Kabanata 6

30 15 7
                                    

Kabanata 6

TANGHALI na akong nagising kinabukasan. Sa impluwensya ng alak ay nagawa ng sistema kong makaramdam ng pagkapagod na kalaunay humila sa isip kong makatulog.

Isa pa ang mailap ang tulog kapag broken hearted. Siguro dahil..

Nais laging gising.

Nais laging nag-iisip.

Ayaw pumikit.

Nanghihinayang pumikit.

Obserbasyon ko lang hindi ko nilalahat.

Ganun oh! Pak!

Reyalidad yan!

Ang init ngayon. Malamig naman sa gabi.

Tulad ng puso niya nag-aapoy nung una, nalingat ka lang nag-yeyelo na. Kahit sa pag-ibig may climate change.

Gaano man kala-kala ang kalimidad may pagkakataon talagang kailangan nating maging productive.

Lending a helping hands, mga ganun. Gaya ngayon, nasa lobby ako ng Tiger Empire, nakaupo. Hinihintay ang pagbaba ni Troy.

Delevery man lang naman ako ngayon. Naiwan niya kagabi ang isang mahalagang folder.

CEO, ng Tiger Empire. Isang Chinese based Furniture company.

Matagal na kaming magkaibigan pero iilang beses lang akong naggagawi dito.

"Pare, kanina ka pa?"

Si Troy mula sa likuran. Tinapik niya ang balikat ko. Tapos ay agad umupo sa upuang nasa harapan ko.

"Kararating ko lang din. Oh!"

Iniabot ko sa kanya ang folder. Kinuha niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid.

"Laki ng pagbabago ah!"

"Oo nga pare. Sinewerte, iba din mag-isip si Papa. Alam mo yun? He wants to be on the top."

"Kaya napilitan kang mag-aral ng interior design?"

"Hindi mo pa nakalimutan yun?"

"Na pareho nating maging duktor?"

"Hahahahah! Tama ka pare. Pero, ayos lang din naman, alam mo yun kalaunan natanggap na rin. Ito talaga ang buhay na para sa akin."

"Bilib nga ako sa iyo eh. Alam mo iba ako?"

"Walang choice eh. Napapagod na akong lumayas at magrebelde. Tumatanda na tayo."

"Ikaw lang pare."

"Hahahahha!"

"Biro lang alam mo yun."

"Oh ano? Gusto mong subukang magtrabaho dito? Subok lang naman. Walang pressured. Lumayas ka pag ayaw mo, ayos lang. Malibang ka lang, pare. Ibibigay ko sa iyo ang pinakamalaking sweldong makuha ng isang baguhan."

"Isang million, isang buwan?"

"Hahahahha! Papatayin ako ni Papa. Di seryoso pare, ayaw mo talaga?"

Napakamot ako sa kilay.

"Malaya ako? No commitments? Wag na nga lang, sisirain ko pa ang policy ng kumpanya niyo."

"Ako ang aako ng commitments. You are free to leave anytime."

"Hindi naman ako masamang kaibigan pare. "

"Hindi ko sinabing ganun. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Sige na. Give it a shot."

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now