Chapter 6

11.6K 258 12
                                    

Chapter 6: Her ex

NABABAGOT na si Thasha sa loob ng opisina ni Gray.

Nayayabangan talaga siya sa lalaki, that moment na sinabi nito na madali lang para rito na makuha ang mga napagtagumpayan halos gusto niyang sumimangot at magpatangay sa kahanginan nito. Buti nalang alam niya kung paano itago ang hindi niya pagkagusto sa kayabangan ng lalaki.

May mga oras namang maayos ang binata sa kaniya, he's sometimes sweet kaso kapag sila lang dalawa o kaya sinusumpong ito para talagang walang emosyon kung makipag-usap ito sa kanya. Ewan niya lang kung siya lang ba o arogante talaga ang lalaki kung makipag-usap.

Hindi naman siya nagrereklamo, trabaho niyang intindihin ang ugali ni Mr. Russel. Hindi naman mahirap pakisamahan kung iisipin ang lalaki atsaka easy money na rin itong ginagawa niya. Kaninang umaga ibinigay ni Mr. Russel ang tseke sa kaniya na naglalaman ng isang milyon. Mamayang hapon ay kukunin niya ang pera sa bangko.

May pambayad na siya sa tuition niya para sa huling taon sa kolehiyo may maipadala pa siya sa tatay niya para maoperahan ang nanay niya sa puso.

Nang maalala na kailangan pala niyang tawagan ang ama para ipaalam na papadalhan niya ang mga ito ng pera mamaya. Tinawagan niya ng ama.

"Kale?" nang marinig ang boses ng ama agad siyang nakaramdam ng pangungulila dito. Halos tatlong taon na rin noong huli nilang pagkikita dahil lumuwas siyang muli ng maynila para mag-aral ng kolehiyo.

"Tatay, may maipapadala na po akong pera sa inyo. Mamaya po ihuhulog ko ang pera. Ipa-opera niyo na po si nanay, kung kukulangin ang pera sabihin niyo po sakin at hahanapan natin ng paraan"

Napasinghap ito sa kabilang linya "Anak, paano ka nakalikom ng pera? Huwag mong sabihing nagtatrabaho ka diyan habang nag-aaral. Anak naman huwag mong pahirapan at pagurin ang sarili mo, naghahanap naman ako ng paraan dito para maipa-opera ang nanay mo" bakas ang paghihirap sa boses nito. Nahabag siya sa ama na nagtaguyod at nag-aruga sa kaniya na para bang tunay siyang anak ng mga ito.

"Tatay hindi ko po pinahihirapan ang sarili ko dito. Malapit na rin naman po akong makatapos atsaka ang perang ipapadala ko sa inyo ay hiram ko po sa isang kaibigan dito sa maynila. Huwag po kayong mag-alala at kapag nakahanap po ako ng trabaho may maipapambayad naman po ako sa kaniya" pagsisinungaling niya sa ama

"Kay buti naman ng kaibigan mong iyan pero Kale huli na itong ginawa mo para tulungan kami ng nanay mo. Hindi ka namin kinupkop para idamay sa paghihirap namin anak" naluha siya sa sinabi nito.

"Tatay naman pamilya po tayo ang problema niyo ni nanay ay problema ko na rin atsaka ang rami niyo na pong nagawa para sakin, kahit naghihirap na tayo pinapaaral niyo pa rin ako, pinapakain at pinalaki ng mabuti, ngayong malaki na ako oras naman pong ako naman ang bumawi sa inyo ni nanay"

"Hindi mo naman kailangang suklian ang ginawa naming pagpapalaki sa iyo. Masaya kami ng nanay mo na dumating ka sa buhay namin at masaya na kami kapag nakikita naming maayos ka" she's so lucky for having a parents like them.

"Salamat po tatay, pero ipapadala ko pa rin po 'tong pera sa inyo mamaya. Huwag po kayong magpapagod diyan at kailangan magpahinga po kayo ng maayos. Sige tatay ibababa ko na po itong tawag at may gagawin pa po ako" saad niya ng mamataan ang ex bofriend na sekretarya ni Mr. Russel na pumasok na may dalang mga papeles at inilapag ang mga ito sa mesa ng boss nito.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now