Chapter 19

10.2K 222 6
                                    

Chapter 19: Her Parents

FIVE in the morning nagising na silang dalawa ni Gray, naghanda sa lahat ng dadalhin.

"Wife, will I look good with this suit?" halos mapamura siya ng sinukat nito ang asul na tuxedo sa harapan niya, what the heck, bakit ito magsusuot ng tuxedo kung babiyahe lang naman sila patungo sa probinsiya ng kaniyang mga magulang.

"Susuotin mo yan?"

"Yes, I need to look formal for your parents"

Napapalatak siya sa sinabi nito.

"Bakit naman kailangan mo pang magsuot ng formal attire kung haharap ka lang naman kina nanay at tatay, ipapaalala ko lang sayo Gray hindi business meeting o job interview ang pupuntahan natin"

"Why? I heard that if a man will be meeting the parents of his wife he should atleast observe
formality" pinakalma niya ang sarili sa kabaliwan nito. She understand him, na wala pa itong karananasan sa relasyon o sa mga babae pero sumasakit ang ulo niya sa mga pinagagawa nito. He looks so innocent about this matter. Naive.

"Hindi nga ganiyan magsuot ang mga namamanhikan Gray, hindi ganiyan ka pormal, you can wear a simple shirt or a polo that is presentable enough, iyon lang dapat"

"Ganoon ba iyon" tila naliwanagan naman ito at pinaglalabas sa suitcase ang mga pormal na kasuotan na inilagay nito doon, pambihira ang rami pa nitong necktie na dala. Ano ba ang pupuntahan nito business trip? Tss.

Natapos na siyang maghanda ng mga damit na dadalhin niya, hindi naman kailangang marami ang dadalhin niya, may mga damit pa naman siya na naiwan sa bahay ng kaniyang mga magulang. Isa pa, isang linggo at dalawang araw lang naman sila sa probinsiya.

Pagkatapos nilang ihanda ang mga dadalhin, ang mga pinagbibili naman ni Gray ang inaalala niya, sobrang dami niyon. Sa pakiwara niya hindi iyon magkakasya sa kotse nito.

"Paano mo yan ikakarga lahat?" tukoy niya sa mga binili nito kahapon.

"Oh that, I already called someone to drop my Mercedes G Wagon here wife, naiwan ko kasi sa mansyon, kasya yan lahat don, you don't have to worry" minsan mapapanganga nalang ako dahil nagagawa nito ng madali ang lahat ng bagay.

They left home at exactly six thirty in the morning, paglabas ng paglabas nga nila sa bahay nandoon na ang malaking kotse nito, inihatid ng isa sa mga drivers ng mga Scott.

Buong biyahe nagku-kuwentuhan lang silang dalawa at kapag naubusan ng mapag-uusapan ay matutulog siya.

Anim na oras ang kailangan nilang i-biyahe upang marating ang Perao kaya hindi niya maiwasang makatulog sa biyahe.

Isang marahang tapik ang naramdaman niya kaya nagising siya sa pagkakahimbing.

"Wife, we're already in Perao" kahit inaantok pa pinilit niya ang mga mata na bumukas. Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan niya. Nasa bukana na nga sila ng Perao. Makikita niya sa labas ng kotse ang nagtataasang puno ng niyog at ang maasul na karagatan.

She suddenly felt nostalgia all of the sudden. How she missed this place.

Itinuro niya sa asawa ang direksyon ng kanilang bahay at nang marating ay bumaba na sila mula sa kotse, inalalayan pa siya nito.

THE CEO'S HIRED WIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora