Dirty Show: Uncovering her Innocence

500 11 1
                                    

XVIII

"S-Sino siya Luz?" Tanong ko kay Luz. Naglalakad kami papuntang salaa ng mansyon. May isang bisita kasing nasa sala at hinihintay raw ako.

Nang malapit na kami sa sala, natanaw ko ang bulto ng isang lalaki. Sino kaya ito?

Nang makaupo na kami ni Luz at nakaharap na iyong bisita, kumunot ang noo ko. Di ko kasi ito kilala.

"Siya ang magtuturo sayo, Irish. Mag-aaral ka. Home Schooling." Sabi ni Luz. Tiningnan ko iyong lalaki. Sa tantya ko mas matanda lang ito ng kunti kay Luke.

Pero teka, home schooling? Ano kaya iyon?

May kinuha si Luz na isang piraso ng papel sa ibabaw ng mesa ng sala at ibinigay sakin. Narinig kong tumikhim muna ito bago nagsimulang magsalita.

"Ako si Jeff. Sir Jeff Alzuela." Pakilala nung lalaki. Natatabunan ng malaking salamin iyong mukha niya. Sa katunayan may itsura naman siya.

"I'm gonna be your home school teacher simula ngayon and...Uhm..I'm single. I mean I'm twenty three years of age." Medyo natatawa niyang sabi. Halatang kinakabahan ito.

Ano ba yan mukhang mamomoroblema ako nito. Tumango tango lang ako sa mga sinabi niya. Di ko kasi maintindihan iyong mga sinabi na may English.

"Maiwan ko na kayo." Paalam ni Luz. Naiwan sakin iyong isang piraso ng papel.

"So...let's start." Sabi ni...Sir Jeff.
May kinuha siyang apat na libro mula sa dala dala niyang bag. Makakapal ang mga ito at may kalakihan ang laki. Halatang mga bago pa ito.

Inabot niya sakin ang mga ito. Sinimulan ko itong buklatin. Inuna ko iyong may kulay asul na libro.

"Ito ang libro para sa Linguistics mo. Para matuto kang magsalita ng English, fluently." Paliwanag ni Sir Jeff. Tumango ako sa kanya. Napansin kong may maliliit na piraso ng papel ang nakadikit sa mga pahina nito. May iba't ibang kulay ito. Maganda tingnan.

Sinunod ko iyong kulay-kape na may guhit ng globo ang pabalat nito. "Ito naman ang libro mo para sa geography. So you would know how to deal with the location of places or countries, cities, natural features and such." Paliwanag uli ni Sir sakin. Binuklat ko rin ito at katulad nung asul na libro may mga maliit itong papel.

"These are your temporary notes and pointers." Pagtuturo ni Sir dun sa mga tinutukoy kong maliliit na papel. Pinagpatuloy ko ang pagbubuklat sa mga libro.

Sa katunayan naduduling na ako sa kakikita sa mga ito. Habang patuloy na ipinakikilala sakin iyong mga libro ni Sir. Dinagdagan niya pa ito ng tatlo pang makakapal na libro.

Hindi ko namalayan ang oras. Nasa sala parin ako. May pinapraktis akong isulat. Kailangan kong matutunan iyon ngayon. Marami na akong napunit na papel. Mga may maling sulat ko iyon.

Sinasanay ko ang mga daliri at kamay ko sa pagsulat na nakakursiba. Cursive raw ang tawag nun sa wikang English.

Patuloy ako sa ginagawa ko ng mapansin kong bumababa ng hagdan si Veronica. Nagmamadali ito at may dala dala itong bag na di-gulong.

Napukol ang paningin ko sa kanya ng mapansin kong umiiyak ito. Nang makita kong malapit na sa sala, napansin kong namamaga ang labi nito at may sugat ang gilid nito.

Ano kayang nangyari sa kanya? Nahulog kaya siya?

Akala ko hihinto siya sa may sala pero dirediretso itong naglakad at dinaanan lang ako. Akmang babalik na sana ako sa ginagawa ko ng makita kong naglalakad siya pabalik.

Huminto at humarap siya sakin. Luhaan ang mga mata niya. Halatang nagmamadali itong nagbihis dahil hindi ko nakita ang mga kolorete nito sa katawan.

At ganun  na lamang ang pagkabigla ko ng bigla niya akong sampalin at sumbatan habang sarkastiko itong tumatawa tawa.

"You're such a trash, Irish! Akala mo ba reyna kana sa mansyong ito? No. Ibabasura ka rin nila, soon. So better enjoy now this luxury dahil hindi kailan man mawawala ang katotohanang pambayad utang ka lang!"

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon