Kabanata 13

24 14 8
                                    

Kabanata 13

"Ayos. Masarap. The best, Miss Joan."

"Alin ho ang nagustuhan niyo Ma'am?"

"Lahat."

Malayo pa lang ako naririnig ko na ang boses ni other Destiny.

Polite naman. At ang ayos-ayos ng pakikitungo niya sa staff. Ibang-iba kapag ako ang kaharap niya.

Food testing ngayon sa isang sikat na buffet. Pagkain sa reception sa kasal. Pero huli na naman ako.

Binilisan ko ang paglakad.

Lumingon siya. Naiba agad ang timpla ng mukha.

Umalis ang staff. Naiwan kami. Umupo siya sa upuan. Ngayon busy ang kamay sa hawak na phone.

Lumapit ako. Umupo ako sa katabi ng inuupuan niya.

"Masaya ba?"

Kumunot ang noo ko.

"Food testing ngayon. Oh ang aga ko. Wala lang ba sa iyo yung salita mo, Lucas. Gawin mo yung parte mo."

"Alam ko late na naman ako. Okay! Sorry!"

"Sorry! Na late ka dahil nakipag date ka pa. Wow ha! Nakakahiya naman sa akin."

Hindi ako nakaimik. Eh parekoy, nasapol ako. Si Mama kinulit ako.

"Wow! Magbago ka naman, Lucas."

"Oo na mali. Pero tama din bang kahit privacy ko pinapasok mo?"

"Ul*l! Who cares your damn privacy. Me? G*go! Inutusan ako ng Mama, ipinapangalandakan lang naman daw ng Mrs. Lopez na yun, ang date niyo ng anak niya. Wow! Napaka wow!"

"Yang duming lumalabas sa bibig mo. Lalong nagku- compliment sa itsura mo. Kaya lalo kang nagiging pangit."

"Do i need to bother with your blurred sight? No. Mr. Lucas Lim. Sa sobrang blurred, ang mali -- tama sa iyo. And a bitch -- angel sa iyo. Do you get what i mean?" Sarcastic yung tinig niya.

"Tapusin na natin to."

Tumayo na ako. Parating na din naman ang staff na may dala ng sample.

"Loser." Habol niya.

Natapos ang food testing na puro siya parunggit. Talak nang talak.

"Sige. May dala ka namang kotse." Paalam ko.

Nasa tapat kami ng hotel.

"Set up man kasal natin. Huwag mo akong lolokohin. Papatayin kita. Huwag mong yurakan ang pangalan ko. Wala sa diary ko ang second chance. Pumapatay ako. Nando'n ay kung paano pumatay. Mabuti magkaintindihan tayo."

"Alam mo kung ano ang ayaw ko?"

Tumaas ang kilay niya. Seryoso ng mukha.

"Yang braces mo. Pangit. Lalo tuloy pumangit mukha mo."

"Ul*l!"

Tinadyakan niya ako.

"Sino ba stylish mo? Wala naman yan nung huling kita natin. Pangit talaga eh! Nanggigil ako ang sarap bunutin. Nakakahiya kang kasama."

"Ul*l pakialam ko sa taste mo."

Lumipad uli tadyak, sipa at mga hampas niya.

Haysst! Maghihiwalay lagi kaming bugbog sarado ako.

"Lumayas ka nga!"

Nagkukamahog na tumakbo ako. Nilingon ko siya, yun inambahan ako ng sipa.

.

Destiny is a LiarWhere stories live. Discover now