa mga isinusuot niya.

Nang makita siya ni Mike ay kaagad itong lumapit sa kanya at nginitian siya nito.

"You look gorgeous as ever, Zelle." Sabi nito habang nakatitig sa kanya.

She cleared her throat at iniwasan ang mga titig sa kanya ni Mike. "We are here to talk, Mike. What are you going to say?" Tanong nito.

Ngumiti lang si Mike. "Mas mabuti pa kung sa ibang lugar nalang tayo mag-usap. Hindi yata safe na nandito tayo dahil baka makita tayo ng mga alagad ni Yves o hindi kaya ng mga kapatid mo." Sabi ni Mike at akmang aakbayan na sana si Zelle nang bigla nitong tinabig ang kamay ni Mike.

"Okay." Sabi nalang niya.

Napangisi at tumango lang si Mike pagkatapos ay sinundan niya ito sa kung saan man sila mag-uusap. Nakarating sila sa isang open field at huminto na sa paglalakad si Mike kaya napahinto rin siya.

"Mas okay na siguro dito? Walang katao-tao kumpara dun sa bukid." Sabi ni Mike.

Tumango lang si Zelle at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng kaba. Pakiramdam niya ay parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw pero iwinaksi niya nalang sa isipan iyon.

"Alam kong mali 'yung ginawa ko sa'yo at dahil sa sobrang pagkadesperado ko na makuha ka ay nagawa kitang pagsamantalahan at takutin para lang mapalapit ka sa akin. Hindi ko na naisip 'yung nararamdaman mo kaya pati ikaw ay nasaktan ko na rin. I'm sorry for everything that I've done to you, Zelle. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko sa'yo at pati na rin kay Yves." Malungkot na pagkakasabi ni Mike at yumuko pa ito na parang nahihirapan.

Napabuntong-hininga nalang si Zelle. Naiintindihan niya kung bakit ginawa ni Mike iyon sa kanya. They are childhood friends and lovers at noon ay mahal na mahal nila ang isa't-isa kahit mga bata palang sila that time. She can't blame Mike pero mali pa rin ang ginawa nito sa kanya.

"Naiintindihan kita, Mike pero hindi mo maiialis sa akin na nasaktan pa rin ako sa ginawa mo. Kaya kitang patawarin pero hindi na natin maibabalik pa ang dati." Sabi naman ni Zelle.

Tumango si Mike. "Alam ko, ang mahalaga lang naman sa akin ay ang magkaayos na tayo. Hindi ko na kayo guguluhin pa ulit ni Yves at papalayain na kita." Mas lalo naman siyang lumapit kay Zelle at hinawakan ang isang kamay nito.

"Talaga?" Nakangiting tanong naman ni Zelle.

"Oo. Kaibigan ko kayo ni Yves kaya masaya na rin ako para sa inyong dalawa." Sabi naman ni Mike at niyakap siya.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon