Kabanata 4

41 17 15
                                    

Kabanata 4

ANG lamig ng hangin. Ang lamig ng gabi. Parang puso ng taong nanakit sa iyo - malamig.

Ngayon ko lang nabigyan ng maiging pansin ang ganitong kasimpleng pakiramdam - mapansin ang malamig na hangin.

Baliwala sa akin ang lamig nun. Malamang kasi ang warm ng puso ko. Mainit na niyayakap ng pagmamahal.

Nakatayo kami sa harapan ng gate. Hinatid ako nina Mama. Sina Chairman, kakauwi lang. Maayos na si Mrs. Chairman, nagising na."

"Kamain ka. Lucas, tumigil ka na. Alagaan mo sarili mo. Maging maayos din ang lahat. Anak, naintindihan mo ako?"

"Ma, ayos lang ako. Hayaan niyo na."

"Oo nga naman. Lucas, nag-aalala si Ate sa iyo. Ako lagi ang kinukulit."

"Tito, hindi na kayo nasanay kay Mama."

"Lucas, yung pinag-usapan natin kanina."

"Ano ba yun ate?"

"Wag ka ng makisali."

"Weh! Yun bang hindi ka boto sa anak ni Chairman Chen?"

"Yang bibig mo Lukilou."

"Tama ako. Kilala kita ate eh, may plano ka rin. Hahhahaha!"

"Tumigil ka!"

Hinampas niya sa balikat si Tito.

"Ano bang maganda sa anak ni Chairman Chen? Sige nga Luke, sabihin mo?"

"Maganda naman siya ate. May hawig kay Uee."

"Sinong Uee?"

"Basta si Uee. Korean star yun."

"Hindi ko kilala yun. Puro ka k-drama, yung negosyo bantayan mo."

"Yan ka na naman eh!"

"Tigilan mo nga ako, Lukilou."

"Bahala nga kayo."

"Yung ugali niya, nakita niyo yun? Halatang sinadya niya lahat. Sinadya niyang umastang ganun."

"Malamang ate ayaw din yang makasal kay Lucas."

"Tama. Tama, Luke. Yun din ang obserba ko. Mabuti pumapabor sa atin kahit wala tayong gawin."

"Ayaw mo talaga ate? Sayang isa siyang Chen?"

"Yung anak ng kumare ko. Lopez, yun."

"Abs-cbn? Lopez groups of company?"

"Loko hindi. Kaapilyedo lang."

Tumawa si Tito.

"Tawa ka nang tawa. Tumigil ka nga!"

"Bakit mo pa sinabing Lopez?"

"Kasing yaman din sila ng mga Chen. Mas okay yung anak ni kumare, Luke. Nagtapos din yun sa Harvard."

"Sabi mo eh. Paano si kuya Lucio? Ano yun hahatiin niyo si Lucas?"

"Ayaw din naman ni Lucas ah. Di ba anak?"

"Ma, pinalayas na ako ni Papa. Tinakwil ako. Kinuha lahat."

"Nagawa yun ni kuya Lucip?"

"Oo nga Tito Luke."

Biglang hindi maipinta ang mukha ni Mama.

"Sumusobra na yang Papa mo. Huwag mong pansinin sinabi niya, ako bahala."

"Ate, may kasalanan ka din kay kuya Lucio. Nakalimotan mo na?"

"Ma, huwag ka ng makipagtalo. Kilala niyo si Papa, matigas yun. Kapag gusto ginagawa talaga."

Destiny is a LiarNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ