Chapter 24

9.1K 203 6
                                    

Chapter 24: Outburst

"SAAN ka galing?" nangatog ang tuhod niya sa mapanganib na timbre ng boses ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.

She can't tell him na kasama niya si Sev tiyak niyang pag-iinitan nanaman nito ang kaibigan. He may think that Sev will ruin their act dahil lumalapit siya sa kaibigan. She know. May parte rin sa kaniya na bumubulong na baka nagseselos ito dahil gusto na siya ni Gray pero inalis niya ang mga iniisip.

Like before she put her mask on and start to act.

"Pumunta ako sa bahay ng kaklase ko, may urgent kasing dapat gawin some school project" hindi pumipiyok na paliwanang niya, saka ngumiti sa asawa.

"Bakit hindi ka nagpaalam?" walang pinagbago sa timbre ng boses nito, mas lalo pang dumilim ang anyo ni Gray.

"Like I said it was urgent"

"Really wife? You are really a beautiful and alluring actress, kahit nagsisinungaling ka na parang nagsasabi ka pa rin ng totoo" kinabahan siya sa sinabi nito but she knew better he's putting her into a trap.

"I'm telling the truth Gray, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"

"I trust you but you failed me again Thasha, paulit-ulit mo nalang akong sinasaktan, paulit-ulit mo nalang akong niloloko" his voice sounds as if he's in total pain. His actions says he likes her, but he's not telling her anything at ayaw niyang umasa sa walang kasiguraduhan kahit asang asa nanaman na din siya.

"What made you think I was just fooling you Gray?" may pang-uuyam na tumawa ito at tinungga nanaman ito ng alak.

"I was there Thasha, I followed you, I saw how you embrace him, why? Aren't you still over him? Mahal mo pa rin ba siya, then why accept the job of being my wife?" nanigas siya sa narinig.

"You were there?" iyon lang ang nakaya niyang iusal sa lahat ng narinig niya mula kay Gray.

"Yes my dear wife, nandoon ako, and damn it hurts. Sana sinabi mo nalang na ayaw mo na sa sitwasyon natin, na gusto mo na siyang balikan, even though it would kill me letting you go, I'll try to close my eyes and will force myself to let you go even though I don't want to. I know kahit gaano pa kita kahigpit na hawakan, kakalas at kakalas ka pa rin. Just don't make me hope that you'll love me too Thasha cause it's killing me thinking that at the end you'll never ever be mine" tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

Did she heard it right, mahal siya nito?

Pero hindi malinaw ang pagkakasabi nito.

"I wasn't cheating Gray!"

"How am I supposed to believe that, I asked you Thasha kung saan ka galing, you lied, ang sabi mo nasa bahay ka ng kaklase mo, you can't be honest don't you? Bakit hindi mo maamin-amin na kasama mo ang ex mo?"

"Because I know magagalit ka na naman! Pag-iinitan mo nanaman si Sev! We did not do anything wrong Gray! I was just comforting a friend!" hindi na niya mapigilang pagtaasan ng boses ang lalaki, nawawalan na rin siya ng pasensya at kontrol sa kaniyang emosyon.

"Stop lying Thasha! Damn! Kailan ka pa ba aamin huh?!" tumataas na rin ang boses nito, may luhang pumatak mula sa mga mata nito. "Stop please, I beg you, just for this time please don't let me hope, stop hurting me cause it's killing me, the pain is killing me"

Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita, he look so wasted. Nag-uunahan na rin ang mga luha niya sa pagtulo.

"What is wrong Gray? Bakit ba ginagawa mong big deal ang pagpunta ko kay Sev?!"

Padaskol siyang umakyat sa silid nito upang kunin ang unan at kumot niya. Hindi sila nagkakaintindihan, mas mainam nang iwasan niya ang asawa at baka mas lalong lumala ang alitan nila ng asawa.

Sumunod naman sa kaniya si Gray.

"Where are going?" may pangamba sa boses nito.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako aalis sa bahay nato, I won't ruin your image Gray, hindi lalabas sa tabloid na ang isang Gray Gabriel Russel ay nilayasan ng asawa, babalik lang ako sa dati kong kwarto, doon ako matutulog hangga't hindi la lumalamig ang mga ulo natin"

Hinigit siya nito at napadaing siya ng isinandal siya ng lalaki bigla sa pader. Sinubukan niyang kalasin ang pagkakahawak ni Gray sa kaniya nginit mas humihigpit lamang iyon so hinayaan na lamang niya ito.

He cornered her on the wall, naaamoy niya ang alak na ininom nito sa hininga ni Gray.

"You asked me wife, kung bakit ginagawa kong big deal ang pagpunta mo sa kaniya, damn, I was jealous, asawa kita, It hurt me seeing you with another man because I fvcking love you. I'm inlove with you. Ano bang gagawin ko para mahalin mo rin ako. Para maging totoo ka sakin. Anong gagawin ko para makalimutan mo na siya at sakin ka naman tumingin, just tell me I'll willingly do it even when it takes whatever from me just to make you mine"

"Mag-uusap tayo kapag malamig na ang ulo nating dalawa, for now let's think first" hindi niya magawang maging masaya sa nalaman mula dito, na mahal rin siya ng asawa, na may katugon rin pala ang nararamdaman niya para rito, but she won't confess to console with him, saka na siya aamin kapag maayos na ang lahat, kapag maayos na silang dalawa dahil tiyak niyang hindi siya maniniwalaan nito, afterall he can't trust her anymore at alam niyang kasalanan niya kaya naging ganoon ang lahat.

Unti-unting umalis ang mga bisig nito sa magkabilang gilid niya kaya nakawala siya sa pagkakakulong sa mga bisig ng lalaki.

"This is all unfair wife, hinding hindi ko kayang mawala ka, kaya kong lunukin ang pride ko para hindi ka lang mawala sa'kin, kahit ayaw kong umalis ka pero kung iyon ang gusto mo hindi kita sasakalin. Ayokong masakal ka sakin kaya hindi kita hinihigpitan masyado, you can go just please come back for me again"

"Hindi naman kita iiwan Gray, magpapalamig lang tayo ng ulo at kapag maayos na pangako babalik at babalik ako sa tabi mo. I won't run away from you"

"Bakit ba napakahirap ng paniwalaan ang mga sinasabi mo Thasha? As much as I wanted to trust you, pero natatakot akong baka parte nanaman iyan ng mga pag-arte mo. Wife, I hope you'll stop acting around me, I'm begging you"

Hindi na siya sumagot sa asawa, kapag sumagot pa siya, tiyak hinding hindi matatapos ang usapan.

Lumabas siya sa silid ni Gray at sa kabilang kwarto natulog. Nang mahiga sa kama, doon lang siya humikbi at inilabas ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa.

Ang bigat ng kaniyang dinadamdam. She's hurting watching him hurting because of her. Mahal niya si Gray. Mahal na mahal.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now