Panimula

74 16 62
                                    

"I need space. Hindi na ako masaya."

Nabitawan ko ang hawak na kutsara sa sinabi niya. Lumunok ako bago nagsalita.

"What do you mean?" Relax pa ako niyan ha.

"Lucas, pwede ba!" Siya pa ang galit.

"Kaya nga, what's your point?" Kalmado pa rin ako kahit may hint na ako sa nangyayari.

Ngayon naman umiyak na siya.

"Ganyan ka lagi."

"Kaya nga, deretsahin mo?"

"Kulang pa ba yun? O sadyang ayaw mo lang tanggapin?"

"Okay!" Suko ko.

Dapat masaya ang araw na 'to dahil kaarawan ko. Tapos yun ang sorpresa niya hanep tol!

Huminto siya sa pag-iyak. Pinunasan niya ang mukha. At ngayon nakangiti na.

"Ayos na. Goodbye Lucas!"

"Hanggang kailan?"

Nawala ang pagkakangiti niya.

"Akala ko ba naunawaan mo na?"

"Oo nga. You need space? I give it to you. Kaya hanggang kailan?" Pinili kong kumalma pa rin.

"There's no time limit?"

"What do you mean?"

"Ganyan ka naman, Lucas."

"Kaya nga deritsuhin mo!" Hindi ko na napigilan napukpok ko na ang ibabaw ng mesa.

Lumikha yun ng ingay kaya napapatingin na ang iba na nasa restaurant.

"Hindi ako bobo. But i need a complete and straight answer, there's no need to explain that's all. Alam mo yan? Kilala mo ako. 2 years tayo."

"I know. Lucas, let's break up!"

Tumitig ako sa kanyang mga mata. Pero pilit siyang umiiwas.

"That's what you mean? I need space? Deniretso mo na sana para wala na tayo dito. Hindi ko kayo maintindihan."

"Ngayon maliwanag na. I hope there's no hurt feelings?"

No heart feelings? Napaka- insensitive.

"You cannot command what i feel. You broke me. You broke my heart."

Masakit. Minahal ko siya ng totoo.

"And i am sorry for that."

"Sorry? Okay!" Sarkastiko kong sabi.

"Let's not hurt each other. Let's end this, and go with our separate ways. Hanggat hindi pa tayo nagkakasakitan. Tama na yung alam natin ang status ng relasyon." Parang hindi nasaktan ah.

Tumayo siya pagkatapos bitawan ang mga salitang yun. Na para sa kanya wala lang.

"May iba ba?"

Walang ibang rason ang mga babae kapag humingi ng space o nakikipaghiwalay, kung hindi na in love sa iba o nakahanap ng iba.

"I need to find my self?"

As usual, hindi deriktang sagot. As usual, gasgas na reasoning, para may maikatwiran lang. Talamak ang ganyan. Bakit nawawala ba siya? Parang tangang katwiran, pandemic talaga ang linyahang yan nagkalat sa paligid.

Nagsimula na siyang kumilos paalis. Eh sadista ako gusto ko yung sagot na sagot talaga. Yung nakakasakit na sagot, yun naman dapat ang tama. Kung may iba sabihin di yung, ganito ganyan.

"That's your true self, Destiny? You are a liar Destiny."

Hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi ko. At yun tuluyan siyang naglaho sa buhay ko. Lalaki ako. Pero tumulo ang luha ko.

Sayang ang 2 years ng buhay ko. Nauwi sa basura.

Destiny owed me for pulling to a wrong person. Hinila niya ako sa maling tao. Ibinigay niya sa akin ang hindi pala sa akin. For that you destiny is a damn liar.

Destiny is a liar.

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now