Dirty Show: Uncovering her Innocence

640 6 1
                                    

VI

Nag-aalangan akong lumabas ng banyo. Paano kung may gumamit non pagkatapos ko?

"A-Ate...wala po ba kayong tubig dito? Tagtuyo ata sa banyo niyo, wala kasi akong nakitang tubig na pangbuhos eh?" nagkatinginan iyong dalawang babae.
Iyong isa sinamahan nalang ako papunta sa kung saan habang yung isa siya na daw bahala don sa banyo. Saan kaya siya mag-iigib ng tubig?

Mga ilang pasikot-sikot din na daan ang dinaanan namin bago kami pumasok sa isa pang mas malaking kwarto at nakita ko don si Luz na may kasama pang iba.

Ba't parang naunang dumating dito sa mansion si Luz? Sa isang puting kotse rin kaya siya sumakay?

Umalis na iyong babaeng naghatid sakin pagkatapos akong papuntahin sa mismong harapan nung malaking mesa kung saan may nakaupong lalaki na nakatalikod samin. Katabi ko si Luz at pareho kaming nakatayo.

"Sir, andito na po siya." Wika ni Luz. Ako siguro tinutukoy ni Luz.

Teka, Sir ba kamo? Teacher siguro tong lalaking nakatalikod samin.
Sabi kasi sakin ni Letty, Sir daw ang tawag nila sa mga gurong nagtuturo sa kanilang paaralan. Paraan daw ito upang magbigay galang.

Humarap iyong lalaking nakatalikod samin. Yumuko ng kunti si Luz ng humarap ito samin. Blangko ang ekspresyon nung lalaki nang tingnan ako.
Si Don Ilbus na ba to?

"Leave us, Luz and call Sebastian." Wika nung matandang lalaki. Umalis si Luz at naiwan ako at iyong matandang lalaki sa loob ng kwarto. Lumapit ito sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Ilang taon ka na, hija?" tanong nito at mas lalong lumapit sakin at hinawakan ang aking buhok at maingat itong sinuklay gamit ang sarili niyang mga daliri.

"Dise-otso po." Sagot ko at nanatili lang nakatayo. Anong drama niya sa buhok ko?

Mas lalo itong lumapit sakin at pumunta sa likod ko at inamoy-amoy ang mga hibla ng aking buhok.

"Too young." Wika nito.

"P-Pwede po ba akong magmano sa inyo?" tanong ko. Naiilang kasi ako sa ginagawa niyang pag-amoy sa mga hibla ng aking buhok. Natigil ito sa kanyang ginagawa at humarap sakin.

Ayaw niya bang magmano ako? Eh sabi ni Letty, paraan daw iyon ng pagrespeto sa mga matatanda. Iyon rin ang ginagawa namin tuwing nakakasalubong kami ng matatanda samin.

Inilahad niya iyong kamay niya sakin hudyat na pumapayag siya na magmano ako kaya't nagmano nga ako sa kanya.

"Ano po ba iyong hija? Karugtong po ba iyon ng magiging bago kong pangalan?" tanong ko. English kasi siguro yon eh. Di pa naman yon naturo sakin ng kaibigan kong si Letty.

Nakita kong medyo nadismaya ang ekspesyon ng mukha niya.

"No, hija. Palayaw iyon." Sagot niya. Ah, ganun pala yon. Hija.

Tiyak maiinggit si Letty nito kapag ibalita ko sa kanyang iba na ang palayaw ko. Hindi na Lotte kundi Hija. Pwede palang ibahin ang palayaw ng isang tao. Kung ganun, si popong pala pwedeng maging lolong na ang palayaw niya.

"Eh iyong, too young po? Ano po yon? Sa amin po kasi pangalan yan nung Mayora sa lugar namin." Tanong ko uli. Marami ata akong matututunan na pangalan rito.

"Masyado ka pang bata, hija." Wika niya.

"Po? Dise-otso na po ako. Yung iba nga samin trese palang may dalawang anak na. Kaya paano po ako naging masyadong bata? Eh pwede ko naman pong malaman ang ibig sabihin non kahit dise-otso palang po ako." Pagrereklamo ko.

Masyado pa ba akong bata? Eh nililegra na nga ako tsaka nagkahugis na rin iyong hinaharap ko. Masabi nga iyon ng maintindihan ng matandang lalaking to. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay may biglang nagbukas nung pinto at may pumasok.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon