Kabanata 5

31 17 14
                                    

Kabanata 5

HALOS isang buwan ang lumipas mula nung malasing ako at makatulog sa daan. Umusad ang araw na walang nagbago. Ganun pa din ako.

Tuluyan akong pinalayas at itinakwil ni Papa. Kahit si Mama walang nagawa.

Parang pulubing nakaupo ako malapit sa entrance ng building. Sa mga kaibigan ko, si Jade na lang ngayon ang single.

Kaya sa condo niya ako pansamantalang nakatira. Wala pa siya. Hinihintay ko isa lang yung susi.

Sadya kong sa labas maghintay. Magulo sa lobby. Gabi na rin naman kaya okay lang.

Nakatalungko akong nakaupo. Nagpang- abot ang mga tuhhod at baba ko.

"Mama, oh a beggar."

Isang batang paslit kasam ang Mama niya ang dumaan sa tabi ko. Tinuro pa ako. Beggar daw?

F*cking b*ullshit that word!

Pero paslit eh, sa mata niya beggar ako. Hahahahha!

Lucas Lim.

Graduated from Harvard University. Master of business ad. High School Valedictorian.

Iginuhit ko sa lupa gamit ang bato. Wala eh, parang bangag na walang magawa.

Pero hindi lang ako ang gumagawa ng ganito. Marami tayo oy parekoy.

Pak! Oh! Solid!

Reyalidad yan.

Yung iba nga ganito..

F*ck you!

B*llsh*t!

Mahal ko pa.

Mahal niya ako o hindi?

Bumalik ka, hindi na ako galit.

Anakan mo lang ako, masaya na.

Gwapo ka lang pero hindi ka masarap.

Liar!

Tama. Liar. Destiny is a liar!

Akin yung huli.

Hindi na masama ang ganito. Nakakatulong raw din ito kumbaga isa rin sa rekado o fuel na sisipa sa iyo patungo sa paghilom ng sugat mo. Hindi ko sinabing maganda ang magmura.

Kung nakakagaan sa loob mo. Ayos lang paminsan-minsan hindi yan maiiwasan. Wag na tayong magpaka- Santo.

Isa uli pak!

Solid yan oh!

Reyalidad yan oh!

Lahat ng broken - wasak nagmumura.

"Pare, para kang pulubing gangster dyan. Bakit dito ka sa labas?"

Si Jade, nakalapit ng hindi ko namalayan. Nang-aalaska ang mga ngiti niya.

"Loko ka!"

Binato ko siya ng bato. Natatawang pilit niyang sinalo.

"Tumayo ka nga. Nakakahiya ka."

"Ikinahihiya mo ako. Grabe Jade, kaibigan kita."

"Loko nga lang, Lucas."

Sinakal ng braso niya ang leeg ko.

"Brutality yan. Friends abuse."

Pilit akong kunwaring kumakawala. Kunwari ring lalo niyang hinihigpitan ang pagkakasakal.

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now