Chapter 32

9.6K 184 3
                                    

Chapter 32: Revelation

"PASASALAMAT ko iyan sa pagtulong mo sakin Syl" inabot ni Thasha ang pera sa kaibigang si Sylcia. Nakuha niya ang pangalawang linggong sahod niya sa pinagtatrabahuan.

Iba ang paraan ng pagpapasahod ng may-ari ng tindahan na pinagtatrabahuan niya, sa bawat katapusan ng linggo ay ibinibigay na nito ang sahod niya na tatlong daan.

May anim na daan na siyang naiipon sa pinagsamang sahod niya sa dalawang linggong pagkayod at ibinigay niya sa kaibigan ang dalawang daan, alam niyang maliit na halaga lang iyon ngunit hindi niya maatim na hindi makapagbigay nang kahit kaunti sa tumulong na kaibigan

Ibinalik naman nito ang pera muli sa kaniya "Thasha, hindi ako nanghihingi ng kabayaran sayo sa pagtulong mo sakin"

"Tanggapin mo nalang Syl at nang makauwi na tayo" naroon sila ngayon ng kaibigan sa Sitio Tuklao kung saan siya nagtatrabaho, inaya niya ang kaibigan na sumama sa kaniya upang sana ay ayain itong kumain sa labas, pero noong dumating naman ito, todo tanggi naman ang kaibigan.

"Thasha, ipunin mo nalang iyan sa panganganak mo" mabilis ang naging pangyayari noong biglang may humablot sa dala niyang pouch.

Hindi kaagad sila nakahuma ng kaibigan sa nangyayari, wala namang gaanong nakakapansin sa nangyari dahil abala rin ang mga tao sa paligid sa kani-kanilang ginagawa at sadyang napakabilis talagang kumilos ng magnanakaw na naka-bonnet.

"Hoy magnanakaw! Ibalik mo yan!" pagsisigaw ni Sylcia na nakakuha ng atensyon mula sa ibang tao sa paligid, akmang hahabulin sana ng kaibigan ang magnanakaw ng pigilan niya ito, natatanaw pa naman nila ang magnanakaw ngunit malayo na ito nula sa kinatatayuan nila kaya imposibleng mahabol pa nila ito

"Hayaan mo nalang Syl"

Ang susunod na nangyari ang nagpagulantang sa kanila at maging ng mga taong nasa paligid, isang cargo truck na mabilis ang takbo ang paparating malapit sa magnanakaw na mukhang hindi ata napansin ang papalapit sa kaniya na sasakyan dahil abala pa rin itong tumatakbo.

Namutla siya sa nakitang nangyari, sumalpok ang katawan ng magnanakaw sa cargo truck at halos masuka siya ng makitang tumilapon ang katawan nito at humiwalay ang ulo nito sa katawan nito, tumalimansik ang dugo nito at halos magka-lasog-lasog ang ibang parte ng katawan nito.

Naririnig niya ang mga tilian ng mga taong nakakakita sa pangyayari. That was the most traumatic event in her entire life. Nakaramdam siya ng takot at siya ay nahilo, nandidilim ang paningin niya at bago siya nawalan ng malay, narinig niya ang pagsigaw ng kaibigan niya sa kaniyang pangalan.

HALOS manginig ang tuhod ni Gray na binabaybay ang hallway ng hospital sa Tuklao kung saan sinasabing naroroon ang bangkay ng kaniyang asawa.

Kasunod niya si Detective Helmes Huston, ang hinire niyang imbestigador sa paghahanap ng asawa.

He approach the front desk ng ospital at tinanong ang kinaroroonan ng asawa.

He is still hoping to see his wife breathing and alive kahit sa kabila ng sinabing impormasyon ni Helmes.

"Thasha Kale Corpuz po ba ang hanap niyo sir? Nasa morgue na po ang bangkay niya, kaninang umaga po dinala iyon dito sa hospital, marami pong fracture sa buong katawan nito at halos hindi na po makilala ang mukha ng babae" halos hindi siya makahinga sa mga naririnig, napakuyom ang kamao niya sa poot na nararamdaman.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now