Opposite 40: What?

60 7 0
                                    

Xienna's POV

Ilang oras na ang naka-lipas, ilang movie na ang napanood namin, ilang sigaw na ang narinig ko. Pero, wala pa din s'ya.

Saan ba s'ya pumunta? Bakit ganoon 'yong reaksyon n'ya kanina?

Mas tumindi ang kabang nararamdaman ko kanina. May mangyayari ba?

Kapag kasi ako kinabahan, siguradong may mangyayaring ikakagulat ko. Ganoon katindi ang pakiramdam ko.

Pero sana naman ay maganda ang dahilan ng kaba kong ito.

Nasaan na s'ya?

"Tama na 'yan. Bumalik na muna kayo sa mga unit n'yo. Mag-bihis na tayo."

"Anong oras na ba?" -Frethz.

"9:00 pm na. Aalis pa tayo ng alas dyes. Dahil Alas onse ang ball." -kuya Serge.

"Hindi ba sa inyo nag-tetext o tumawag si Aux?"

"Bakit? Hindi mo ba alam kung saan pumunta?" -Ghionna.

Umiling lang ako at tumayo na. "Mag-ayos na kayo. Mauuna na ako sa unit ko."

Lumabas na ako ng unit ni Khyler at nag-tungo sa akin.

Dumiretso na agad ako sa banyo at naghubad na.

Binuksan ko ang shower at itinapat ang ulo ko. Naka-yuko ako at naka-pikit. Hindi ko talaga gusto ang kabang nararamdaman ko.

May nangyari ba kay Aux? Anong meron? Shit, Damn it.

Kalahating oras ako naligo at lumabas na, naka robe lang ako at tinungo ang make up section. Umupo ako at nag-simula na. Light make up lang ang ginawa ko.

Pumunta ako sa closet at kinuha ang gown na susuotin ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta ako sa closet at kinuha ang gown na susuotin ko ngayon.

Isinuot ko na ito at tinernuhan ng isang high heels na kulay red din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isinuot ko na ito at tinernuhan ng isang high heels na kulay red din.

Tumungo ako sa isang malaking salamin at tinignan ang sarili. I look good though. But, nah.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon