Chapter 18

10.3K 202 6
                                    

Chapter 18: Shop

PAGKATAPOS ng klase kaagad na lumabas si Thasha sa Unibersidad upang abangan ang pagdating ni Gray para sunduin siya pero nabigla siya ng nandoon na ang asawa sa labas ng Unibersidad at mukhang matagal na iyon doon na naghihintay.

Nakapamulsa ito sa bulsa ng slacks nito habang nakahilig sa  kotse  nitong Bugatti's La Voiture Noire na kulay itim.

Ang mga estudyanteng kababaehan ay napapatigil sa paglalakad upang tingnan ang asawa, may iba namang nanatili doon upang mas masilayan pa ng matagal si Gray. Agaw pansin ang porma nito ngayon.

Hapit na hapit sa katawan nito ang  asul na suot nitong shirt dagdagan pa ng maayos nitong buhok, naka-shades pa ito. Para itong nagmomodelo ng  kotse nito. Ulalam. Nahawa tuloy siya sa kabadingan ni Sev kakausap niya sa kaibigan.

Nakakapanibagong sobrang aga nitong sunduin siya, kadalasan kasi maghihintay pa siya sa labas ng unibersidad ng ilang minuto bago ito makarating.

Lumapit siya kay Gray at nabigla siya ng bigla siya nitong halikan sa labi.

Rinig niyang nagsinghapan ang mga estudyanteng malapit sa kanila, may impit namang napatili. May nakita pa siyang napairap. Iba't ibang reaksyon pero iyong reaksyon niya ang pinakamalala, ang lakas ng tibok ng puso niya, parang may mga dagang nagkarerahan sa loob ng ribcage niya at nang-iinit ang mukha niya sa hiya. Napaka-PDA nila. Shete

"Kanina mo pa ako hinihintay?" pilit niyang pinapaseryoso ang boses niya sa kabila ng nararamdamang kilig.

"Almost one hour I guess" halos isang oras na ito doon pero kung makangiti ito wagas.

"Ang aga mo ata?"

"We'll shop today"

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Why would they go shopping?

"Bakit? Marami pa namang stock ng pagkain sa bahay"

He chuckled "We'll shop for your parents, wife"

Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito.

"What?"

"I heard from Kythlen na wala daw kayong klase next week, so tomorrow we'll travel to your parent's place. I know you already missed them so I took a leave para samahan kang bisitahin ang mga magulang mo for a week" nagalak siya sa sinabi nito kaya hindi niya napigilang mapayakap dito sa saya at agad naman siyang bumitaw ng mapagtantong marami nga palang nakamasid sa kanila.

"Bakit ang bilis mo namang bumitaw sa yakap wife, I want more of your hugs" napasinghap siya ng hinila siya ng asawa palapit dito at mahigpit siyang niyakap. Itinago niya ang mukha sa bandang kili kili nito sa sobrang kahihiyan na nadarama.

"Gray bitaw na, this is public display of affection"

Bumitaw naman ito sa pagkakayakap.

"How the hell they care, yayakapin ko ang asawa ko kahit kailan at saan ko gusto!" halos gusto niyang lamunin na siya ng lupa sa hiya, medyo may kalakasan ang pagkakasabi nito sa mga iyon sapat na upang marinig ng mga tao sa paligid nila.

Hinila na lamang niya si Gray at itinulak papasok sa kotse nito para makaalis na sila doon.

When he maneuvered the car hindi pa rin mawala-wala ang pang-iinit ng kaniyang mukha.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now