Chapter 1

14.1K 273 15
                                    

Chapter 1: The CEO

GRAY is livid. Tinapon nya ang mga papeles sa ibabaw ng mesa dahilan upang magkalat ang mga ito sa sahig.

Someone stole a billion from his company and he'll surely break that motherf*cker from ruining his mood. Malaman laman lang nya na isa sa mga directors ang nagbalak na hamunin sya, hindi sya mag-aatubiling gilitan ito ng mga leeg.

"GORTUANGCO!!!" kinuyom nya ang mga kamao para pakalmahin ang sarili.

Pumasok ang sekretarya nya sa loob, nakikita nya ang panginginig nito sa takot, hindi rin nito matingnan ang boss. And he doesn't f*cking care.

"Set me a meeting with the directors next week, dahil aalamin ko pa kung sinong hinayupak ang naghahamon sakin, once na malaman ko na isa sa kanila ang traydor sa kompanya, luluhod sila sa paanan ko at sila mismo ang magmamakaawang patayin ko" nakakatakot ang timbre ng boses ni Gray, dahilan upang  mas lalong manginig sa takot ang sekretarya

"S-sige po sir"

Nang umalis ang sekretarya sa opisina saka tumunog ang cellphone nya.

His sister Kythlen is calling.

"Kuya, about what you ask from me the other night"

Pinakalma nya muna ang boses saka sinagot ang kapatid.

"What about it?"

"I already found you a wife!. Congrats big brother, so kailan mo sya gustong makita?" masaya nitong ibinalita sa kanya but he can't make himself celebrate for that.

Hindi nya gusto ng asawa. Ayaw niya ng commitment. He's forced to find a wife.  Ginagawan na rin sya ng mga directors ng kwento na lumalabas sya kasama ng mga lalaki. Noon nakaya nyang magbingi-bingihan sa lahat ng mga akusasyon ng lahat sa kanya but they become too desperate to drag him down, kinekwestyun ng mga ito ang kredibilidad nya bilang CEO ng L&H Corporation.

Wala namang koneksyon ang kasarian sa pamamahala nya sa kompanya pero naghahanap talaga ang mga ito ng masasabing masama sa kanya.

Those greedy motherf*ckers..

"I'll meet her tomorrow evening in an exclusive restaurant, I'll hang up now, marami pa akong ginagawa" walang emosyong wika nya sa kapatid

"Sure. Don't worry big brother magugustuhan mo ang nahanap kong mapapangasawa mo" tumatawa pa ito habang nagsasalita

"Just don't forget our deal kythlen, sa oras na may pinagsasabihan ka ng sikretong ito, wala ka nang mapapala kahit isa mula sakin"

"I know kuya" siya na ang nagbaba ng tawag.

IT'S already lunch time pero nagtatrabaho pa rin sya sa opisina.

He needs to know who stole his money. Maliban doon, tinutulak talaga sya ng mga kaaway nya para mapugto ang pasensya nya. An article was released early in the morning tungkol sa pagbibigay nya umano ng mamahaling kotse at bahay sa isang binatilyo na karelasyon umano nya.

He was set up. And f*cking worst that guy confessed that he and him had this secret f*cking affair.

Bumobobo na ba ang mga tao ngayon na kahit ang isang walang kakwenta kwentang balita ay pinaniniwalaan na nila.

Nanggigigil syang tumawa. Now the topic about him is trending. And those directors pointed their filthy hands on him, sya daw ang nagnakaw ng bilyones mula sa sariling kompanya para sa kalandian nya.

Sumasakit ang ulo nya sa sunod-sunod na problema.

"S-sir"

Napaangat sya ng tingin sa sekretaryang nakadungaw sa pinto ng opisina.

THE CEO'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon