Kabanata 2

49 17 18
                                    

Kabanata 2

KAPAG hinayaan mong lamunin ng wasak mong puso ang buo mong katawan. At magpaalipin sa alak. Huwag mo ng ikagulat ang mga depektong lalabas.

Hangover, pare koy.

Sakit sa ulo.

Sakit sa buong katawan.

Masakit na tyan.

Namamalat na lalamunan.

Minsan lagnat.

Sipon.

Ubo.

Na mauwi sa trangkaso.

Nasusuka.

Gutom.

Parang bombang sumabog lahat yun sa sistema ko. Pagkadilat ko ng mga mata ng umagang yun.

Nagsiuwian na ang mga loko-loko kong kaibigan. Ang aga nagsipag-alis, 6:oo pa yata nun. Bumalik ako sa pagtulog. Ngayon, past 9:00 na.

Wala na akong trabaho. Nag- resign na ako sa Burger chain kung saan General Manager ako, galit na galit si Papa.

Walang deriksyon ngayon ang buhay ko.

Nagtalukbong ako ng kumot. Puro alak ang inatupag ko.

Trenta na ako. Pero para paring teenager ma- in love. Kapag tumanda ba kailangan ding tumanda ang puso.

Katawan lang ang tumatanda. Kaya nga, paulit-ulit tayong nasasaktan dahil ayaw magtanda ng puso natin.

Nagkalat ang mga senior citizens na daig pa ang bata ma- in love.

Kadiri man ang pinaggagawa ko ngayon. Hindi nakakalalaki, hindi ako nag-iisa marami tayo, alam ko.

Hindi umiiyak ang mga lalaki..

B*llsh*t!

Hindi nasasaktan ang mga lalaki..

Isang bagsak ng b*llsh*t, parekoy.

Ayos lang lokohin.

Pak na b*llsh*t.

Madaling makalimot.

Nagmamahal agad.

Dalawang b*llsh*t para dyan.

Ang drama ko eh lalaki ako? Hindi pag-iinarte yan.

Ganito pre oh..

Pak!

Reyalidad 'yan.

Muli akong pumikit. Pero hanggang ganun lang, malabo sa akin ang tulog kapag hindi lasing.

Kapag wasak ka. Wasak ang puso mo. Maraming gumugulo sa utak mo.

Anxiety.

Nababahala ka sa isang bagay na tapos na. Kung nagkulang o wala kang nagawa. O wala kang naiambag sa inyong relasyon, kaya humantong sa ganun, sa wala.

Alaala.

Mga alaalang nagpapahirap lalo sa puso mo. Sa iyo mismo, para magpatuloy sa buhay. Hindi ka makaalis-alis, hindi maka-usad dahil sa mga pinagsamahan niyo, yung oras na magkasama kayo.

Iba na ang kasama niya. Nagpapasaya sa kanya, pinasasaya niya.

Hindi ikaw yun. Hindi ako yun. Hindi ka mapakali, may iba na siya hindi na ikaw. Ayaw mong tanggapin, dahil umaasa pa rin ang puso mong nagmamahal sa kanya.

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now