Opposite 53: Aux.

68 5 0
                                    

Aux's POV

Ngayon ang araw ng paghahanda ko.

Nilipon ko ang pinaka pinagkatitiwalaan ko sa organisasyon.

Ngayon ang kaarawan ng Opposite ko at dahil imbetado ako, why not making a big show?

Battle of the ruler. Sounds fun.

Nagtungo na ako sa venue at masasabi kong pinaghandaan nga.

Pero parang masisira ang kagandahan ng lugar kung mamaya naman ay may naka-abang na laban.

Naka-abang ako dito at hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Ang arte naman kasi ng Opposite ko, may paganito ganito pa.

At isa pa, nandito ang brute. At sigurado akong magtataka at magugulat sila. Mabuti na lamang at nasabi ko kay Wage noong kaming dalawa lamang.

He's disappointed not angry, at sana ganoon din sila Raze. I didn't intend to lie, I am required to hide.

Pero ngayon? Nasa tamang edad na ang opposite ko at wala ng pagtatago pa ang magaganap. Lahat ay maipapalaganap na. Lahat ay malalaman na.

"Let's welcome! Mr. Eduard Sentille, he will be the replacement of the late young master, DemX!"

Nakuha noon ang pansin ko, agad kong hinanap at hinarap ang taong nabanggit. Si Sentille, bahagi s'ya ng organisasyon ng mga Italian Mafia?!

Pero, sandali. Isa s'yang replacement. He must be the right hand of DemX.

May kapatid pala ang Opposite ko? Sayang, ngayon ko lang nalaman.

Dapat sana ako na ang pumatay sa kan'ya. Parang mas magandang laban ang magaganap kung ganoon nga.

DemX and BlackViXX.

DemX--- wait? That name. Imposible, s'ya?!

Flashback. (Opposite 39: Movie Marathon; the other scene; Aux's POV)

Magmo-movie marathon sana kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at binuksan ang text messege. From unknown, kaya naman nangunot ang noo ko.

From: Unknown.

Daux, right? I got your ex-girlfriend. Shendy Cleez. Come to Celanes Abandon Building. Don't bring anyone with you, alam ko namang kaya mo na ang mag-isa bilang isang ruler. Come here, you have 20 minutes. Bilisan mo kung ayaw mong patayin ko ang may alam ng nangyari sa pagkamatay ng nanay mo. Good luck.

I make a fist. Tumayo na ako at nag-paalam sa kanila na may pupuntahan ako.

Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan ko patungo sa nasabing lugar.

Fuck that asshole!

Kapag nalaman ko lang kung sino ka, papatayin kita.

Ipinark ko na ang kotse at dali daling tumungo sa kinaroroonan ng gagong 'yon.

I tracked his location.

Isang malaking pintuan ang dumambad sa akin, umatras ako at buong lakas na sinipa ito upang bumukas.

Natagpuan ko naman agad si Shendy na nakatali sa isang upuan, nakayuko at kitang kita ito dahil sa nakatutok na ilaw sa kan'ya.

Tumakbo ako patungo sa kan'ya pero agad na may humarang sa daan kong isang lalaki na naka-itim, hindi makita ang pagmumukha.

Naglaban, suntok at sipa ang ginawa namin hanggang sa parehas kaming naka-layo sa isa't-isa.

Hell? Sino s'ya? Paano n'ya napapantayan ang lakas at kakayahan ko?

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon