Dirty Show: Uncovering her Innocence

676 9 1
                                    

IV

Tiningnan ko iyong plastic bag na pinaglagyan ko ng aking mga damit. Iyong lata ng sardinas na ginawa kong alkansya, sana binuksan ko nalang to bago pa ako umalis ng bahay kanina para nabilang ko ang laman at ng mabigyan ko sana si popong ng pambili ng gatas niya.

Ang totoo'y balak ko sanang umalis na kina tiya bago pa dumating ang araw na ito kung di ko lang nakalimutan kung anong petsa na ngayon.

Marunong din naman ako magbasa at tumanda ng mga petsa sa kalendaryon. Iyon nga lang medyo ulyanin ang lola niyo.
Ayoko ko talagang sumama sa taong tanging ang aking ina at tinuring na pamilya lang ang nagtutulak sakin na sumama.

Ngunit kahit anong pilit kung umiwas ay heto ako ngayon at napipilitang sumama at nagpapadala na lamang sa agos na meron ang panahon para sakin.

Hay naku popong, magkikita pa kaya tayo?
Naalala ko noon tuwing walang pambili ng gatas si popong ay kinakapalan ko ang mukha ko sa pag-utang ki'la Manang Mering ng isang pack ng Bear Brand at para makabayad ay hindi lang paglalako ng isda ang ginagawa ko kundi tumutulong rin ako sa paggawa ng uling at inilalako ito sa isang tindahan ng mga letsong manok sa kabilang barangay.

Nagdesisyon akong humiga don sa kama. Aba't parang ang lambot naman nito kumpara sa kama na meron si popong.

Hindi ko na napansin ang oras ng dalawin ako ng antok. Nagising ako uli ng marinig kong may kumakatok.

Kumakatok?

Napabangon ako bigla at dali-daling tumayo at binuksan iyong pinto ng kwarto. Nasa labas nito iyong ginang at may bitbit na malaking brown na envelope.

"Keep this, hija." Sabi niya.

Huh? Keep....this? Hija?

"P-Po..." Nagtataka kong tanong. English ata yon. Wala akong mabasa sa ekspresyon niya. Napabuntong hininga ito bago nagsalita uli.

"Halika na para kumain." Tanging wika niya. Naiilang akong lumbas ng kwarto at sumunod sa kanya.

Pumunta kami sa itaas na bahagi nung barko at nakita kong medyo marami-rami ang tao rito. Karamihan kumakain. Umupo kami sa isang mesa na may maraming pagkain.

May iba't-ibang putahe at may iba't-iba rin itong kulay. May gulay, isda at karne tapos may mga maliliit na bilog at parihaba na pagkain na sigurado akong panghimagas.

Nagsimula na kaming kumain. Kasabay ko iyong ginang at magkaharap kami ngayon. Oras na siguro para magtanong ako.

Paano ko ba sisimulan? And dami ko kasing gustong itanong. Ngunit mukha mahihirapan akong makiusap sa ginang na ito dahil parang pasan rin ang mundo. Parang di rin marunong ngumiti.

"A-Ano pong pwede kong itawag sa i-inyo...?" kinakabahan kong tanong. Huminto ito sa pagkain at diretsang tumingin sakin.

Patay. Nabitin ko ba ang pagsubo nya ng pagkain?

"Luz nalang." Tipid nitong sagot at kumain uli. Tumango-tango ako.

"Para sakin po ba iyong e-envelope?" tanong ko ulit, total nasimulan ko ng magtanong, susulitin ko na. Kinuha niya saglit iyong brown envelope na nakalagay sa tabi niyang upuan at binigay sakin.

"Iyan ang mga katibayan na hindi na ikaw si Charlotte Dela Torre. Sa oras na maikasal ka kay Don Ilbus magiging isa kanang Batalier at ibang pangalan na ang iyong gagamitin." Sagot nito.

Literal akong napanganga.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon