Dirty Show: Uncovering her Innocence

570 5 1
                                    

XIV

Tahimik akong nagtitimpla ng kape para kay Don Ilbus. Nasa harap ko sya ngayon. Nasa halamanan kami ng mansyon.
Nakaupo kami sa magkabilang bahagi ng mesa. Nagbabasa sya ng dyaryo.

May gusto akong itanong sa kanya. Ngunit nagdadalawang isip ako kung itatanong ba sa kanya o hindi.

Narinig kong tumikhim sya. Iniabot ko sa kanya iyong kape nya. Ininom nya ito. Sana ayos lang sa kanya iyong lasa.

Nakita kong maayos naman ang naging reaksyon niya kaya nakahinga ako ng maayos.

"Ahm..Don. May itatanong po sana ako." Pagsisimula ko.

"Sige, hija ano iyon?" Pukol niya. Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagtatanong.

"M-May..asawa po ba si L-Luke?" Tanong ko na ikinagulat niya. Tumikhim muna sya bago ako sinagot.

"Wala hija, pero may kasintahan sya. Si Veronica. Sa katunayan sa mansyon sya tumutuloy." Sagot ni Don na nagpabagkas ng gilagid ko.

May kasintahan sya?

Tapos may nangyayari samin?

"Eh..paano po yun. Iyong ginagawa namin?" Tanong ko ulit.

"Walang kaso iyon kay Veronica. Actually, sya ang nag-suggest sakin na si Luke ang ipasiping sayo." Halos malaglag ang panga ko. Anong klaseng kasintahan ba yan?

Inalok niya si Luke para sa tatay nito? Sa kagustuhan ng sarili nitong ama.

Natahimik ako sa mga sinabi ni Don. Hanggang sa dumating ang dalawang taong di ko inaasahan.

Si Luke at ang kasintahan niya.
Naalala ko bigla iyong tagpo kung saan nakita ko ang ginagawa nilang dalawa.

Napaayos ako ng upo. Umupo iyong Veronica sa tabi ni Don at si Luke naman sa tabi ko.

Naiilang kong iniusod iyong upuan ko pero bago ko pa man magawa yun hinawakan niya ako sa kamay.

"Stay." Utos niya. Stay?
Di ko naintindihan iyong sinabi niya basta hindi ko nalang ginawa iyong pagusod ng upuan. Ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko.
Tiningnan ko iyong Veronica. Iniinom na niya iyong tirang kape ni Don. Tapos nung makita niya akong nakatingin sa kanya kinindatan niya ako.

Nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. Mukha siyang latir na ewan.

Napansin kong nakatingin sakin si Luke. Kaya sa mesa ko nalang ipinukol iyong tingin ko. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

Dumaosdos iyong kamay niya papunta sa biyas ko. Kumawala ang isang malalim na hininga mula sa bibig ko. Lalo ng maramdaman kong pumupunta na ito sa laylayan ng suot kong bestida.

Wala sa sarili akong napatayo. Medyo nabigla ang dalawang taong nasa harapan namin sa pagtayo ko. Dali dali akong umalis don kung saan nanduon sina Don, Veronica at...

"Saan ka pupunta?" Nabigla ako ng marinig ang boses ni Luke. Sumunod pala sya sakin.

"S-Sa banyo lang a-ako.." Pagsisinungaling ko. Ang totoo gusto ko lang makalayo sa kanya.
Pero sa huli pumasok pa rin ako sa banyo at agad itong sinarahan. Iniwan ko siyang nasa labas nito.

Umupo ako sa ibabaw ng nakasarang bowl ng kubita. Ngunit nabigla ako ng may tatlong katok akong narinig sa labas ng pinto. Si Luke ang kumakatok.

Ano kayang problema nito, anang isip ko. Gagamit ba siya ng banyo. Sa dami ng banyo dito sa mansyon ba't makikisiksik pa sya dito sa ginagamit ko.

Binuksan ko iyong pinto. "Sa ibang bany---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong tinulak papasok ng banyo.

Nang nasa loob na kaming pareho ay sinarahan niya iyong pinto gamit ang isa niyang paa.

Nakadikit na sa malamig na pader ang likod ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Binuksan niya iyong makinang na bakal dahilan para tumulo ang tubig mula sa itaas ng banyo.

Nababasa kami ng tubig pareho. Tiningnan ko si Luke. Seryoso siyang nakatingin sakin. Napalunok ako ng sarili kong laway ng bumaba ang mukha niya papunta sa leeg ko.

Hinalikan niya ang leeg ko. Halik na naghahalo sa lamig ng tubig na bumabalot sa buong katawan ko.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon