Chapter 26

9.7K 195 5
                                    

Chapter 26: Graduation

MABILIS na lumipas ang oras. She's so contented with her life. Araw araw may ngiti sa labi niya. Each day Gray would make her feel like his queen.

Wala na ang takot niya na baka matapos ang lahat ng ito dahil sa bawat oras pinaramdam sa kaniya ni Gray na mahal na mahal siya nito.

Hindi na rin ito bugnutin kay Sev.

"Today is your graduation wife, are you ready?" magkatabi sila ngayon sa malaking kama nito. He's hugging her from behind.

Hinarap niya ito, sinapo niya ang napakagwapong mukha ng asawa "I am very ready, ito na ang pinakahinihintay ko, sa wakas magtatapos na rin ako hon"

"I'm proud of you wife"

HE can't help but to smile seeing his wife climb up to the stage and get her diploma. She graduated Cumlaude at siya na siguro ang pinaka-proud na asawa ngayon.

Everyone is here for her. His mom, dad and sister. Lumuwas rin galing Perao ang ama at ina ng asawa.

There's a glint of happiness in her eyes.

Bumaba ang asawa mula sa stage at lumapit sa mga magulang na katabi niya ngayon "Tay, Nay, para po sa inyo to" she handed her medal to her parents na umiiyak sa galak ngayon. His mom also cried from the sight.

After the ceremony they are all gathered in their house for a celebration.

His parents still doesn't know the truth about how they started with his wife.

Lumapit ang mga magulang ng asawa sa kaniya, tulak tulak ni Tatay Servio ang wheelchair ni Nanay Lor.

"Gusto ka raw makausap ng asawa ko iho" namutla siya sa narinig, by this time siguro alam na nito lahat. "Iiwan ko muna kayo rito para makapag-usap kayo ng masinsinan" saka umalis ang ama ng kaniyang asawa.

Naalala pa niya bago sila umalis ng Perao ng asawa, he had a talk with her father.


Lumabas si Gray sa kubo ng mga magulang ni Thasha, nakita niya ang ama ng asawa na inaayos ang lambat nito.

"Oh iho, tapos ka na bang mag-ayos ng mga gamit mo pauwing maynila?" her father asked na tinanguan naman niya.

"Opo tay. May sasabihin po sana ako sa inyo" nilapag ng tay Servio ang lambat sa bangka at tumingin sa kaniya. Napalunok siya ng laway bago nagsimulang magsalita muli.

"Ano ang nais mong sabihin iho?"

"Tungkol po sana sa'amin ni Thasha" tumango ang ama ng asawa sa kaniya na nagpapahiwatig na simulan na niya ang kaniyang dapat sabihin

"Mahal ko po ang anak niyo tay, mahal na mahal ko po, pero nagsimula po kami sa hindi gaanong magandang paraan. I hired her as my pretend wife, sana po mapatawad niyo po ako sa pagsisinungaling po sa inyo ni nanay tungkol sa tunay na relasyon namin ni Thasha" tumingin siya sa ama ng asawa at wala siyang nababanaag na emosyon sa mukha nito, nakikinig lang ito sa mga sinasabi niya "ayaw ko na pong magsinungaling sa inyo, asawa ko na po si Thasha, patawad po na pinakasalan ko ang anak niyo ng wala kayong alam, pero mahal ko po ang anak niyo, huli naman po ang gagawin ko ngayon pero sana po pahintulutan niyo akong pakasalan po si Thasha muli sa simbahan, hinihingi ko po ang kamay ng anak niyo tay"

THE CEO'S HIRED WIFEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu