Chapter 23

9.7K 206 7
                                    

Chapter 23: The devil in him

MABILIS ang paglipas ng isang linggo. Sa loob ng isang linggong pananatili nila sa Perao, kapag bumibisita si Sibal sa kaniya, masama pa rin ang tinginan ng dalawa.

Ngayon nag-iimpake na sila upang bumalik na sa maynila.

"Ma-mi-miss ka na naman namin anak" maluha-luhang saad ng kaniyang ina sa kaniya

Nilapitan niya ito at niyakap "Nay, huwag na po kayong umiyak, saka susunod naman po kayo sakin nina tatay papuntang maynila sa graduation ko" hinaplos niya ang likod ng ina "Ingatan niyo po ang kalusugan niyo rito ah, dapat hindi niyo malimutan ang weekly check-up niyo sa doctor at huwag na huwag kayong magpapagod, kayo ni tatay"

"Ingatan mo rin ang sarili mo sa maynila anak, huh"

"Oo naman po, kaya huwag na kayong umiyak" tinuyo niya ang luha na tumulo mula sa mga mata ng ina.

Nasa labas ngayon si Gray, kinakausap ng kaniyang ama.

Natapos naman niya ang paghahanda sa mga gamit na dadalhin niya pabalik sa maynila.

Nang makalabas sila ng ina sa labas ng kubo nag-uusap pa rin ang ama at si Gray ng masinsinan.

Hinintay na lamang niya na matapos ang dalawang mag-usap. Nakapag-paalam na siya kay Sibal kahapon, ang sabi nito pinapalaya na raw siya nito, natawa pa siya sa pagiging madrama ng lalaki.

"Tapos na kayo mag-usap ni tatay?" tanong niya sa asawa ng makalapit ito sa kaniya.

"Oo"

"Anong pinag-usapan niyo? Ang tagal niyo ata"

"Ibinilin niyang huwag na huwag daw kitang sasaktan at baka maputulan niya daw ako ng kaibigan, aalagaan daw dapat kita and the likes, wife" nakangiting sagot nito.

Pagkatapos nila sa lahat, nagpaalam na sila sa mga magulang.

The whole ride is exhausting, madilim na ang kalangitan ng makarating sila sa maynila.

Inaantok na siya.

Nang pumasok sila sa bahay, kaagad siyang umakyat sa kanilang kwarto at humilata sa malambot na kama.

Nasa baba pa rin si Gray, inilalabas siguro sa sasakyan ang kanilang mga bagahe.

Nang ipipikit na sana niya ang mga mata, sunod sunod na tumunog bigla ang kaniyang cellphone na nasa gilid ng kama.

Idinilat niya ang kaliwang mata at sinilip kung sino ang nag-text sa kaniya.

Sev: Thasha

Sev: He's back

Sev: I don't know what to do

Sev: It fvcking hurts

Napuno ng pag-alala para sa kaibigan ang kaniyang puso. Kaagad nawala ang pagod na naramdaman niya.

Tumayo siya sa kama at lumabas ng kwarto upang tawagan si Sev.

Paglabas naman niya papasok na sana ang asawa sa kwarto.

THE CEO'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon