Chapter 30

9.7K 176 5
                                    

Chapter 30: Running away

HINDI na nag-abalang bumalik si Thasha sa bahay nila ng asawa, tanging ang maliit na halaga ng pera lang ang mayroon siya na sapat lang upang marating ang kinaroroonan ni Sylcia--ang nakababatang kapatid ng kababatang si Sibal.

Wala na siyang ibang naiisip na mapupuntahan sa mga oras na iyon. Ayaw niyang bumalik sa puder ng mga magulang dahil tiyak na masusundan lamang siya ni Gray doon at isa pa ayaw niyang problemahin ng kaniyang mga magulang ang problema niya, ayaw niyang maging pabigat muli sa mga magulang lalo na't may karamdaman  pa naman ang ina niya, baka mapano ang puso nito.

Dumiretso siya sa sakayan, pinagtitinginan pa siya ng mga tao dahil nakapaa lang siya, ngunit wala siyang pakialam, ang nasa isip niya lang ngayon ay ang makalayo sa lugar na iyon, gustong gusto niyang lumayo, hindi niya ata kayang manatili roon.

Nang makasakay na sa isang bus, doon lang naramdaman ni Thasha ang sobrang pagod, bumibigat ang talukap ng mga mata niya at siya ay nakatulog.

"Miss, miss, gising" napamulat siya mula sa pagkakaidlip ng may naramdaman siyang may kumalabit sa kaniya "Tinatanong ng konduktor kung pasaan ka, kanina ka pa namin ginigising, mukhang napakalalim ng tulog mo" wika ng katabi niyang matandang pasahero.

Sa gilid nito ang konduktor na naghihintay sa sagot niya.

"Pasensya na po" hingi niya ng paumanhin sa mga ito"Sa Sitio Augustina po, manong"

"Tatlong daan papunta roon miss" inporma ng konduktor sa kaniya na siyang tinanguan niya.

Binigyan naman siya ng tiket ng konduktor at umalis na sa gilid nila upang daluhan ang kakasakay pa lamang na mga pasahero.

"Ineng bakit parang nakapaa ka lang ata?" pang-uusisa ng matandang katabi.

Matipid niyang nginitian ang matanda "Ah nagmamadali po kasi ako kanina, kaya hindi ko namalayang nakalimutan ko pong magsuot ng tsinelas o sapatos" tiningnan naman siya ng matanda na para bang siya na ang pinaka-weirdong tao na nakasalamuha nito. Mabuti na lamang at hindi na muli ito nagsalita pa.

Muli siyang nakatulog at nang nagising ay nasa Perao na ang sinasakyan niya, limang sitio pa ang dadaanan niya bago marating ang Augustina, limang Sitio lang naman ang pagitan ng Perao at Augustina.

Gusto man niyang bumaba at puntahan ang mga magulang ngunit alam niyang hindi iyon ang tamang gawin.

Tama nang naging pabigat siya sa mga ito noong nag-aaral pa lamang siya, dapat nga sa ngayon ay tumutulong na siya sa mga ito at hindi nagpapabigat pa gaya ng ginagawa niya ngayon.

Muling umandar ang sinasakyan niya at pagkalipas ng dalawang oras narating na rin niya ang Sitio Agustina.

Sinalubong siya ng kaibigang si Sylcia sa hintayan at dinamba siya ng mahigpit na yakap "Oh my Thasha, mas lalo ka atang gumaganda ah, ilang taon na rin noong huli kitang nakita" ngumiti siya sa kaibigan, tiningnan nito ang kabuuan niya at napamaang ito nang dumako ang mga mata nito sa mga paa niya "Ghad bakit nakapaa ka lang, tingnan mo yung paa mo oh, ang raming galos, anong nangyari sayo?"

"Mahabang kuwento Sylcia"

"Gaano man kahaba ang kuwentong iyan, papakinggan ko, halika at kailangan pa nating sumakay ng tricycle papunta sa inuupahan ko" binilhan siya ng kaibigan saglit ng mumurahing tsinelas sa palengke atsaka sila sumakay sa isang tricycle patungo sa tinitirahan nito.

THE CEO'S HIRED WIFEWhere stories live. Discover now