Dirty Show: Her Uncovered Innocence

191 2 0
                                    

Sweet Honesty 4

Kung tutuparin man ni Luke ang lahat ng sinabi niya sakin tiyak isang napakagandang regalo iyon para sa magiging anak namin. Minsan na akong nangarap sa buhay ngunit napakalabong mangyari nun sa kalagayang meron ako. Not until he came to my life. Napalitan ng pag-asa ang lahat ng pasakit ko sa buhay. Kahit hindi ko pa alam kung mahal nga ba ako ni Luke ay handa akong isakripisyo ang nararamdaman ko. Wala naman sigurong masama sa pagmamahal. Hindi naman siguro bawal magmahal sa isang katulad niya.

"Good morning!" Bati niya. Kapapasok palang nito mula sa pintuan galing sa labas bitbit ang dalawang supot ng paper bag. Pumunta ito ng supermarket na malapit lang dito sa resort.

"Good morning. Kain na tayo." Yaya ko. Kasalukuyan kasi ako ngayong naghahanda ng makakain namin. Umupo siya sa counter katapat ng kitchen habang inihahain ko ang niluto kong ulam para sa tanghalian namin. Nag-breakfast lang kami kanina sa isang cafe dito sa resort dahil late na kaming nagising pareho.

"Here." Isang black box ang ibinigay niya sakin ng pareho na kaming nakaupo sa counter para kumain. Agad ko itong binuksan at isang malaking phone ang laman nito.

"Akin na ba ito?"

"Yes. Kapalit yan nung phone na itinapon ko. Nae-email ko na pala sayo iyong mga karagdagang requirements na e-kocomply mo ngayong semester. You need to finish all of that tomorrow para hindi na hassle sa susunod na lakad natin." Paliwanag niya.

"Luke, kailan mo sasabihing mahal mo ako?" Natigil siya sa pagsubo sa tanong ko. Alam kong hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sakin but I have to try asking him para malaman ko kung may pag-asa nga ba ako. Kahit magmukha akong desperada sa harapan niya ay ayos lang basta maipakita kong mahal ko siya.

"Ang sarap mo pala magluto." Komento niya. I knew it. Iniiwasan niya ang tanong ko. Hindi pa nga siya handa.

"Thank you. Kain ka ng marami." Tanging nasabi ko. Masaya ako na nagustuhan niya iyong luto ko. Pakiramdam ko tuloy isa na kaming ganap na mag-asawa kahit kabaliktaran iyon ng sitwasyon namin.

Pagkatapos ng tanghalian namin ay agad kong inayos ang pinagkainan namin at sabay kaming lumabas upang maligo sa malaking pool dito sa resort. Ito ang unang pagkakataon na mae-experience kong maligo sa pool lalo na't kasama ko siya. Mga ilang oras din din kaming naligo dun kasama ang iba pang turista dito sa resort na karamihan isang pamilya. Medyo nainggit pa nga ako habang tinitingnan ang mga mag-asawa kasama ang mga anak nila. Napakasaya siguro ng isang kumpletong pamilya.

Mga alas-kuwatro na ng hapon kami umahon sa pool ni Luke at masaya kaming naligo ng sabay sa loob ng banyo ng cabin namin. Syempre may konting harutan rin bago kami natapos at nagbihis.

"Luke, saan tayo magdi-dinner? Gusto kong kumain ng Chicken curry at Bikol express."

"May isang restaurant dito sa resort. Dun nalang tayo mag-dinner." Kaya pumunta nga kami doon. Pagkapasok namin ay agad kaming naghanap ng table at nag-order ng pagkain.

"Luke, punta lang ako ng comfort room." Paalam ko.

"Samahan na kita."

"Wag na. Ako nalang." Naiilang kong sagot. Ba't naman siya sasama pa sakin? For sure maghaharutan lang din kami dun at baka di pa ako makaihi. Mag-isa kong tinungo ang comfort room. Nagtanong lang ako sa isang waiter at customer bago ako nakarating at nakapasok dito para umihi. Ng matapos ako ay agad akong lumabas dahil baka andun na ang order namin, nagugutom na rin kasi ako.

Ngunit ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng comfort room ay may biglang nagtakip ng bibig ko gamit ang isang puting panyo. Mabilis akong kumawala at tinatanggal ang mga kamay na tumatakip sa bibig ko ngunit malakas ang babaeng nasa likuran ko. Oo. Sigurado akong babae ito dahil alam ko ang pagkakaiba ng kinis ng balat ng isang babae sa isang lalaki. May nalalanghap akong kakaibang amoy mula sa panyo.

Sa higpit ng ng pagkakahawak niya ay nasasaktan na ako kaya inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako at itinulak siya. Nahulog ang phone na tanging dala dala ko at agad ko itong kinuha kaya lang parang napalakas ang pagkakahulog nito sa tiles kaya nag-crack ang screen nito. Akmang hahawakan ko na ang siradura ng pinto ng hawakan niya ang buhok. Ang sakit sa anit kaya napahiyaw ako. Hinawakan ko uli ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko kaya lang bigla akong nakaramdam ng panghihina at biglang pagsikip ng aking hininga.

Malakas niya akong itinulak sa pader. Sapol ang ulo at likod ko. Napahiyaw rin ako sa sobrang sakit hanggang sa nanlabo na nga ang aking paningin ng hindi manlang nakita ang mukha ng babae.

Isang malamig na tubig na tumama sa mukha ko ang nagpagising sakin. Nanlalabo man ang aking paningin ay pilit kong binubuka ang talukap ng aking mga mata. Isang di pamilyar na pigura ang bumungad sa paningin ko at isa itong lalaki. Sa tantya ko kaedad at kasing tangkad lang siya ni Luke.

"Kalagan siya." Utos nito sa mga lalaking nasa gilid namin. Isang lalaki ang lumapit sakin at kinalagan ako. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking buong katawan ng matanggal ang magaspang na lubid na iginapos sa dalawa kong kamay at binti. Sinubukan kong tumayo mula sa upuang pinag-gapusan sakin ngunit napaka-bigat at sakit ng katawan ko.

"Don't move. Mas lalo ka lang masasaktan." Agad kong tiningnan ng masama ang lalaking nasa harapan ko na alam kong siyang may pakana ng lahat ng to.

"N-Nasaan ako?.." Pilit kong pinipigilang hindi tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Hindi ko na maatim ang sakit. Anong ginawa nila sakin?

"Wag kang mag-alala, papunta na dito ang anak mo." Nanlamig ako sa sinabi niya. Anak ko? Si Luke?

"Anong kailangan niyo sakin?!" Sigaw ko habang nakaupo pa rin ako at hirap na hirap na maigalaw ang katawan ko.

"Wala akong kailangan sayo pero sa pamilya mo, sa mga Batalier meron. Ikaw lang naman ang tanging kahinaang alam kong kayang magpatumba sa pamilya nila at di ko aakalaing ganun lang pala kadaling makuha ka mula sa poder nila." Paliwanag nito sakin. Hindi ko na napigilang hindi mapaluha. Ito ba ang dahilan kaya kailangan akong pansamantalang ilayo ni Luke sa mansyon? Dahil may nakaambang panganib sa akin?

"Kumusta ang pagiging Batalier? Kumusta ang pagiging asawa ng mayaman kong ama?" Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Kusang nahinto ang pag-iyak ko. Ama? Anak siya ng Don? Kapatid ba siya ni Luke?

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon