Chapter 10

11.5K 234 6
                                    

Chapter 10: Culprit

KAHIT kulang sa tulog, nagawa pa rin ni Gray na magising ng maaga kinabukasan.

Nang magising sabay silang nag-almusal ng asawa. Sabay rin silang umalis ng bahay at inihatid niya ito sa Unibersidad.

Nang makapasok na ang asawa saka siya umalis patungo sa trabaho. The employees greet him as he enters the building ngunit hindi niya tinugunan ang mga bati ng mga ito.

Nang marating ang opisina, sinalubong siya ng nakakainis na mukha ng sekretarya. After knowing that Gortuangco is his wife's ex boyfriend sa tingin niya mabibwiset na siya dito. His face pissed him off.

Kahit gusto niya itong tanggalin sa trabaho hindi niya magawa, he can't fire him for a reason na naiinis siya sa pagmumukha nito at dahil ex ito ng asawa. He's being irrational if he'll do that. Wala siyang problema sa kung paano magtrabaho ang sekretarya, at higit sa lahat magaling at maaasahan ito sa trabaho. He's an efficient secretary, so it will be questionable if he'll fire him for no valid reason.

"Good morning, Sir" bati nito sa kaniya, hindi niya ito tinapunan ng tingin at nilagpasan lamang ito.

Tutok siya sa trabaho sa loob ng opisina, inihabilin rin niya sa sekretarya na hindi siya dapat abalahin sa trabaho, tinapos niya kaagad ang mga kakailanganing tapusin dahil may kailangan pa siyang gawin. He'll go investigate the traitor inside his company who stole a billion from him.

"Gortuangco, aalis ako ng maaga ngayon, update me kung may bago akong appointments from the investors and clients" tumango naman ang sekretarya sa hinabilin niya "The meeting with the directors I ask you to set, nagawa mo na?" he asked

"Yes sir, it will be tomorrow afternoon" sagot nito.

Pagkatapos niyang marinig ang sagot nito umalis na siya ng gusali and went to the police station.

He will visit a friend para humingi ng tulong dito.

Narating niya ang police station at dire-diretsung pumasok.

"Good afternoon Sir, ano po ang sadya natin?" a bald policeman asked na nasa front desk ng estasyon.

"Nandito ba si SPO3 Thomas Szyvenzict Scott?" he asked the policeman

Thomas family is a family friend. He is also his childhood friend, sabay silang lumaki at naghiwalay lang noong kailangan niyang lumuwas ng ibang bansa upang mag-aral ng kolehiyo.

"Bakit niyo po hinahanap si SPO3 Scott? Ano po ang kailangan niyo sa kanya?" nagsimula na siyang mainis sa kalbong pulis

"Can you just call my friend at sabihin mong nandito si Gray, he know me!" inis na utos niya sa kausap

"Pasensya na po Sir, teka lang po at pupuntahan ko sa loob" umalis ang kalbong pulis at pumasok sa isang silid na sa tingin niya ay opisina ng kaibigan.

"Sir pumasok nalang daw po kayo" sabi nito ng makabalik mula sa silid na iyon. Hindi na siya nag-abalang magpasalamat sa pulis, pumasok na kaagad siya sa opisina ng kaibigan.

"Yow Gray napadalaw ka?" bungad ng kaibigan sa kaniya.

"I came here to ask for your help" diretsung ani niya sa kaibigan. May pagkagulat siyang nababanaag sa mukha nito.

"Whoa, ang isang Gray Gabriel Russel ay humihingi sa akin ngayon ng tulong, damn man, this a miracle!" eksaheradong sambit nito.

"I'm serious Thom" seryosong ani niya sa kausap.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now