Kabanata 3

33 16 15
                                    

Kabanata 3

"Ma!" Angal ko.

Ginabi na ako. Dumeritso agad ako sa bahay namin. Tumawag si Mama, magpakita raw ako sa mansyon utos ni Papa.

Ilag ako nang ilag sa mga hampas, suntok at sipa ni Mama. Yun ang salubong niya sa akin.

"Bakit mo iniwan ang anak ni Kumare?"

"Ma, nagpaalam ako. Tito, pigilan mo nha si Mama."

Tumakbo ako sa likuran ni Tito. Tamang-tama kalalabas lang niya galing kwarto.

Pero ang kulit parang bata hinabol pa rin ako. Paikot-ikot kami kay Tito Luke.

"Lucas, anong nagpaalam? Nagpaalam magbanyo, ha Lucas. Tama ba yun?"

"Ma, nagpaalam pa rin."

"Tumigil ka."

"Sadista niyo eh."

"Mabuti ng ganito. Eh sadista ka rin sa sarili mo."

"Ate, hindi na bata ang anak mo."

"Isa ka pa. Wag kang makisali. Bantayan mo yung business."

"Bakit yun lagi bukambibig mo?"

"Kasi yun lang ang kayamanan mo."

"Ang sama mo talaga, ate."

"Sakit ka sa ulo. Tingnan mo nga yang pamangkin mo, natutulad na sa iyo."

"Nahihilo ako. Tumigil nga kayo."

Lumayas si Tito. Kaya mabilis akong tumakbo palayo kay Mama. Yun hinabol pa rin ako.

"Ma, naman eh tumigil ka na nga."

Palinga-linga siya sa paligid. Naghahanap pala ng maibabato sa akin. Ang malas yung malaking vase pa ang malapit sa kanya.

Vase yun ni Papa. Bago yun galing France at paborito niya.

Napanganga ako. Nagsusumigaw ang utak ko.

Hindi sana..

Hindi sana yun..

Wag yun..

Ang kunin niya pero wala eh. Nasa kamay na niya.

Pati si Tito Luke lumuwa ang mga mata. Damay kaming lahat kapag nabasag yun.

"Ate, ibaba mo yan. Wag yan tong phone ko nalang luma naman to, old model."

"Ma, tumigil ka na nga!"

"Lumapit ka dito."

Ayaw ko. Bugbugin niya ako eh.

"Lucas, lumapit ka na."

"Tito Luke, naman eh. Magkakampi tayo."

"Babasagin niya. Madadamay ako. Bahala nga kayo."

"Lumapit kayong dalawa."

"Eh bakit kasali na ako, ate?"

"Magkakampi kayo."

"Si Lucas lang ang may sabi. Sa iyo ako kampi."

"Tito, traydor ka."

"Sorry pamangkin ko, mahal ko si ate."

"Sinungaling."

"I am not a liar, ate. Totoo yun."

"Oh! Lucas, mahal daw ako ng Tito mo. Ikaw pa nasabi mo yun?"

"Ma, mahal kita. Alam mo yan?"

"Lumapit ka dito."

"Ma, naman."

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now