Dirty Show: Uncovering her Innocence

666 7 2
                                    

VII

Paglingon ko, isa iyong matangkad at morenong lalaki. Sino naman kaya to? Isa rin kaya ito sa mga drayber nung mga kotseng sinakyan namin kanina?

Lumapit yung lalaki samin at yumuko sa matandang lalaki. Ano kayang meron sa pagyuko? Kanina rin kasi si Luz nakita kong yumuko rin.

May dala-dalang envelope rin yung lalaki at magalang itong ibinigay sa matanda. Pagkakuha nung envelope ay inilagay ito sa ibabaw ng mesa.

Napansin kong maraming envelope iyong ibabaw na mesa nung matanda. Teka may envelope rin iyong lalaki at kulay brown din ito, ibig sabihin ba non ipapakasal rin siya tapos babaguhin ang pangalan at palayaw niya?
May kasulatan din ba ang mga magulang niya at ipapambayad siya kay Don Ilbus?

"Ano po ba ang bago niyang pangalan, Sir?" tanong ko dun sa matanda. Gusto ko kasing malaman at baka naman kasi mas maganda pa kesa sakin ang ipangalan sa lalaking to.

Nakita kong medyo napaisip iyong matanda sa tanong ko. Baka nga siguro mas maganda ang ipapangalan sa lalaking to kesa sakin.

"Dapat po hindi masyadong maganda ang pangalan at palayaw niya." Suhesyon ko kaya napatingin bigla iyong lalaki sakin.

"Idiot." Rinig kong sabi niya.
Ano daw, Indio?

Ah, Indio siguro ang bago niyang pangalan. Kung ganun siya naman si Indio Batalier. Aba't mas okay pa naman yung ipinangalan na bago sakin kesa sa bago niyang pangalan.

Irish Batalier versus Indio Batalier.

Napangiti ako sa naisip ko. Napansin siguro nung lalaki ang pagngiti ko kaya't napatingin uli ito sakin. Problema nito?

Inirapan ko lang siya.

"Sir, kayo po ba si Don Ilbus?" tanong ko. Baka naman kasi hindi siya at nang makiusap ako na paki-usapan niya iyong Don Ilbus na yon na iurong nalang ang aming kasal.

Ayoko ko kasing pumasok sa simbahan. Samin kasi pag' napapatingin ako sa simbahan, nakikita kong may naniningil sa mga sumisimba at inilalagay sa maliliit na basket iyong mga pera nila.

Ayokong mabawasan iyong ipon ko. Kailangan ko pang makapunta ng Maynila. Pero sayang rin kasi iyong magiging bago kong pangalan. Baka hindi ibigay ni Don Ilbus sakin kapag ipaurong ko ang aming kasal. Napatingin ako sa brown envelope na hawak-hawak ko.

"Yes I am." Sagot nung matanda. Ano daw, yes? Oo ata ibig sabihin non. Kaya naman...yari na ako.

"A-Ah..." tanging nasabi ko.

"Sebastian, lets start." Utos ni Don Ilbus don sa lalaki. Sebastian? Iyan rin ba ang bago niyang palayaw. Ba't parang mas magandang pakinggan iyong palayaw niya kesa sakin?

Sebastian versus Hija

Di bale na, mas maganda naman yung magiging bago kong pangalan kesa sa kanya.
Umupo na si Don Ilbus sa inuupuan niya kanina at nakaharap na ito samin.
Bigla namang kinuha sakin nung lalaki iyong dala-dala kong plastic bag at envelope.

"H-Hoy aki---"bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay siniil na ako ng halik ni Indio.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon