Dirty Show: Her Uncovered Innocence

262 3 4
                                    

IV

"Ano ka ba Temyong, ba't mo naman dinala yan dito satin?" Rinig ko ang reklamo ng isang Ginang. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang nasa loob ako ng simpleng tirahan ng isang mag-asawa at nakita kong may isa silang anak na babae na sa tingin ko ay tatlong taong gulang na.

Nasa loob ako ng isang kwarto na sa tingin ko ay kwarto ng anak ng mag-asawa. Bakit nga ba ako napunta dito? Dahil alam kong ligtas ako rito hindi man sa mahabang panahon pero atleast alam kong hindi ako matutunton ng mga taong naghahanap sakin ngayon maliban na lamang kung may magsasabi sa kanila at malalaman nilang narito ako.

"Nakakaawa naman kasi ang batang yan. Nakita kong duguan sa daan katabi nung mga talahiban kaya ko dinala nalang at baka mapano pa roon." Paliwanag naman ng lalaking tumulong sakin kahapon.

Oo. Ilang oras na rin ako narito sa tirahan nila. Malapit nang mag-isang araw ako rito. Tama iyong ginoong tumulong sakin, nakita niya lang ako sa daan ng dumaan siya sakay ng isang garbage truck na panigurado akong tanging hanap-buhay niya para sa kaniyang mag-ina.

"Eh pano natin mapapa-gamot iyan? Wala nga tayong pambili ng ulam." Mas naaawa ako sa mag-asawa kesa sa sarili ko. Mukhang napakahirap ng pamumuhay nila at dumagdag pa ako. Paano ko kaya masusuklian ang pagtulong nila sakin? Pinapasok nila ako sa pamamahay nila, binihisan, pinainom ng gamot at pinakain. Napakabuti ng kalooban nila.

"Ako ng bahala sa ulam natin, pwede namang tayong umutang uli sa tindahan." Suhesyon ni Mang Temyong, ang ginoong tumulong sakin.

"Utang na naman! Eh paano iyong gamot ni Tanya. Paubos na iyong vitamins niya." Sabat naman ng ginang. Bigla akong nakaramdam ng konsensya. May kailangan pa pala sila sa pera maliban sa gastusin sa bahay at pagkain nila. Imbes na ibili nila ng mga kakailanganin, napunta pa sa gamot ko. Hindi naman nila ako dinala sa hosital pero ang mga gamot na binili mula sa botika ay paniguradong malaking bawas sa bulsa nila. Sa tingin ko may karamdaman iyong batang anak nila na si Tanya. Paano kaya ako makakatulong sa kanila?

Tiningnan ko si Tanya na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng katri niya. Napaka-cute niyang bata. Hindi halatang may karamdaman siya. Sana kasing cute niya ang magiging anak ko. Napabuntong hininga ako. Paano nga kaya ako makakatulong sa kanila? Nakakaawa ang mga kalagayan namin.

"Ano ka ba Rita, wag kang maingay at baka magising iyong mga bata sa kwarto nila. Ako ng bahala sa lahat ng pinoproblema mo diyan kaya wag ka nang nakasimangot. Ang mahalaga nakatulong tayo. Hindi ka ba masaya na nakatulong tayo sa ating kapwa?" Napangiti ako ng malungkot sa tinuran ni Mang Temyong. Napakabuti niyang tao at ama. Napakaswerte sa kanya ng pamilya niya. Kanina pa ako gising kaya kanina ko pa rin naririnig ang usapan nila kaya lang ang akala nila tulog pa ako kagaya ni Tanya.

Bigla kong napansin ang singsing na binigay sakin ni Luke. Isa itong customized tracking device, iyan ang sabi niya. Buti na lamang at hanggang ngayon ay narito pa rin ito sa daliri ko. Akala ko nawala ko na kanina sa talahiban. Malaki ang pasasalamat hindi lang sa pamilyang tumulong sakin kundi pati na rin sa taas. Hindi niya ako binigo. Hindi niya pinabayaan.

Tinanggal ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko at tiningnan ito sa malapitan. May iba. May nag-iba rito. Sigurado akong hindi ito ang singsing na binigay sakin ni Luke kahit pa magkapareho ang disenyo nito. Mas mabigat ang orihinal na singsing na galing kay Luke. Kaya ba hindi ako napuntahan ni Luke dahil hindi na ito ang singsing na may tracking device mula sa kanya? Magaan ang timbang nito kahit pa alam kong mamahalin rin ito. Shit! Mukhang alam ni Luz na may tracking device na nakasuot sa akin. Alam kong pinalitan niya ang singsing na galing kay Luke. Malungkot akong napapikit habang mahigpit kong ikinuyom ang aking mga kamay.

Paano na ako ngayon? Paano ko makikita si Luke at paano niya ako muling makikita? Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi sakin pamilyar ang lugar ng pamilyang pansamantalng kumupkop sakin.

"Hija?" Agad kong ibinukas ang aking mga mata ng marinig ang boses ni Mang Temyong. Nasa may pintuan na pala siya ng kwarto. Tumayo ako.

"P-Po?.."

"Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo. Ihahabilin ko sana muna sayo si Tanya. Pupunta lang kami ng asawa ko sa kabilang kalye. May importante lang kaming sadya roon." Paliwanaf niya.

"Sige po. Ayos lang po."

"Oh siya, aalis muna kami hija." Pagpapaalam niya.

"T-Teka lang po. Eto po, sa inyo na po itong singsing. Pwede niyo po yang isanla di naman po sakin importante iyan." Ibinigay ko iyong singsing sa kanya. Nagtataka ang ekpresyon ng mukha niya.

"S-Sigurado ka ba hija? Mukhang mamahalin ito."

"Ayos lang po. Para po may panggastos tayo." Paliwanag ko. Nakita ko ang paggaan ng mabigat na problemang dinadala niya bilang haligi ng tahanan. Kitang kita ito sa kanyang mukha. Tinanggap niya ito mula sa akin at tuluyan na nga siyang nagpaalam sa akin at umalis. Naiwan kami ni Tanya na nasa bahay. Ano kaya ang gagawin ko habang nasa labas pa ang mag-asawa? Kailan kaya magigising ang bata?

Lumapit ako sa may katri at akmang hahawakan na ito ng bigla itong nagmulat ng kanyang mga mata.

"Hi, Tanya!" Masigla kong bati sa kanya. Nagtataka siyang tumitig sakin.

"Ako si ate Irish mo. Kaibigan ako ng mga magulang mo." Bigla siyang ngumiti na lalong nagpagaan ng loob ko.

Lumipas ang ilang oras, nasa loob lang kami ng kwarto ni Tanya. Marami akong ikwenento sa kanya. Mga kwentong naikwento ko na noon kay Popong. Para namang nawiwiling makinig ang bata kaya nagpatuloy lang ako sa kukwento sa kanya kahit alamkong di naman niya naiintindihan ang mga sinasabi ko. Di namin malayan ang oras hanggang sa dumating na nga ang mag-asawa. May dala dala silang malalaking supot ng pagkain na bitbit nila pareho.

"Hija, maraming salamat. Malaking pera ang singsing na ipinasanla mo sa akin. 150k ang paunang bayad sa akin plus may tracking device daw na naka-install duon kaya ang sabi nung pasanlaan, kung pwede daw bilhin niya nalang iyon. Dadagdagan pa daw niya ng 150k." Balita sakin ni Mang Temyong. Napangiti ako sa ibinalita niya.

"Ayos lang po, ipagbili nalang niyo po yun. Hindi naman po importante sakin iyon."

"S-Sigurado ka ba, hija?" Paninigurado niya habang tahimik lang na nakikinig sa aming usapan ang asawa niya. Tumango ako bilang sagot.

"Naku, malaking pera ito kung ganon. Narito ang iba pang pera, hija. Mga 2,500 ang nagamit namin ng asawa ko." Paliwanag niya sakin. Agad ko itong kinuha mula sa kanya ngunit ibinalik ko rin kaagad ang iba.

"Sa inyo na po ito. Kukunin ko lang po ang 100k." Sabi ko at ibinalik ang ibang pera na nakalagay sa isang malaking bag na sakbit ng asawa niya. Tama siya napakalaking pera nga nung singsing na yun. Mga mahigit 300k lahat ang bayad nito kung babalikan ng mag-asawa ang pasanglaan.

"Kung ganon, babalik kami dun bukas para ipagbili nalang iyon. Maraming salamat, hija huh. Napakalaki naman kaagad ng naitulong mo sa amin ng pamilya ko."

"Ayos lang po yun. Tinulungan niyo rin naman po ako kaya dapat lang po na tulungan ko rin po kayo lalo pa't gusto ko pong makitang masaya palagi si Tanya."

"O siya, halina't simulan na nating tikman itong mga pagkaing nabili namin." Aya niya sa amin.

"May sasabihin po sana ako."

"Ano iyon, hija?"

"Aalis po ako." Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. Buo na ang desisyon ko.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon