Chapter 27

9.6K 185 10
                                    

Chapter 27: Symptoms

IT'S been a week since she graduated. Masaya naman siya sa piling ni Gray pero may nagbago.

"Wife, I'll be home late again, mauna ka nang matulog mamaya ah" simula nong graduation niya isang linggo na ring nauubusan ng oras si Gray para sa kaniya. Inuumaga na ito kung umuwi at parang pagod ito palagi. He's still sweet to her but she can sense something is wrong.

"Bakit? Isang linggo ka nang abala, may problema ba sa kompanya?"

Patuloy ito sa pagkain at hindi man lang nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Yeah, may konting problema lang sa kompanya wife, but it will be done soon" he's lying, tinawagan niya si Sev kahapon at wala naman daw problema sa kompanya, at napapansin rin nito na maaga ngang umaalis sa kompanya si Gray at laging nagmamadali. Kung maaga naman pala itong umaalis sa trabaho, bakit inuumaga itong umuwi sa kaniya? Ayaw man niyang paghinalaan ang asawa pero hindi niya mapigilan ang sariling magduda.

"May maitutulong ba ako sa'yo? Kahit kaunti" she offered, sinusubukan niyang hulihin ang asawa.

"Huwag ka nang mag-abala pa, I can handle this, just rest in here and enjoy, kung gusto mong lumabas you can use my credit card wife and go to the mall, shop all you want"

Gusto man niyang maghanap ng trabaho ngunit hindi naman siya pinapayagan ng asawa. Ayaw raw nitong magpapagod siya. Kaya naman daw siya nitong buhayin. And he also told her that maybe she can work at his company kung gusto talaga niyang magtrabaho but not now dahil may inaayos pa raw itong importante at gusto nitong personal na asikasuhin ang kakailanganin niya upang makapasok sa kompanya.

"Hindi ako mahilig sa shopping, what if sumama nalang kaya ako sayo sa trabaho?" nag-angat naman ng tingin sa kaniya ang asawa at nababanaag niya ang pagkabahala sa mukha nito.

"You can't go with me wife, mababagot ka lang sa opisina, marami akong meetings with the clients and investors hindi kita mapagtutuunan ng pansin" sasagot pa sana siya ng maramdaman muli ang pagduduwal kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumunta ng banyo, dumuwal siya ng dumuwal, para siyang nanghihina sa nararamdaman.

Napansin niyang sinundan siya ng asawa "Are you okay wife?"

Tumayo siya at pinunasan ang bibig "I'm okay, hindi ko lang siguro nagustuhan ang ulam" tumango sa kaniya si Gray at bumalik muli sa kusina.

Isang linggo na niyang nararamdaman na lagi siyang naduduwal at lagi rin siyang inaantok. Sa buong araw na siya lang ang natitira sa malaking bahay nila ng asawa, kain at tulog lang ang ginagawa niya, noong una akala niya nababagot lang siya sa bahay pero sa tingin niya ngayon, hindi iyon ang rason. She needs to know what's wrong with her body.

Bumalik siya sa kusina at uminom ng tubig.

Tapos na ring kumain ang asawa at inililigpit na ang kinainan.

"Wife aalis na ako, don't forget to lock the door" pinatakan siya nito ng isang mabilisang halik sa labi at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Sinundan niya ng tingin ang asawa at napabuntong-hininga. Hindi naman siguro nagloloko si Gray. He's the most innocent man she ever knew.

But he did change, noon hindi nito kayang umalis at iwan siya sa bahay ng mag-isa kapag mayroon siyang dinaramdam.

She discarded the thought at pinilit ang sariling mag-isip ng positibo. Mahal siya ni Gray at dapat niyang pagkatiwalaan ang asawa.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now