Kabanata 14

26 9 5
                                    

Kabanata 14

2 YEARS past. Matuling lumipas ang dalawang taon. Parang walang masyadong nagbago. Heto parekoy, Lucas pa rin.

Busy sa business.

Pero hindi seryoso.

Busy sa buhay.

Pero easy going lang.

Life has give me a tough times. Ganun naman talaga buhay ko. Taon lang ang lumipas, hindi yung mga problema ko.

Umagang-umaga ang hapdi ng sinag ng araw. Tumatama sa balat ko.

Kakagaling ko lang sa pagja- jogging. Hindi talaga maiwsang hindi ako huminto sa tabi ng kotse ko. Natutuwang akong himasin yun, parekoy bago na yun.

Nakangiting sinalubong ng mga mata ko ang sinag ng araw. Ang hapdi, nakakasilaw, ang init.

Buti pa ang araw napakainit.

Yung puso ko, malamig pa rin.

Palahaw ng isang bata ang nagpalingon sa akin. Karga ng yaya habang lumalabas sa gate ng bahay -- namin.

My baby princess, Princess Lucy Chen Lim. My one year old daughter.

Nakangiting sinalubong ko. Tama. Yun lang yata ang nagbago sa buhay ko.

Ang anak ko. Ang magkaro'n ng anak.

A new chapter of my life. A family man.

Husband.

Father.

Nakangitng kinarga ko ang bata. Kinuha ko sa yaya Mila niya.

"Bakit umiiyak baby ko?" Malambing na kausap ko sa anak ko.

Para namang maintindihan ako pero parekoy ganun talaga kapag ama ka na. Nagiging maunawain ka na, lalo na sa anak mo. Kahit hindi kayo magkaintindihan, masaya pa ring kinakausap nakakaaliw.

"Asan si Ma'am mo?" Tanong ko kay Joan.

Umiiyak ang bata. Ang usapan ng usapan namin ng Mama niya, ang sabi hindi siya aalis. Pero bakit si Mila ang may karga sa anak namin?

Nasaan na naman kaya siya?

Hindi na nagbago. Pumupuslit lang.

"Eh sir, nagmamadali hong umalis si Ma'am. May meeting ho raw pala siya ngayon."

Tssk! Tssk! Hanep! Lumayas lang agad.

General manager ako ng isang fast food chain branch ng business ni Papa.

Siya naman pagkatapos ng kasal. Binigyan siya ng posisyon sa kumpanya nila. Sa L&G constructions, Managing Director.

Kaya laging busy. Hindi ako nagreklamo, buhay niya yan.

Bahala nga siya. Napaka- sadista nun.

Basta ako. Trabaho lang.

Lumakad ako papasok sa bahay. Hindi man mansyon ang bahay namin. Hindi naman yun magpapahuli sa laki at ganda.

Sa isang sikat na subdivision, 3 storey house.

Tumigil ako sa sala. Umupo ako sa sofa habang inaaliw ang anak ko.

"Kumain na ba?" Tanong ko sa yaya na nakatanghod sa amin.

"Tapos na ho sir, dumede na rin ho."

"Ah! Kumain na pala si baby eh. Hindi na yan iiyak."

Hanep! Lalong pumalahaw ng iyak.

Hindi na ako pumasok sa trabaho. Kaya buong maghapon kong kasama ang anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now