Dirty Show: Her Uncovered Innocence

257 5 2
                                    

DISTRESS 3

Nakasimangot akong nakaupo sa loob ng tumatakbong kotse ni Luke. 3:45 na ng umaga. Malamig pa sa labas buti nalang dito sa loob ng kotse niya ay hindi. Walang nagsasalita sa aming dalawa.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa isang fuel station. Bumaba siya ng kotse at naiwan ako sa loob nito habang may kinakausap siya dun sa mga gasoline boys ng fuel station. Tama ba? Gasoline boys ba talaga ang tawag sa kanila? Ah basta yun na yun.

Saan kaya kami pupunta? Saang lupalop kaya ng mundo niya ako dadalhin? Tatakas na ba kami ng magkasama? Iyan ang mga katanungang patuloy na lumulutang sa loob ng utak ko. Nakita ko siyang naglakad papasok na ng kotse matapos kausapin iyong dalawang lalaki.

"Lets go." Sabi niya na ikinabigla ko. Pumunta kasi siya sa may pintuan kalapit ng inuupuan ko at binuksan ang pintuan nito. Imbes na magtanong pa sa kanya ay agad akong sumunod sa sinabi. Lumabas ako ng kotse at naglakad habang nasa unahan ko siya. Dumiretso kami sa isang malawak na garahe sa likod ng fuel station. Naiwan ang sasakyan niya dun sa fuel station na akala ko magpapa-gas lang kami yun pala hindi.

Lumapit siya sa isang SUV at pumasok rito. Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok rin ako sa loob at agad niya itong pinatakbo. Saan ba kasi ang punta namin?

"Wear your seat belt." Utos niya at dun ko lang napansin na hindi ko pa pala naisusuot iyong seat belt. Agad ko namang sinunod yung sinabi niya kahit naiinis ako sa pagmumukha niya ngayon. Parang naging cold kasi bigla yung personality niya. Dahil medyo inaantok pa ako kaya di ko pinigilan ang sarili ko na makatulog sa loob ng kotse.

Nagising ako bigla ng may naulinigan akong ingay. Pagkabukas ng mga talukap ko sa mata ay napansin kong hindi na tumatakbo ang sasakyan at wala si Luke sa loob ng kotse. Nasaan kaya kami? Agad kong binuksan ang bintana ng kotse kaya lang malamig na hangin ang bumungad sa mukha ko.

Nasaan kaya kami? Paulit ulit kong tanong. Hindi ko kasi alam kung nasaan na kami. Sa tingin ko kasi ay nasa kalagitnaan kami ng national highway kaso wala akong makita ni isang estrakturang nakatayo sa paligid. Mga matataas na talahib at iba pang damo lang ang nakikita ko. May malaking street light din pala sa may unahan ng kotse kaso di ito gaanong maliwanag.

Nasaan na kaya si Luke? Isinara ko nalang ang bintana dahil sa sobrang lamig sa labas. Ng tingnan ko oras ay 4:50 na ng umaga. Ilang minuto nalang pala mag-aalasingko. Kaya pala sobrang dami ng hamog sa labas. Hindi na ako mapakali ng ilang minuto na ang lumipas pero walang Luke na pumasok uli sa sasakyan. Unti unti na ring binabalot ng takot ang buong katawan ko. Maraming masasamang pangyayari ang naiisip ko na pwedeng mangyari sakin ngayon dito.

Paano kung iniwan na ako ni Luke dito? Paano kung may biglang dumating na mga masasamang tao at patayin ako? Bakit kami nagpalit ng sasakyan? Anong binabalak ni Luke? Halos mapaiyak na ako sa takot sa loob ng kotse sa isiping iniwan na talaga ako ni Luke ng may biglang tumunog sa likod ng kotse kaya agad akong napatingin dun. Nakita ko ang pamilyar na bulto ng tao at sigurado akong si Luke iyon.

Naglakad siya papasok sa kotse. Bago niya pinaandar ang kotse ay napatingin siya sakin.

"You look pale. Are you sick?" Feeling concern pa ang mokong e halos mapaiyak na ako sa takot kanina. Kaya hindi ko siya pinansin. Ang totoo, magkatabi kaming nakaupo dito sa loob ng kotse.

"Hey, are you mad? Irish?" Tanong niya uli pero hindi ko pa rin siya pinansin at pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. I heard him sigh bago niya pinaandar ang kotse. Napansin kong may konting dumi ng sasakyan ang kamay niya kaya sigurado akong nagpalit siya ng gulong nito. Bakit niya kaya ito pinalitan e bago palang naman ito? Marami akong gustong itanong sa kanya kaso pinipigilan ko.

Hindi natuloy ang plano ko dahil sa kanya at ngayon naman ay pinapatakbo niya ang sasakyan sa kung saan ng di manlang sakin sinasabi kung saan kami pupunta porket hindi ako nagtatanong. Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang text ni Letty.

Hoy nasaan ka na? Nasa Cubao na si Marlon hinihintay ka.

Patay. Ano kayang sasabihin ko kay Letty?

"Who's that?" Nagulat ako ng biglang magtanong si Luke. Napansin niya sigurong di ako mapakali.

"W-Wala" pagsisinungaling ko at agad na binalik ang phone ko sa bulsa ng suot kong jacket.

"You're lying." Komento niya. Ba't ba napaka-transparent kong tao. Kahit si Letty nahahalatang nagsisinungaling ako kahit malayo kami sa isa't isa at ngayon naman si Luke na hindi nga makita ang mukha ko pero alam na alam na nagsisinungaling ako.

"Wala to. Don't mind me." Sabi ko at tumingin muli sa labas ng bintana. Mabuti na lamang at di na siya nagtanong ulit hanggang sa makarating kami sa labas ng isang malaking gate at nasa loob nito ang malaking bahay. Napaplibutan ito ng dim light at halatang modern ang architectual design nito.

"Come, Irish." Yaya ni Luke sakin. Buti naman ngayon pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng gate. Pagkapasok namin ay isang ginang ang sumalubong samin. Siguro mas matanda lang siya ng tatlong taon sa pinsan kong si Merlinda. Maganda ito.

"Good morning, mom!" Nabigla ako ng batiin ni Luke iyong ginang. Mom? Siya ang mommy ni Luke? May mommy pa si Luke?

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon