Chapter 7

11.4K 261 14
                                    

Chapter 7:His Friends

SA kakahintay kay Gray sa opisina nito biglang nakaramdam si Thasha ng tawag ng kalikasan so she asked Sev kung saan ang CR ng building.

Tinungo niya ang CR na nasa ikasiyam na palapag ng gusali. Medyo natagalan pa siya sa loob ng banyo. Nang marinig na may mga kababaehang pumasok saka naman siya natapos.

Inayos niya ang damit na nagusot.

"Gel, alam mo bang kalat na kalat na sa buong building na nandito daw ang asawa ni Sir Russel" rinig niyang sabi ng babaeng nasa labas ng cubicle na kinaroroonan niya.

"It's true, nakita ko nga e. Nakasabay ko sila sa loob ng elevator kaninang umaga" sagot ng kausap nito

Lumabas na siya ng kubeta at naghugas ng kamay. Tuloy pa rin ang pag-uusap ng dalawang babae sa gilid niya. Mga tatlong lababo ang pagitan niya sa mga ito. Hindi pa rin siya napapansin ng dalawang babae.

"Talaga! Sayang naman crush na crush ko pa naman si Sir Russel, akala ko pinakamasakit na yung nalaman kong nababalitang bakla ito mas masakit palang malamang kasal na ito. Pero maaagaw pa naman siguro si Sir mula sa asawa niya" napanting ang tenga niya sa babaeng nagsasalita. Dahil sa narinig nilingon niya ito.

She's petite at makapal ang make up ng mukha akala mo clown ng isang party. Nagawi ang tingin ng kasama nito sa kaniya at halos manlaki ang mga mata nito. Ito siguro ang isa sa mga nakasabay nila sa elevator kanina.

"Ngayong hindi naman talaga bakla si Sir, madali naman sigurong maakit ito. Ano sa tingin mo Gel?" namutla ang mukha ng babaeng nakakakilala sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi ng kasama.

"Oy, tulala ka diyan" sabi ng babaeng aakit daw sa asawa niya. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa kakapalan ng mukha ng babaeng ito. Hindi siya naseselos, naiinis lang talaga siya. Tama hindi siya nagseselos, ayaw niya lang talaga sa mga makakati na mang-aagaw pa.

"Sa tingin ko Frea kailangan mo nang manahimik kung gusto mong hindi matanggal sa trabaho pagkalabas mo dito" kinakabahang ani ng kaibigan ng hitad. Nalito naman ang babaeng hitad sa kasama.

Tinapos na niya ang paghuhugas ng kamay. Pero ang hitad hindi parin tapos sa mga masasama niyang balak sa boss.

"Sa oras ng uwian bukas aabangan ko si Sir sa parking lot, malay mo mapansin niya ako at iwan niya ang asawa niya, mas maganda naman siguro ako sa babaeng yon-" dagdag pa nito.

"Fre! tumahimik ka na andito ang asawa ni Sir Russel!" pasinghal na sita ng babaeng nagngangalang Gel sa kaibigan.

Napatigil naman ang babae, nilingon siya nito. Nakataas ang kaliwang kilay niya habang sinusuklian ang tingin nito. Namutla naman ang mukha ng babae habang nakatingin sa kaniya.

"Sa susunod na magbalak kang akitin ang asawa ko, think twice dahil hinding hindi ka niya papatulan miss. Napakadesperada mo naman. Sa susunod na makita ko iyang pagmumukha mo na umaaligid sa asawa ko I won't think twice na isubo sayo itong takong ko" napayuko naman ang dalawa sa sinabi niya, lumabas siya ng CR at nagtungo pabalik sa opisina ng asawa.

Nang marating ang ika-sampung palapag ng gusali kung saan ang opisina ng asawa nadatnan niya si Sev na natatarantang sinalubong siya.

"Bakit ang tagal mo Thasha, kanina ka pa hinihintay ni Sir sa loob, ako tuloy ang napag-initan ng ulo" she gave an apologizing look to Sev.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now