Opposite 55: Killer.

70 6 0
                                    

Black's POV

"You traitor." Hasik ni Khyler ng malaman ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng lalaki.

"I'm not a traitor. I'm just doing my job, bro." tugon naman ng lalaki at naunang sumugod.

Ang dalawang pinaka pinagkatitiwalaan ng dalawang pinuno ng mafia ay nagharap na.

Naglaban sila ng walang dahas ang nagagamit. Naglalaban sila gamit ang lakas at kakayahan sa hand-to-hand.

Sa kabilang dako naman ay may malalim na naiiisip si Xienna habang naka-tingin kay Aux.

May konklusyong nabubuo sa ulo nito at kailangan n'yang kumpirmahin.

Habang ang atensyon ni Aux ay nakatuon sa laban ng dalawa, lumapit si Xienna dito at hinawakan ang balikat nito.

Tumingin ang binata pero hindi gumawa ng anumang galaw upang tanggalin ang kamay ng dalaga.

He misses this touch and her stares. Hanggang maaari ay gusto n'yang tumagal ang posisyon nilang dalawa.

Gustong gusto n'ya ang pakiramdam ng pagtibok ng mabilis ng kaniyang puso tuwing malapit ang dalaga.

Patagal ng patagal ay dumidiin ang hawak ng dalaga sa braso ng binata.

"Bakit mo pinatay ang kakambal ko?" tanong nito kay Aux.

Nagulat naman ito sa tanong ni Xienna.

"Anong sinasabi mong pinatay? Sino?" Bakit ko naman papatayin ang kakambal mo? Kung alam kong masasaktan ka ng husto.

"DemX."

Bahagyang nanglaki ang mata nito.

"Kapatid mo ang gagong 'yon?!"

Mula sa balikat ay lumipat sa leeg nito ang kamay ni Xienna, "Huwag na huwag mong tatawaging gago ang kapatid ko."

"Bakit mo pinatay ang kapatid ko?" Tanong muli nito.

"Hindi ko pinatay ang kapatid mo." madiing wika ni Aux.

"Then bakit binigay ng putanginang taga-sunod mo ang litratong sinuntok mo ang kapatid ko?!" nadadala na ng emosyon si Xienna ng maalala ang sinapit ng kakambal nito.

"That was the day he threatened me!" Ang mata nito ay may nais na ipahiwatig sa dalaga.

Bumalik ang kamay nito sa balikat ni Aux at doon dumiin ang hawak nito.

"Threatened you for what?!"

"He threatened me that he will kill you if I don't leave and avoid you for Pete Sake!"

Bakit gagawin iyon ni Xienno? Gusto n'ya talagang magkalayo kami ni Aux para maganap ang dapat maganap. Pero nahuli ako, nahuli at s'ya ang napatay ng putanginang gago na 'yon. Traydor. And now I do understand what is happening sorrounds me. I am stupid for thinking the wrong without any exact evidence! -Sa isip ni Xienna.

"Don't cry, my lady." Pinunasan nito ang luhang tumulo sa mata ni Xienna.

Iyon ang luhang nagagalit sa may tunay na kagagawan ng pagkamatay ng kapatid n'ya.

Tumitig ito sa mata ni Aux at nababasa ang gustong ipahiwatig ng binata, "I'm sorry for what I've done, my lady. I'm just scared na baka masaktan ka."

Tumango si Xienna at tipid na ngumiti. Marupok eh.

Inilibot nito ang paningin at nakita namang nakahandusay na ang iba, patay man o walang malay.

Lahat, pati na ang dalawang taga-sunod nila na puro sugat at pasa na ang mukha. Pero naka-tingin sa kanila ng may pagtataka, at iyong ang dahilan ng pagtigil nila sa pagbubugbugan.

Nakita n'ya ang taong tinutukoy ng salita ni Xienno at ang taong pinaniniwalaan n'yang pumatay sa kakambal n'ya. Naka-tingin ito sa gawi nila at nag-tama ang paningin nila.

Dumiin ang pagkakahawak ni Xienna sa balikat ni Aux, mas madiin pa sa nauna at ramdam ni Aux and pagbaon ng kuko nito at ang hapdi. Peri hindi ito lumikha ng anumang magpapatunay na nasasaktan na s'ya.

Kaya n'yang tiisin lahat, basta si Xienna ang usapan.

Bumalik naman ang tingin ni Xienna ang tingin kay Aux.

"That traitor man at the stage is the fucking killer of my late twin. Can you be with me and kill that asshole? Or you want to continue our fight for the sake of the tradition?" Diretsong sambit nito kay Aux.

"I'll help you. And I don't want to continue this shit, I hate seeing you being hurt lalo na kung ako ang may kagagagawan." buong pusong tugon nito at nagpabalik ng ngiti ng dalaga.

One, two, three--- As if on cue, Xienna grab his gun. And aim the target to him.

Naka-iwas ito at ngumisi pa.

Ito naman ang nagpaputok. Pero nagpaulan ito ng mga bala sa kanila.

Nagulat ang lahat at napa-yuko.

Nawalan sila ng pagkakataon na gumanti ng pag-putok.

Hinila na lamang s'ya ni Aux at iniiwas sa mga tama ng baril.

Naubusan ng baril ang lalaki at nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo't lumapit sila sa kan'ya.

Malapit na. Sobrang lapit na. Sobra.

Pero nakakuha ito ng isa pang baril.

"Dave Gelilirio! Stop that!" tawag pansin ng Ama ni Xienna upang hindi maputukan ang kan'yang anak.

Oo, ang sekretarya ng kan'yang ama ang tinutukoy ng salita ni Xienno at ang pinaniniwalaan ni Xienna na pumatay sa kakambal n'ya.

"Dad!" automatikong tumaas ang kamay ni Xienna na may hawak na baril ng tumapat ang baril ni Dave sa kan'yang ama.

Akmang ipuputok na nito ang baril ng maunahang may bumaril sa kamay nito at nabitawan ang baril.

Nangunot ang noo ni Xienna dahil hindi n'ya pa napapaputok ang kan'yang baril.

Umikot ito ng paningin. Hinahanap kung saan nanggagaling ang pagputok na iyon.

Sa isang madilim na bahagi ng resort. Nakita n'ya ang balot na balot sa itim na isang lalaki.

May hawak itong baril at siguradong sa kan'ya nanggaling ang balang pumigil upang mapatay ang kaniyang ama.

Lahat nakatuon sa lalaking naka-itim sa madilim na bahaging iyon.

Hindi nila namalayan ang dahan dahang pag-abot ni Dave sa Baril.

Kaunti na lang at makukuha na n'ya ito.

And nakuha na nga. Ngumisi ito at itinaas ang baril. Nakatutok ito sa likod ni Xienna.

Akmang kakalabitin na nito ang baril ng makita ito ng lalaki, "XIENNA!"

Tumaas ang kamay nitong may bala at pinaputukan muli si Dave sa kamay. Napasigaw ito sa sakit.

Napatingin doon sila at nakita ang lumayong baril nito.

Pero hindi iyon ang iniisip ni Xienna sa pagkakataong ito.

Tinitigan n'ya ang bulto nito, ang boses nitong siguradong sigurado s'yang kilala n'ya.

At kahit kailan ay hindi n'ya malilimutan.

Ang mata nitong naka-litaw at sobrang pamilyar.

Hindi ito makapaniwala sa nakikita at umatras pa hanggang sa matilapid ito at nawala sa balanse.

Buti na lamang at nasalo ito ni Aux.

Her eyes were glued ito that man eyes.

Pumatak muli ang luha ni Xienna at bahagyang nanghina.

"Xienno?"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon