Kabanata 11

26 15 6
                                    

Kabanata 11

"Ma, may trabaho ako." Reklamo ko. Eksaktong makapasok ako sa kotse kung saan nakasakay siya at naghihintay.

Umupo ako sa tabi niya.

Isang oras pa bago ang lunch. Pumuslit lang ako sandali. Hahanapin na ako do'n. Lagi pa naman nilang hinahanap ang mukha ko.

"Walang kwenta naman yang trabaho mo."

"Ma, nilalait niyo trabaho ko."

"Trabaho ba yan? Pasaway ka talaga."

Pinaghahampas niya na naman ako.

"Ma, Ma!" Awat ko.

Tumigil siya.

"Bakit na naman ba kasi Ma?"

"Yung anak ni kumare, seryoso ako Lucas, gusto ko siya ang mapangasawa mo."

"Ma, sabi ko na di ba, hindi ako interesado. Ang kulit niyo. Wala na si Papa kayo naman ang pumalit."

"Loko kang bata ka?"

Lumipad uli mga hampas niya. Haysst! Ayaw talaga ako tigilan ni Mama.

"Manong, tulungan niyo ako."

Hindi pa rin tumigil si Mama.

"Aray! Ma, ah, ah!"

Piningot niya tenga ko. Tapos tumigil sa kakahampas at umayos ng upo.

"Pumunta ka sa Sunflower hotel, naghihintay na do'n si Trecia. Busy yun, busy ang hotel ngayon. Lunch ang sinabi niya eh, maghihintay siya sa lobby. Anong oras na ba?"

"Ma, ilang beses na kami nagkita. Wala talaga eh, hindi nga ako interesado sa kanya."

"Kaya nga, magkita kayo araw-araw. Walang imposeble, Lucas."

"Ma, bahala nga kayo."

"Huwag mo siyang tatakasan."

Hindi ako umimik.

"Manong, tara na."

"Yes, Madam!"

Umandar ang makina. Hindi na ako makakawala. Lalo na nung umuusad na ang sasakyan, tuloy na talaga.

Napabuga nalang ako ng hangin sa bibig.

Tumatakbo ang sasakyan na ang ingay ingay ni Mama. Daming sinasabi.

"May dugong Chinese ang Papa ni Trecia. Nag-iisang anak siya ang magmamana lahat ng negosyo ng pamilya nila kasama na ang Sunflower hotel. Siya ang CEO at President."

Lahat naman yata kami may dugong Chinese ang Tatay. Yun kasi ang karamihan ng intsik dito sa Pilipinas. Kung hindi half, konti na lang. Pero may dugo pa rin.

"Ano naman ang pakialam ko sa negosyo nila? Yung kay Papa nga hindi ko na halos kayang patakbuhin."

"Bakit ibibigay ba yun ng Papa mo?"

Pinagsusuntok na naman ako. Napaka- sadista niya.

"Aanhin niya ba yun? Kahit ayaw niya sa akin mapupunta yun."

"Ibibinta niya."

"Aray Ma!"

"Pasaway ka kasi."

Huminto siya. At umayos uli ng upo.

"Sa akin din naman yung pera mapupunta."

"Susunugin raw niya."

"Di sunugin niya."

"Pasaway ka. Papayag kang sunugin niya."

"May magagawa ba ako. Eh parang Hitler yun."

"Kaya nga ginagawa ko ang lahat para mapabuti ka. Si Trecia ang sagot. Ipakita mo sa Papa mo na aangat ka ng hindi dahil sa kanyang pera."

Destiny is a LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon