Opposite 41: Luha.

76 7 0
                                    

Xienna's POV

Sa pagtalikod ko, napa-atras ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin at maramdaman sa nakikita ko.

Kaya ba s'ya umalis kanina? Kaya ba hindi n'ya ako sinipot? Kaya ba naka-patay ang cellphone n'ya?

Inaalala ko kung nasaan s'ya, inaalala ko kung ayos lang ba s'ya, iniisip ko kung nasaan ba s'ya.

Pero putangina, nandito lang pala nakikipag-halikan sa iba!

Hindi ko malaman ang nararamdaman ko, blangko ang naiisip ko. At tila ilang patalim ang tumatarak sa puso ko.

Bakit? Bakit? Pinaglaruan n'ya lang ba ako? Hindi ba totoo ang lahat ng iyon?

Kung sakaling totoo nga then WHY! SHITTY BULLSHIT!

Anong nangyari? Kaya ko ng talikuran ang lahat ngayon ka pa papalya?

"Bullshit?" hasik ko at mukhang napa-tigil naman sila.

Naka-ngisi ang babaeng kahalikan n'ya, the one and only Shendy Cleez.

Tumingin ako sa mga mata n'ya. Pero blangko itong naka-tingin sa akin.

Na para bang sa tingin n'ya anong ginagawa ko dito. Kung bakit ako nandirito! Kung bakit ko nakikita silang naghahalikan! Kung bakit, bakit. Bakit, mga putangina.

Hindi ako makapaniwala, napatawa na lang ako ng sarkastiko kasabay ang luha na nag-uunahan sa aking mga mata.

Akala ko iba ka. Oo, walang tayo. Pero lahat ng ipinapakita mo nagpapahiwatig na mahal mo ako. Pero, bullshit.

Lumapit ako ng kaunti sa kanila. Tinignan sila ng mataimtim at puno ng galit. Nasasaktan ako. I feel betrayed.

Akala ko tutupadin n'ya na ang mga pangako n'ya, pero ano? Pinako na naman.

"A-anong ibig sabihin nito?" buong lakas kong tanong sa kan'ya.

"As you can see. Hindi ka naman siguro bulag diba?" Ang tono ng pananalita nito, ang pakikitungo nito. Iba na, ibang-iba.

"Niloloko mo ba ako? Gago ka ba?"

"Look, pwede bang umalis ka na nakaka-distorbo k---"

"Manahimik kang putangina!"

"Ano sagutin mo 'ko. Niloloko mo ba ako? Ano 'yong mga ipinahiwatig mo? Ano 'yon lahat?! Bakit ganito?! Bakit ganito ang makikita ko?! BAKIT! MGA PESTE!"

"Huwag mong sabihing nahulog ka sa'kin? Bored lang ako kaya ko nagawa ang mga 'yon."

"Bored?" napatawa ako ng mapait. "Bored? Bored ka?! How nice, bored ka?! Bored?! You freak!"

"Pwede bang umalis ka na? Sinisira mo ang gabi k--" sinampal ko ito ng malakas at napa-balik ang mukha nito pakanan. Bahagya pang bumakat ang palad ko.

Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ang kwintas na ibinigay n'ya.

Nasa loob iyon ng kamay kong naka-kuyukom. Manloloko, mga putangina.

"Salamat sa putanginang sakit na ibinigay mo. Akala ko iba ka, akala ko tutupad ka na sa pangako mo. Akala ko mag-hihintay ka. Akala ko, akala ko lang pala. Huwag kang mag-alala pag-alis ko sa lugar na 'to wala na ang Xienna na nakilala mo. Wala na ang Dem na kaibigan mo. Pinatay mo na, at humanda ka. Putangina mo."

Itinaas ko ang kuyukom kong kamao.

"At ito? Itong walang kwentang kwintas na ibinigay mo. Ngayon ko na sana ipapalagay sa'yo at papayag na ako sa mga salita mo. Pero putangina, lokohan lang pala! Pakasaya kayong dalawa, mga putangina. Salamat sa sakit, putangina. Mga gago!"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon