Kabanata 1

66 17 59
                                    

Kabanata 1

ANG pag-ibig sa umpisa lang masaya. Kapag nagloko o nakahanap na ng iba ang isa -- yun impyerno na.

Huwag makampanting mahal ka. Paulit-ulit man niyang sabihing mahal na mahal ka, tol, mangamba ka na. Kasunod niyan ang linyahang ganito.

I need space.

Hindi na ako masaya.

Lets break up.

I need time.

I need to find my self.

Hanep tol 'di ba? Isang malaking kasinungalingan.

Nakahanap ng iba o na in love sa iba. Yan ang totoo. Ayaw pang deritsahin para kaming mga lalaki ang laging may sala.

Kitang-kita na ang mga babae ay hindi laging biktima.

At hindi laging honest ang destiny. Nagsisinungaling. Ipapaunawa niya sa iyo, na siya na, maraming sign ang ipaparamdam sa iyo. Hindi pala totoo. Kasinungalingan lang lahat.

"Hahhhh!" Sigaw ko.

"Pare, lasing ka na."

Lasing na nga ba ako? Ang alam ko nakaisang bote pa lang ako. Walang problema kahit magsusumigaw ako nasa loob kami ng condo ko.

Tumunga ako sa alak na hawak ko. Alak ang karamay ko ngayon wasak na wasak ako. Ang sakit lang dalawang linggo na, masakit pa rin.

"Why is real love so painful?" All of the sudden i ask.

Siguro kung normal na sitwasyon siguradong nag-uunahan na sila sa pagtawa. Kaya nga lang iba ngayon, inunawa siguro ako.

"Pare, matulog ka na. Samahan na kita. Ipahinga mo na yan." Si Troy ang matalik kong kaibigan.

"Ano Jade?" Yung kaibigan naming playboy ang binalingan ko.

Hanep siya pa talaga ang tinanong ko. Yun natulala. Kain ng kain wala namang iniambag sa inuman. Ang yaman naman, pero ayos lang din naman yung nandito sila nakikiramay ah tunay na kaibigan.

"Pare," sumagot. "Kasi binuhos mo lahat. Konti lang sana eh. Mga one pot, ganun." Tumawa ang loko.

"Anong one pot."

"Basta yun, yun yun."

"Tama na nga puro ka kalokohan." Si Troy sinita si Jade.

"Maling-mali."

Napalingon kami lahat kay RJ, ang seryoso at feeling genius ng tropa.

"Do you all know the law of Newton? The law of motion?"

"Anong kinalaman nun?" Si Jade nayayamot.

"Wala yung kinalaman." Biglang singit ni Jan. Ang akala ko tulog na hindi na gumagalaw gising pa pala.

"Matulog ka na nga lang."

Sinapak siya ng unan ni RJ. Yun napahiga, agad din namang umupo.

"Kasi pare," tinapik niya balikat ko.

Katabi ko siya sa kanan. Wala ng lakas yung ulo ko at halos hindi na maibuka ang mga mata na pilit kong inaaninag ang mukha niya.

"Kasi pare, si Popoy at Basha nagkahiwalay? Tapos nagkabalikan. Hintayin mo lang yun."

"Matulog ka na nga."

"Hoy RJ kanina ka pa. Ikaw kaya ang matulog wala ka ng mata lasing ka na."

"Sandali, sandali. Jan sino si Popoy at basha?" Naguguluhan si Jade parang timang.

"Isa pa to. Si Popoy at Basha. Sino nga ba si Popoy at Basha?"

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now