Opposite 33: Firing.

70 7 0
                                    

Aux's POV

"Oh, ayan na pala kayong dalawa. Bakit ang tagal n'yo? Halina na, nagluto na ako ng makakain." Nakarinig ko naman ang saad ni Serge habang pababa kami ng hagdan.

Naka-ngiti ako habang hawak ang kamay ng babaeng kaibigan at mahal ko.

I just want to do this. Madami akong kasalanan sa kan'ya. I left her without any word. And I regret that.

Father suddenly wants me us to leave to France. I don't exactly know why. I'm too innocent that time.

My family is a mess. My mom died on our way to France. Nauna kami ni Dad na tumungo sa airport kasi may bibilhin lamang daw si Mom. So, after that. Later that. May tumawag kay Dad at alam kong may nangyayaring hindi maganda dahil sa akto at ekspresyon nito.

Galit at lungkot.

Lumuhod s'ya sa harap ko at humawak sa kamay ko, 'Son? Mauuna ka na sa France huh? May aasikasuhin lang ako. Susunod si Tatay.'

Nagtataka ako at, 'Eh, si Mom po?'

'Huwag kang mag-alala isasama ko ang n-nanay mo. Sasamahan ka ni Mr. Feeiz ha? Mauna ka na. Dad will always love you.' Iyan ang mga eksaktong kataga nito bago ako sumakay sa eroplano.

Sa pagsakay sa eroplano ay nasa isip ko si Dem. Ano nang ginagawa n'ya? Okay lang ba s'ya? Hindi naman s'ya naiyak, diba? Magiging maayos din naman ang lahat diba? May rason sa lahat ng nangyayari ngayon diba? Magkikita pa naman kami diba?

Anong nangyari? Bakit hindi sumabay si Dad at Mom? May nangyari ba? Ayos lang ba ang lahat?

Mga tanong na dala dala ko hanggang sa maka-tapak ako sa France. I look back and thought na baka dito na ako mamumuhay at may naka-abang na tungkulin sa akin.

Day had passed. Hanggang sa marinig ko ang secretarya ni Dad na kausap s'ya.

Doon ko nalaman ang nangyari kay Mom. Naaksidente pero alam nilang may gumawa noon sa kan'ya. They killed my mom.

And that time. I changed my self. I said to my self, la-laki tayong malakas. Hahanapin ko kung sino ang pumatay sa kan'ya. Ako mismo ang papatay. Ako mismo, lalahatin ko ang mga putanginang may pakana nito.

At ngayon? Kilala ko na kung sino sila. Humahanap ako ng tyempo para mas maganda at masahol ang gagawin kong pagpatay. Wala akong ititira sa oraganisasyon nila. Wala akong alam kung bakit nangyari at kung bakit nila pinatay ang nanay ko.

Pero isa lang ang alam ko, gaganti ako at sa sariling kamay ko sila mamamatay.

"Aux."

organizzazione nera Hintayin n'yo ang paghihiganti ko. Mali kayo ng binangga.

"Hoy! Aux!"

Sa imbitasyon, pag-katapos ng limang buwan. Mag-titipon tipon ang lahat. At doon na ako gagawa ng kababalaghan na sisiguraduhin kong 'di n'yo magugustuhan ang supresa ko.

"Aux!" May kumurot sa braso ko kaya naman ay napa-daing ako at nabalik sa ulirat.

"Aray, bakit?" tanong ko kay Dem.

"Anong aray, aray ka d'yan. Buti naman at bumalik ka na sa mundong ito. Kakain na daw tayo at pwede bang bitawan mo ako dahil mukhang tumitigil na ang agos ng dugo ko sa higpit pa naman ng hawak mo." Napa-tingin naman ako sa kamay namin at agad na bumitaw. Kinuha ko iyon at minasahe.

"Sorry."

"Dude, tama ba narinig ko?" -Wage.

"Oo nga? Nag-sorry ba talaga si Aux?" -Raze.

OPPOSITE: We Are EnemyWhere stories live. Discover now