Kabanata 8

23 16 10
                                    

Kabanata 8

"Congratulations!"

Bungad sa akin ng lahat nang umagang iyon. Bumuhos pa ang confetti sa hangin.

Natrap ako sa bungad ng pintuan.

Nakangiwing napa-isip ako.

"Hanep ah! Sir, Lucas. ang bagsik mo. Totoong tiger ka talaga." Palatak ni Jun.

"Jun, ibahin mo yang baguhan. Driven yan hindi tulad mo, stagnant na."

"Nagsalita ang laging absent."

"Tahimik ka!"

"Yan nagalit na si Madam!"

"Ikaw? Ano nga ang pangalan mo?"

"Lucas. Lucas Lim." Sagot ko.

"Ah, Lucas Lim. Sumama ka may meeting mamaya. Hinanap ka. Ikaw pa yata ang star ngayon."

Na curious ako pero prekoy hindi ako nagtanong. Hindi ako interesado.

"Galing ah!" Sambit nung ilan sa mga babaeng kasamahan ko.

Tapos, yon nagsipag-alisan at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.

Tumuloy ako sa pagpasok. Uupo na sana ako sa upuan.

Nabitin yun sa ere.

"Halika na. Mag-uumpisa na ang meeting. Lorna, halina ka kayo. Maunahan pa tayo mga, alam niya niyo."

"Yes! Madam!"

Paglabas pa lang namin sa pintuan. Alam ko na. Eh kakalabas lang din nung kabilang team.

Nagkairingan agad.

"Madam, dapat mauna tayo. Nasa  atin ang star." Si Lorna, lumakad nilampasan ang kabilang team.

"Lorna, yang bibig mo. Pasensya niyo na." Sarcastic yun. Halata sa naman eh.

Gumanti ang kabila.

"Hayaan niyo na guyz, ganyan talaga ang unang beses makatikim ng success."

"Tama na yan."

Lumakad ang babaeng kasing edad ni Madam. Sumunod yung mga alipures niya.

Pagdating sa meeting room, nagsimula uling umingay. Buti nalang pumasok na yung, staff na in charge sa meeting.

Secretary yata ng Presidente o CEO.

"Tumahimik nga kayo!"

Galit agad. Ang liit naman.

"Ikaw naman, Daisy, high blood agad." Sambit nung bading sa kabilang team.

"Kung ako yan Daisy. Haysst! Naku sasabunutan ko." Ani Lorna.

"Sige nga sabunutan mo."

"Tahimik! Darating na si Sir. Umayos daw kayo."

Parang sinilaban ng apoy na dali-daling pumunta sa kani-kanilang pwesto.

"Kilala niyo si Sir Troy, Hitler yun."

"Mali ka. Subra sa Hitler yun. Tiger yun, awrrrh!"

"Tumigil kayo. Isumbong kayo ni Daisy oh!"

"Subukan lang niya sasabunutan ko. Di ba Daisy, friends tayo."

"Bakla ka!"

"Alam ko bakla ako. Ikaw ba alam na babae ka?"

Nagtawanan ang lahat.

"Hoy Jonas, napaka- harsh mo kay Daisy."

"Hoy ka din. Bakit Bea sure ka ba na babae ka? At tsaka, Jona, not Jonas. Charot."

Destiny is a LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon