Dirty Show: Uncovering her Innocence

536 7 1
                                    

XVI

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Don Ilbus. Nasa isang kwarto ako ng mansyon hinihintay ang pagdating nina Don, Luz at iyong magkakasal raw samin.

Sabi sakin ni Luz hindi raw makakarating si Luke dahil may inaasikaso ito sa kanilang negosyo. Nakasuot nga pala ako ng isang bestidang puti na may kahabaan. Lampas ito sa tuhod ko.

Medyo manipis ang tela nito. Kaya preskong presko ko siyang tinatamasa. Sa katunayan sobrang ganda nito. Sabi sakin ni Luz si Luke daw pumili nito para sakin.

Ilang sandali pa ang lumipas ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Don, Luz at ang isang matangkad na lalaki na kasing edad lang siguro ng asawa ng pinsan kong si Merlinda.

Nakasuot si Don Ilbus ng pormal na damit na katerno nung suot ko. Ganun rin si Luz, pormal rin ang suot nito. Tiningnan ko iyong lalaki. Siya na kaya iyong taga huwes na magkakasal samin ng Don?

Nakasuot siya ng salamin sa mata. Pumunta na sa tabi ko si Don Ilbus habang nasa likod namin si Luz. Iyong taga huwes naman nasa harapan na namin.

Nang magsimula na siya sa pagbabasa don sa isang papel na kanina niya pa hawak hawak medyo naduling ang aking utak.

Anong pinagsasabi kaya niya?

Di ko kasi maintindihan. Lahat kasi english. Patuloy lang siya sa pagbabasa sa mga nakasulat don sa papel. Para siyang nagra-rap na palaka.

Si Don Ilbus at Luz, naintindihan kaya nila iyong mga pinagsasabi nitong lalakong to?

Tumikhim ako. Di ko na kasi maatim iyong mga pinagsasabi niya. Baka minumura na pala kami nito. Huminto siya.

Tumingin sakin. Ako naman tumingin sa katabi kong si Don Ilbus. Pero tahimik lang itong nakatingin sa lalaking nasa harap namin.

"Eh..S-Sir, pwede niyo po bang huwag na pahabain to. Idiretso niyo lang po. Huwag na po kayo lumiko liko." Sabi ko. Iyong reaksyon ng mukha niya parang nalilito.

Tumingin ito kay Don Ilbus at tinanguan lang ito ng Don. Kaya ang ginawa niya. Inilagay niya iyong papel sa mesa at ibinigay kay Don ang isang panulat.

May isinulat si Don Ilbus don sa papel. Pagkatapos sa akin naman ibinigay iyong panulat.

"Lagdaan mo, Irish." Utos sakin ng Don. Kinuha ko iyong panulat at...

"Ano po pala iyong lagda?" Tanong ko kay Don Ilbus. Di ako pamilyar don eh. Nagkatinginan sila nung lalaki. Tapos iyong lalaki na ang sumagot at nagturo sakin.

"Pirmahan mo dito, hija." Sabi nung lalaki at itinuro iyong bahagi ng papel na nasa ibaba. Malapit ito sa sinulatan ng Don.

"Isulat mo ang bago mong pangalan riyan." Pagtuturo sakin nung lalaki. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Tapos nagsalita siya ulit.

"Congratulation, Mister and Misis Batalier." Sabi nung lalaking taga huwes. Tumango lang si Don. Tapos sabay sabay kaming lumabas sa loob ng kwarto.

Dumiretso ako sa sarili kong kwarto. Oo may sarili na akong kwarto. Malaki ito. Mas malaki ito kumpara sa espasyong meron ang bahay ng tiyahin ko.

Pagkabukas ko ng pinto. Nagulat ako ng makitang nakaupo sa kama ko si Luke. Seryoso ang mukha nito. Isinara ko iyong pinto ng kwarto.

"Strip, Irish." Utos niya. Strip?
Anong strip?

"Huh? Ako strip? Di ako strip noh." Sagot ko. Pero ang totoo di ko talaga alam ang ibig sabihin ng strip.

"Fuck!" Angal niya. Pak? Sinong pak? Aba, may sayad pala to si Luke. Kumukulo ang budhi ko sa kanya huh.

"Yudonot me Luke. Yurgeteng me nerbs!" Sigaw ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Naku, kala niya siguro wala akong mga tinatagong english.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon