Kabanata 9 [ Beware SPG +15 scene ]

29 16 9
                                    

Kabanata 9

[ Beware SPG +15 scene ]

"HINDI ka ba papasok?"

Hinatid ko si Destiny hanggang sa condo kung saan siya naktira.

Hindi naman tumanggi.

Kaya huwag magbigay ng motibo o harutin ang ex na hindi pa nakalimot.

Asahang matutukso iyan.

Sadya ring gentleman lang talaga mga lalaki.

Sabi nga kapag palay na ang lumapit sa manok, alangan naman mag- diet ang manok.

Asahan mong tutukain talaga.

Hindi ko sinabing lahat ng lalaki ninja o hukagi o tulad ko ang mindset.
Iilan. Iilan, madami yan. More than one. Kaya, MGA.

"Pasok ka muna."

Hinila niya ako sa loob. Nagpaubaya ako. Sumara ang pinto.

Wala eh! Tao lang.

Si Lucas Lim.

Taong natukso.

Nasaktan.

Nagmamahal pa rin.

Hindi na niya binitiwan kamay ko. Nagtagpo mga mata namin. Nang-aakit yung mga titig niya. Hanggang sa yung kaliwang kamay niya, dahan-dahan ng humahaplos sa braso ko.

Pataas nang pataas. Saglit na huminto sa leeg. Nanunuksong hinahaplos ang batok ko. Ilang saglit pa, hinahaplos na ng kamay niya ang kabuuan ng mukha ko.

Nagtagal sa labi.

Hindi ko na pinatagal. Marahas ko siyang hinila palapit sa katawan ko. Hindi pumalag. Lumambitin agad sa leeg ko.

Kinuyos ko siya ng halik sa labi. Marahas, marupok, madiin. Kay init ng hininga niya. Kay init mga haplos niya, lalong nagliliyab ang pagnanais kong makuha siya.

Gumanti siya ng halik. Pababa nang baba hanggang leeg. Saka niya hinila uli ako. Bumukas ang pinto ng kwarto. Hinila niya ako sa loob.

Nakatitig ang namumungay na mga sa mga mata ko. Habang isa-isang hinuhubad o halos punitin na niya mga damit na suot ko.

Agad niya akong itinulak pahiga sa kama. Saka siya mabilis na naghubad.

Pero himawakan ko kamay niya. Hinila ko siya papunta sa akin. Bumagsak katawan niya sa ibabaw ng katawan ko.

Muli.

Nagtagpo mga labi namin.

Uhaw.

Mapukso.

Nagliliyab.

.
.
.
.

Kinaumagahan, nagising akong nag-iisa. Wala na siya sa tabi ko.

Pumasok ako sa trabaho. Tulad ng ordenaryong mga araw.

Bumaba ako sa sinakyang taxi nung huminto yun sa tapat ng Tiger Empire.

Agad umalis ang taxi. Hahakbang na sana ako nung biglang tumunog ang phone na nasa loob ng bulsa ng pantalonh suot ko.

Kinuha ko. Numero lang, kilala ko ang numerong yun.

Sinagot ko

"Lucas, tumingin ka sa kaliwa mo."

Sumunod ako sa sinabi niya. Nandoon siya kumakaway sa loob ng coffee shop.

Nakangiti.

"Magkape ka muna, Lucas. Samahan mo ako."

Lumakad ako papunta do'n.

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now